Chapter 46

91 3 0
                                    


Agad kong pinasyal si Edmund at si Shiela sa bahay. First time nila dito sa 'min kaya natutuwa ako sa reaction ni Shiela. Kasama ko sila sa garden at nagkakape kaming tatlo. Dito dati ang lugar kung saan ko nakita si Lee na inakala kong si Mr. Shein.

"Lor, pagamit ng banyo ah." Sabi ni Edmund kaya tumango ako. "Sabihan mo lang si manang para ituro niya sa 'yo saan." Sabi ko at tumango naman siya bago umalis.

"Cheyka ka na!" Sabi ni Shiela pagkatapos makaalis ni Ed. Natatawang umikot ang mata ko at napailing.

"Wala naman. Ganoon pa naman kami," sagot ko at ininom ang kapeng nasa tasa.

"Grabe ka! Hindi mo naman sinabi na buhay reyna ka pala dito."

"Hindi ah," angal ko kay Shiela. Paanong naging buhay reyna ako dito?

"Kwento mo naman tungkol sa inyo ni Harold. Ang damot nito mag kwento." Sumimangot ang mukha niya at sinamaan ako ng tingin kaya wala na 'kong nagawa kun'di ang e kwento sa kaniya ang mga bagay na hindi ko pa nasasabi sa kaniya.

"Malaki ba ang ano niya?" namumulang tumango ako nang mapagtanto ang ibig sabihin niya. Agad na tumili si Shiela kaya nakurot ko siya sa tagiliran.

"Tumahimik ka nga, bes. Nakakainis ka!" Naiinis na sabi ko dahil sa sobrang lakas ng boses nito. Nakakahiya sa mga nakakarinig.

"Grabe! Naunahan mo pa ako. Ikaw 'di na virgin but me-" hindi niya naituloy ang sasabihin ng agad kong nilagyan ng tinapay ang bunganga niya.

"Kumain ka! Ang dami mong sinasabi." Naiinis na sabi ko.

Kumindat-kindat pa siya habang ako ay namumula na sa hiya.

Napansin ko na hanggang ngayon ay hindi pa dumarating si Edmund kaya agad akong nagpaalam kay Shiela para hanapin siya.

Nakasalubong ko si manang

"Nakita niyo po so Edmund, manang?" tanong ko. Nagtaka siya, "bakit po lady Lay? Hindi niyo siya kasama?"

Umiling ako at sinabing hahanapin ko nalang. Pumunta ako sa lahat ng CR sa ibaba ngunit walang bakas ni Edmund dito.

Hindi ko alam kung bakit ay dinadala ako ng mga paa ko sa taas. 'Ano namang gagawin ni Edmund dito?' napailing ako at bababa na sana para mag tanong sa mga guard sa labas nang agad na bumukas ang kwarto ni Mr. Shein at lumabas doon si Edmund.

Kumunot ang noo ko at agad siyang pinuntahan sa kinaroonan niya. Napatalon siya sa gulat nang makita niya ako.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Lor, let me explain." Ngunit nagtataka ako na para bang may itinatago siya sa likuran niya.

"Anong kinuha mo?" tanong ko.

"Kinuha? W-Wala akong kinuha." Aniya at umiling pa. Ngunit alam kong nagsisinungaling siya. May itinatago siya sa likuran niya na ayaw niyang ipakita sa 'kin.

"Bakit ka nagsisinungaling? Anong kinuha mo?" lumapit ako sa kaniya at pinilit abutin ang nasa likuran niya ngunit lumayo lang siya nang lumayo habang palapit ako nang palapit sa kaniya.

"Akin na," sabi ko at nakadikit na ngayon ang likuran niya sa dingding habang ako ay pinipilit pa rin kunin ang nasa kamay niya.

"Stop it, Lor." Agad nanayo ang boses ko nang sabihin ni Edmund 'yon.

Nang tumingala ako sa kaniya, naroon ang bigat sa mga mata niya habang nakayuko sa 'kin. Puno ng emotion na hindi ko mapangalanan.

"Gusto kong makita-"

"Bakit gusto mong makita ang hindi mo dapat makita? Pero hindi mo nakikita ang na sa 'yong harapanna." Puno ng hinanakit ang boses niya na ikinataka ko.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Bakit siya pa?" nagulat ako nang marinig na para bang nasasaktan siya.

Hindi ko siya maintindihan. Kung ano man ang ibig niyang sabihin, huwag na niyang sabihin. Hindi ko nagugustuhan ang kahihinatnan ng pag-uusap namin.

Humakbang ang mga paa ko palayo sa kaniya ngunit agad niyang hinawakan ang bewang ko at hinila sa kaniya pabalik dahilan kung bakit mariin kong nailagay sa dibdib niya ang dalawang kamay ko.

Nanlalaki ang mga mata ko. Lalo na na ilang dangkal lang ang layo ng mukha namin sa isa't-isa.

Nagsimula na namang tumibok ng malakas ang puso ko. Sa sobrang kaba ko ay hindi ako makakilos. Anong nangyayari kay Edmund?

Bago pa man nasagot ang katanungan sa isipan ko, may malakas na pwersa ang humila sa 'kin papalayo kay Ed.

Nagulat nalang ako nang makitang sinuntok ni Mr. Shein si Ed. "You fvcking moron!" Napatili ako at agad na pinigilan ang asawa ko ng akmang lalapitan pa si Ed para suntukin.

Humarap si Edmund sa amin. Naroon ang galit sa mga mata niya. Bahagya akong kinabahan.

"Alam natin na ikaw ang may dapat pagbayarin." Galit na sabi ni Edmund sa asawa ko. Susugurin sana siya uli ni Mr. Shein nang ako na mismo ang humarang.

"Stop it," mahinang sabi ko.

"Gago ka! Umalis ka ditong hay0p ka! How dare you to touch my wife?" Galit na galit na sigaw ng asawa ko.

Dumating na rin ang ibang bodyguards sa taas at pati si Shiela na puno ng pagtataka. "Anong nangyayari?" ani ni Shiela.

"I didn't touch her. And if I do, hindi mo na siya makukuha sa 'kin." Nanlalaki ang mga mata kong balingan si Ed. Ano bang pinagsasabi niya?

"Tang.ina mo!" Malutong na mura ng asawa ko at balak pa sana siyang sugurin ngunit mas lalo ko siyang pinigilan kahit na natapakan niya ang isang paa ko sa sapatos niya.

"Umalis ka na," mahinahon na sabi ko kay Edmund. Nagmamakaawa na tumigil na siya sa ginagawa niya.

"I'll leave. Just... just don't cry," puno ng lungkot at lambing na sabi ni Edmund. Nakagat ko ang pang ibabang labi ko sa sakit ng daliri ko sa paa ng matapakan ulit ito ni Mr. Shein sa kagustuhang masuntok si Edmund.

Salamat kay Shiela at siya na ang humila sa pinsan niya paalis ng bahay. Hindi ko alam kung anong tinatago ni Ed o ano ang ibig niyang sabihin. Ngunit hindi ko nagustuhan ang pangbabastos niya hindi lang sa'kin, pati na sa asawa ko.

Saka ko lang binitawan si Mr. Shein nang masigurado kong nakaalis na nga si Edmund at Shiela.

Nang tignan ko siya sa mukha ay naroon ang galit sa mga mata niya. Namumula ang mukha buhat no'ng galit niya kanina.

"Why you didn't tell me na pumunta sila dito?"

Kinabahan ako. Nawala sa isipan ko kanina na sabihin sa kaniya na narito si Shiela at Ed.

"Sorry, nakalimutan ko." Pag-amin ko.

"Nakalimutan mo? For God sake! I called you earlier. Kinausap kita and yet nakalimutan mo sabihin? Mahirap bang sabihin 'yon?"

"Hindi naman kasi importante iyon, Mr. Shein. Hindi ko naman alam na mangyayari ang gaya nito."

"That's the point wife. Hindi lahat ng akala mo ay tama at ikabubuti sa 'yo. Paano kung hindi ako dumating? Baka kung ano ng ginawa ng gagong 'yon sa 'yo. He could have r*pe you!"

He's overreacting. Mabait na tao si Ed.

"Hindi ganoon si Ed," mahinang sabi ko.

"At ngayon pinagtanggol mo siya sa 'kin. Sige, what's next? Sasama ka na sa kaniya?"

Agad ko siyang sinalubong sa mga mata. Hindi ako makapaniwala sa sinasabi niya 'yan ngayon. Paano niya nagawang sabihin 'yan?

"Baka nga sasama ako sa kaniya kung pinairal mo iyang kakitiran ng utak mo!" Tinalikuran ko siya at balak ng aalis nang agad niya 'kong pigilan sa kamay at pumasok kami sa kwarto katabi ng kwarto niya.

"Anong ginagawa mo?" kinakabahang tanong ko nang makapasok kami sa loob ng kwarto.

"You've been a bad girl, wife. You need to be punish." Bulong ni Mr. Shein sa tenga ko na nagpatindig ng balahibo ko sa katawan.

Binili Ako ng CEO (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon