Chapter 23

109 3 0
                                    

Kinagabihan, nakatulog ako sa sofa habang pilit na iniiwasan si Harold. Naiinis na nabi-bwesit ako sa kaniya kagabi. Kung anu-ano nalang ang pinaggagawa niya. Nagising nalang ako na nasa loob na ng kwarto ni Mr. Shein ngunit wala na siya sa tabi ko.

Hindi na rin ako kinabahan dahil pakiramdam ko ay nasa baba na si Harold. Ganoon pa man, iniisip ko pa rin ang possibilidad na si Mr. Shein at siya ay baka iisa nga. Hindi naman kasi malabo. Pero nakakataka kung totoo man ang hinala ko.

"Good morning," agad akong nag angat nang tingin nang marinig ang sinabi ni Harold. Kumunot ang noo ko nang sumalubong sa akin ang nakakaloko niyang ngiti. Pinagsingkitan ko siya ng mata. Ano na naman kaya ang naiisip niya?

Anong tingin tingin mo diyan? Gusto kong itanong sa kaniya ngunit nakaramdam ako ng hiya nang makita na bagong ligo ito at sobrang ayos ng pormahan. Saan kaya ang lakad niya?

Umiwas ako nang tingin at dumiritso na sa kusina para uminom ng tubig.

"Hey, I said good morning," huminto ako saglit. Nilingon ko si Harold at nakita ang pagkunot nito ng noo at tila ay nakasimangot pa habang nakahalukipkip sa gilid.

Tumalikod ulit ako at inignora siya. Kumuha ako ng isang basong tubig. Narinig ko ang pagbulong-bulungan niya. Naririnig ko naman.

Humarap ako sa kaniya at pagsasabihan sana siya sa mga pinagsasabi niya nang makitang nasa harapan ko na siya at ilang distansya nalang ang layo namin dahilan ng panlalaki ng mga mata ko. Naiwan sa ere ang sasabihin ko. Nakalimutan ko bigla ang sasabihin ko dapat sa kaniya.

Sobrang presko ng dating at biglang ngumisi habang nakatingin sa 'kin na ikinataka ko.

"Anong ginagawa mo?" kunot noo kong tanong.

Humaba ang nguso niya ngunit ang mga mata niya ay nakangiti habang nakatitig sa 'kin. Nagsisimula na 'kong kabahan sa mga possibleng naglalaro sa isipan niya.

"Tumabi ka diyan," naiinis na sabi ko at nilagpasan siya saka hinanap si Oprah.

"Wow! After what you did to me last night tapos tatarayin mo 'ko? Ouch! I feel so loved."

Nanlalaki ang mga mata kong bumaling sa kaniya ulit. "Anong ibig mong sabihin?"

Tumaas ang sulok sa labi ni Harold. Mas lalo akong kinabahan sa reaction niya. May nagawa ba akong mali kagabi? Sa pagkakatanda ko, matapos ko siyang itulak no'ng nagtangka siyang halikan ako, ay agad akong lumayo sa kaniya.

Tapos doon ako sa kabilang sofa umupo katabi ni Oprah tapos ay kumain ako saglit ng snack at nagising nalang ako kanina na nasa kama na ni Mr. Shein. Hindi naman ako lasing so sigurado akong 'yon lang ang nagyari sa 'min kagabi.

"Hindi mo naalala?"

Agad akong umiling. May mali ba kaming nagawa kagabi na nakalimutan ko? Or ako?

"Wow! Can't believe it!" Sabi ni Harold na tila ay disappointed sa 'kin. Pinakatitigan ko siyang mabuti. Bakit niya nasabi 'yan?

"B-Bakit? May mali ba akong n-nagawa?" halos gusto ko ng umupo sa kaba. Para akong naiihi na hindi ko alam. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Naisip ko si Mr. Shein. Kung sakali mang may nagawa akong kahihiyan, wala na yata akong mukha na maihaharap sa kaniya.

Pero paano pag si Harold ay si Mr. Shein? So siya dapat may dapat ipagpaliwanag sa 'kin. Pero paano naman kapag hindi?

"Paano pag meron?" aniya na may panghahamon sa boses. Napalunok ako ng wala sa oras. Napirwisyo ko ba siya? Ang sabi kasi ng inay ay minsan nagsasalita ako ng tulog o di kaya ay nag s-sleep walk.

Nagsimula na akong pagpawisan sa noo.

"Anong ginawa ko?" kinakabahang tanong ko.

"Gusto mong malaman?" tanong ni Harold. Tumango ako agad. Tumaas ang sulok ng labi niya na tila ay nag e-enjoy sa ginagawa. Kumunot ang noo ko. Pinagti-tripan niya ba ako?

"Pinagti-tripan mo ba ako?" humalukipkip ako sa harapan niya.

"What? Of course not!" Mas lalong kumunot ang noo ko sa kaniya. Bakit pakiramdam ko ay pinagloloko niya lang ako?

-----------------------

(Last night in the sofa)

"Umalis ka nga!" nakagat ko ang pang ibabang labi ko nang makita ang kunot noo at tila hindi maipinta na mukha ng asawa ko. I'm supressing my lips not to form a smile or else my wife will kill me.

Kinuha niya si Oprah at lumipat ng upuan. Pakiramdam ko ay naghihinala na siya sa pagkatao ko bilang si Harold. Or maybe beyond that.

It's not yet the time, baby. It's not the right time yet. I'm not ready.

"Huwag mo 'kong tignan. Naaalibadbaran ako sa 'yo, Harold." Naiinis na sigaw niya at tinapunan pa 'ko ng unan. Tumingin sa gawi ko si Oprah.

"Baby, your mom is like a lioness." Gusto kong pagtawanan ang sarili ko na kahit si Oprah ay kinakausap ko sa isipan ko.

Tumayo ako at nagtimpla ako ng gatas para sa kaniya. I also prepare cookies for her. I hate to see her skinny body. Buti nga at nagkakalaman na siya ngayon. I'm working my ass for the past years baby para maibigay ko sa 'yo ang mundo.

You should eat a lot. I won't buy any diet kahit pa ipagsigawan mo sa 'kin na gusto mo mag diet kapag tumaba ka na. With me, I want you to feel sexy and desirable.

Ngunit akin lang.

Tho, don't have a plan to let you restrict yourself on eating foods a lot. I wanna pamper you. It will be my favorite hobby.

Pagbalik ko sa sala ay nakita kong tumingin siya sa 'kin at agad ring nag-iwas tingin. I bit my lip not to smile. She's blushing alright. I made her blush.

But isn't it weird? Kinikilig siya kay Harold which is ibang tao sa mga mata niya? Biglang nawala ang saya na nararamdaman ko. It has a point. Bakit siya kinikilig kay Harold by the way?

But I am Harold. Am I exempted?

This is crazy. I should stop this nonsense.

"Milk and cookies ma'lady,"

"Thanks but no thanks, sir." She replied with something on her voice.

Oh fvck! She's flirting me back. I should be mad alright but this is killing me now. How can she do this to me?

Tumingin siya sa gawi ko at agad na umirap.

Damn! That was sexy.

Nakagat ko ang labi ko para pigilan ang pagngiti.

Baby, I'm begging you. Don't flirt back. Baka mahalikan kita diyan.

Binili Ako ng CEO (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon