Chapter 22

107 2 0
                                    

"Saan ka galing?" kunot noong tanong ni Harold sa akin.

"Nagkape lang," sabi ko at agad na umikot sa likuran. Naisip ko pa rin si Edmund. Napa-praning na naman ako. Baka mamaya ay normal na tingin lang iyon at nilalagyan ko lang ng kahulugan.

Hinintay kong makapasok si Harold sa harapan. Hindi siya kumilos kaagad kaya nagtataka ko siyang tinignan. "Hindi pa ba tayo aalis?" nagtataka kong tanong sa kaniya.

"Sinong kasama mo sa loob ng café kanina?"

"Bagong kaibigan lang," sagot ko ngunit agad kong ibinaling sa kabila ang paningin ko.

"Bakit hindi ka makatingin sa akin?"

"E bakit? Anong koneksyon ng tingin?" medyo naiinis na rin ako sa kaniya.

"Why are you talking to me like that?"

"Ang kulit kulit mo na kasi," naiinis na sabi ko. Bigla siyang tumahimik. Wala na rin akong imik dito sa likuran. Naramdaman ko nalang na pinaandar niya ang sasakyan paalis.

Nang makababa na ay hindi ko siya hinintay na pagbuksan ako. Ako na ang nagkusang magbukas ng pinto at nag diri-diritso sa loob ng bahay.

"What are you doing?" kunot noong tanong ni Harold na hindi ko na inabala pang sagutin. Bahala siya sa buhay niya.

"Woman, I am still talking to you." Hindi ko pa rin siya pinansin kahit na sinundan niya ako sa loob. Dumiritso ako sa kwarto ko para magpalit ng damit. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako na makita ako ni Harold na may kasamang iba. Dahil siguro ay ayaw ko ng umabot pa kay Mr. Shein ang impormasyong iyon. Ayaw kong may maisip siyang hindi maganda sa akin.

Napabuga ako ng hangin ng wala sa oras. Pero kasi, kanina pa ito si Harold. Laging may napupuna sa gagawin ko. Dapat lahat ay nasasagot ko. Hindi ko naman siya asawa. Naiintindihan ko naman na kailangan niyang ma report sa amo niya ang nangyayari sa akin pero iyong paraan ng pagtatanong niya ang nakakainis.

Pero paano pala ginawa niya lang iyon para hindi siya mawalan ng trabaho? I should say sorry to him at least. Kahit saang aggulo tignan, hindi tama ang pakikitungko ko sa kaniya.

Lumabas ako ng kwarto pagkatapos kong magpalit. Kumunot ang noo ko nang hindi ko siya makita sa sala o kahit sa kusina. Lumapit si Oprah sa akin. Yumuko ako para haplusin ang ulo niya. Unti-unti na naman akong kinakain ng kaba.

Iniwan ba niya ako dito? Nainis ba siya sa 'kin?

"Harold!!" Tawag ko ngunit walang sumasagot. Napahawak ako sa upuan para suporta dahil pakiramdam ko, anytime ay mawawalan ako ng lakas. Biglang sumagi sa isipan ko ang nangyari no'ng gabing iyon.

"O-Oprah-"

-----------------------------------

Masayang nakaupo si Lorelay dala ang relo niyang binili ng itay niya para sa kaniya. Alas syete na ng gabi. Nagbabadya ang malakas na ulan.

Nasa labas siya ng bahay nila na malapit lang sa kalsada. Naghihintay siya sa pagdating ng kaniyang itay habang nasa loob ng bahay niya ang kaniyang ina at inaalagaan ang nakakabata niyang kapatid.

May dala siyang payong. Nasa tabi niya ito. Tinignan niya ang orasan at malapit ng mag alas otso. Sa isip ni Lorelay ay maya-maya, darating na ang itay niya kaya ay naghintay pa siya ng ilang minuto kahit na kinakabahan siya sa mga kulog at kidlat.

"Lorelay, anak, pumasok ka na!!" Sigaw ng inay ni Lorelay.

"Inay, maghihintay lang po ako kay itay dito sandali." Sigaw ulit nito. Hindi naman siya nabigo dahil maya-maya pa ay may jeep na huminto sa kabilang kalsada at nakita ni Lorelay ang itay niya na bumaba galing dito.

"Itay!!" tawag niya dito. Tumingin ang itay niya sa kaniya. Kumaway si Lorelay dito at agad na tumayo. Kinuha nito ang payong sa tabi niya at tumakbo sa kinaroroonan ng itay niya na hindi alintana ang sasakyang mabilis na tumatakbo pasalubong sa kaniya.

Bago pa man niya namalayan ang nangyayari, ay malakas na nauntog ang likuran niya sa lupa dahil sa malakas siyang naitulak ng itay niya pabalik sa kinauupuan niya kanina.

Bago siya nawalan ng malay ay nakita niya ang itay na nakahiga sa kalsada at duguan habang nagsisimula ng pumapatak ang ulan mula sa kalangitan.

------------------------------

"Baby, hey..." Habol ko ang hininga ko nang marinig ang boses Mr. She- ni Harold. Hindi ko na halos maintindihan ang sinasabi niya maliban doon. Naramdaman ko nalang na pinahiran niya ang luha sa mga mata ko.

"Breathe. I'm here, love."

Untin-unti kong kinontrol ang paghinga ko hanggang sa makuha ko ulit pabalik ang ritmo nito. Nang tuluyan na akong kumalma ay dinala ako ni Harold sa mga braso niya.

"Damn! You scared me," sabi ni Harold and this time, I am certain na si Mr. Shein ang naririnig ko sa kaniya.

Kinagabihan, ay nasa sala ako kasama ko si Harold. Nakatitig ako sa kaniya habang kumakain siya ng strawberries. Mukhang gusto niya ang strawberries. Hindi ako madalas nakakain ng strawberries but hindi ako ganiyan sa kaniya. I think, paborito niya ito.

Tumingin siya sa gawi ko. Ngumiti ako nang mapabaling siya sa akin. By any chance, possible ba kayang siya si Mr. Shein?

"Inaantok ka na?" tanong niya. Umiling ako.

"Gusto kong makita si Mr. Shein. Gusto ko siyang hintayin dito sa sala." Sabi ko sa kaniya. Nakita kong bahagya siyang nagulat. Possible ba kaya 'yon na siya ang asawa ko? Biglang bumalik sa akin ang lahat. Iyong pagkawala niya ay siya namang pagdating ni Mr. Shein.

Iyong boses niyang minsan ay nagtutunog Mr. Shein.

"Bakit mo naman naisipan 'yan?" natatawang tanong niya. Nagkibit balikat ako at humarap sa kaniya.

"Gusto ko lang siyang makita," sabi ko habang nakatitig sa kaniya.

"Magagalit siya," sagot nito. Kumunot ang noo ko.

"Bakit alam mo? Para sa isang bodyguard na gaya mo ay marami kang alam," sabi ko at pinagsingkitan siya ng mata. Nakita ko rin ang bahagyang pagngisi niya.

"Napabilib ba kita?" agad siyang lumapit sa 'kin dahilan kung bakit napalayo ang ulo ko at napasandal sa sandalan ng sofa na siyang kinauupuan ko ngayon.

"Anong ginagawa mo?"

"Nilalandi ka," nanlalaki ang mga mata ko sa sinabi ni Harold. Nababaliw na ba siya?

"Pwede ko namang ilihim ang mga mangyayari kay Mr. Shein e. Gusto kita!" Napakurap-kurap ako sa sinabi ni Harold habang ang mga mata nito ay malayang naglalakbay sa buong mukha ko.

Sa hindi ko malamang dahilan, biglang kumabog ang nasa dibdib ko. Bumaba ang paningin niya sa labi ko. Nakita ko ang pagkagat ng labi niya habang pakiramdan ko ay unti-unti ng namumuo sa noo ko ang pawis sa katawan ko dahil sa pinaggagawa niya.

Binili Ako ng CEO (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon