Chapter 49

65 3 0
                                    


"I want you to take my position," 'yan ang unang bungad ng ama niya nang mag-usap sila sa sala. But mukhang hindi siniseryoso ni Mr. Shein ang ama niya. May kung ano siyang ginagawa sa batok ko kaya minsan ay nasasapak ko sa kakulitan.

"Are you not listening to me?" kumunot ang noo ng ama niya. Ako ang kinakabahan na baka siya mapagalitan dahil wala talaga siyang pakialam.

"Just give it to Jayden. I'm not interested in your wealth." Sagot ni Mr. Shein at yumakap sa likuran ko habang ang baba ay ipinatong sa balikat ko. Napasunod ang tingin ng ama niya sa kamay niyang nakapulupot sa bewang ko.

Siniko ko siya para bitawan ako pero mas hinigpitan lang niya ang pagkakahawak niya sa 'kin. Napabuntong hininga nalang ako at napailing.

"I can't give him the company. Wala akong tiwala sa kaniya,"

"Himala yata," puno ng sarkasmo na ani ng asawa ko. Agad ko siyang nilingon. Masiyado talagang malaki ang galit niya sa pamilya niya.

"Please consider this, Oliver. I'll go ahead." Tumayo na ang ama niya kaya tumayo na rin ako.

"Where are you going wife?"

"Ihahatid ko siya Mr. Shein."

"But-"

"If you don't want to come, dito ka lang. Papa mo pa rin siya." Sabi ko at sinamahan ang ama niya sa labas. Naroon ang ilan sa mga bodyguards ni sir Francisco Shein sa labas at nakaantabay sa paglabas ng amo nila.

Nasa likod lang ako at tahimik na pinagmamasdan sila. Akala ko ay hindi siya magsasalita but nagulat ako nang lumingon ito sa akin.

"What's your real name, hija?" tanong nito na ikinagulat ko.

"Lorelay Sugala po," maikling sagot ko nang biglang narinig ko ang boses ng asawa kong nag-aalburuto dati kapag hindi ko sinasabi ang Shein. "Shein. Lorelay Sugala-Shein." Magalang na sagot ko.

"Sugala..." mahinang sabi nito. Kalaunan ay nakita ko ang gulat sa mga mata niya. "How are you related to Lorenzo?"

Kilala niya si itay?

"Tatay ko po si Lorenzo," magalang na sagot ko. Nakita ko ang bahagyang paglaki ng mata nito habang nakatingin sa akin.

Naramdaman ko naman ang kamay ni Mr. Shein sa kamay ko at hinila ako palapit sa kaniya. Nakita ko kung paano tignan ni Lorenzo ang anak. Walang salita ngunit pakiramdam ko ay nag-uusap sila sa pamamagitan ng tingin nila.

"I'll g-go," nauutal na ani nito.

"Sandali lang po... K-Kilala niyo ba ang itay ko?" nagtataka kong tanong. Hindi na sumagot o lumingon pa si sir Francisco. Sumakay ito agad sa sasakyan niya at hindi nag-abala pang sagutin ako.

Nang tignan ko si Mr. Shein ay nakita ko ang pag-aalala sa mukha niya na agad napalitan ng ngiti. Pakiramdam ko ay marami pa talaga siyang tinatago.

"Mag-ikot na tayo sa plaza?" nang tumingin ako sa labas ay bigla akong nawalan ng gana. Ayaw ko nalang umalis.

"Dito nalang tayo. Ayaw ko ng mamasyal." Sabi ko at pumasok ulit sa loob ng bahay.

Kinabukasan ay may pasok ako sa skwelahan kaya maaga akong nagising at tinulungan si manang na magluto. May pasok rin si Mr. Shein sa LSB kaya sabay kaming aalis ngayon.

Hinatid ako ng guard. Dahil busy na ang dating bodyguard kong asawa ko pala, napalitan na ang maghahatid sundo sa 'kin ngayon.

Hinihintay ko si Dave dahil may pasok siya ngayon. Ang alam ko ay pinapasundo siya ni Mr. Shein kanina kaya siguro mamaya ay nandito na rin 'yon.

Habang naghihintay, agad kong nakita si Edmund. Hindi ko pa rin nakakalimutan ang ginawa niya sa bahay.

"Lor, can we talk?"

Hindi ako sumagot at sinamaan siya nang tingin. "Anong kinuha mo sa bahay?"

"Let's talk but not in here. Inside my car. I promise, I won't hurt you." Nagsusumamong aniya. Pumayag ako at sumunod sa kaniya. Gusto ko rin siyang tanungin kung bakit ganoon ang ikinilos niya sa bahay no'ng nakaraan.

"Magsalita ka na. May klase pa ako mamaya," walang emotion na sabi ko.

Nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga at agad na tumingin sa 'kin.

"I'm sorry for what I did, Lor." Unang aniya na hindi ko agad nakuha.

"Sorry if I wasn't there when you need me the most." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Anong tinutukoy niya?

"Sorry if nahuli ako."

"Anong pinagsasabi mo?" kunot noong tanong ko.

Nakita ko ang lungkot at dismaya sa mukha niya habang nakatingin sa 'kin. Hindi ko makuha kung anong ibig niyang sabihin.

"Ang sakit sa part ko na ako lang ang nakaalala sa 'yo, sa pinagsamahan natin noong mga bata pa tayo. Bakit mo 'ko kinalimutan?"

Lasing na lasing ako sa kakaisip kung anong logic ang gusto niyang iparating. Sorry to say this but this is non-sense. It's better to leave.

"Huwag mo na akong kausapin," galit na sabi ko at aalis na sana nang bigla niya akong pigilan sa kamay.

"This is me, Lor. Bakit hindi mo 'ko matandaan?"

Galit kong winakli ang kamay niya na nakahawak sa kamay ko. "Ano ba kasing pinagsasabi mo? Hindi nga kita matandaan. Ni hindi kita kilala." Nawawalang pasensya na sabi ko.

"I'm Mumun, iyong bata noon na bumubully sa 'yo...." Lumalim ang gatla sa noo ko habang tinitigan ang mukha niya. Pilit kong tinandaan ang mukhang 'yan hanggang sa may biglang nagflash sa isipan ko.

Scene about my childhood days. Nang nakita ko na sa ala-ala ko ang mukha ni Edmund, agad akong napatingin sa kaniya ulit. "Oh My God!! Halaaaa!!" Biglang lumawak ang ngiti sa labi niya.

Hala!!

"Surpriseee, I'm back, Lor!!"

Tumili ako at agad yumakap sa kaniya. Hala!! Hindi ako makapaniwala. "Ikaw ba 'yon? Oh My God! Teka.. Naguguluhan ako. . Grabe! Hindi ako makapaniwala! Ang laki mo na, I mean natural but... Grabe!" Mahina siyang natawa at agad na ginulo ang buhok ko.

Agad akong sumimangot at mahinang sinapak ang braso niya. "Bakit bigla kang nawala?" kunwari ay naiinis na sabi ko sa kaniya. Biglang sumeryoso ang mukha niya. Hinawakan niya 'ko sa kamay at seryosong sinalubong ang mga mata ko.

"Your husband. Run away from him, Lor. Hindi ka ligtas sa kaniya." Mga katagang binitawan niya dahilan kung bakit nawala ang ngiti sa labi ko.

Binili Ako ng CEO (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon