Chapter 18

114 3 0
                                    

10 years ago

The sky is mourning. You see nothing but a glimpse of light behind the thick dark of columbus clouds.

It's sparkling, causing sounds that brings fear and anxiety to everyone. The loud thunder that strikes in the sky gives scream to the hymn of a child from her deep slumber.

People are running, putting their things above their head, covering it from the droplets that slowly pouring in the surface.

She's sitting in the single seated chair outside the store. Holding the books tightly without minding the people surrounds her.

Sa lahat ng mga taong tumatakbo sa labas, tanging siya lang ang bukod tanging pinagmamasdan ni Harold Oliver Shein sa harapan.

Hindi niya magawang lapitan kahit gusto niyang payungan ito gamit ang payong na bitbit niya. Walang ulan ang pumatak sa kaniya, ngunit basa ang damit dahil sa pawis no'ng tinakbo niya ang bahay nila papunta sa pinapasukang paaralan ni Lorelay.

"Hindi ako nakaabot." Munting bulong ni Mr. Shein habang patuloy na pinagmamasdan ang dalaga na tahimik na hinihintay na tumila ang ulan.

Lumipas ang isang oras. Dumating si Sheila. Agad na kumalma si Mr. Shein nang makita na makakauwi na si Lorelay sa kanila.

Tumayo siya at lumabas ng store na inuupuan niya kanina. Pinagmasdan niya ang likuran ng babaeng binabantayan niya na papalayo sa kaniya.

Biglang lumingon si Shiela, ang natatangi at nag iisang kaibigan ni Lorelay. Agad siyang napayuko ngunit huli na dahil nakita ni Shiela ang mukha niya na pinagsawalang bahala lang ng dalaga.

Pauwi na si Mr. Shein sa kanila. Nadatnan niya si TG sa labas ng bahay niya. May dala itong groceries at nakasimangot.

"Why are you here?" kunot noong tanong ni Mr. Shein habang nakatingin sa kaibigan.

"Just say thank you, Shein. Huwag kang pa cool." Iningusan siya ng kaibigan at naunang pumasok sa kaniya sa loob ng bahay niya.

Nakapamulsa si Mr. Shein na sumunod sa kaniya sa loob.

"What's the problem? You did not came here just to annoy me right?"

Iningutan siya ng mata ni TG at agad na idiniposito ang sarili sa sofa. "I'm so tired, Shein. Ang daming pinagawa ni Dad." Reklamo ng kaibigan.

Napailing si Mr. Shein saka nagtungo sa ref para kumuha ng beer at agad na inihagis ang isa sa direksyon ni Tom Glenn.

"Dahil ba 'to sa fiesta kamakailan?"

Tumango ang kaibigan. Nginisihan niya lang ito saka umupo sa harapan niya.

"Wanna get laid tonight. Wanna come?"

Agad na umiling si Mr. Shein na iningusan ulit ni TG. "Man, get a life. You'll die virgin kung mananatili kang stalker ni Miss Sugala." Natatawang sabi ni TG kaya agad siyang sinamaan nang tingin ni Mr. Shein.

"Don't be nosy, TG."

"It's true, Shein. Hindi ka na sumasama sa gimik. Mas gusto mong nasa bahay ka lang o hindi kaya ay nakasunod sa kaniya. You obviously wasting your time for her."

Biglang sumama ang timpla sa mukha niya. Igting ang panga ngunit tahimik na inubos ang beer sa lata.

"It's not about guilt anymore, Shein. You're now very attached to her. I don't know if it's because of pity or it's more than else. Deep. Iyong tanging ikaw lang ang nakakaalam at ayaw mong malaman namin." Makahulugan ngunit may laman na sabi ni Tom Glenn na nagpatayo sa kaibigan.

"Shut up, Glenn. You don't know anything." Sabi nito at umalis. Nakatingin si Tom Glenn sa kaniya na paalis ng bahay niya habang umiiling.

"You cannot break the chain of your past, are you? It's too late, Shein. Way too late." Mga sinabi ni Tom Glenn na hindi na narinig ni Mr. Shein.


Walang lingon lingon, nakarating si Mr. Shein sa isang bahay kung saan ay makikita niya ang nag iisang tattoo artist sa maliit na bayan na tinitirhan nila.

Naisip niya ang nangyari sa perya. Kusang sumilay ang kakaibang ngiti sa labi ni Mr. Shein. It's been 2 days mula no'ng maengkwentro niya si Lorelay sa peryahan.


Hanggang ngayon ay hindi niya aakalain na titiklop siya sa babaeng kamakailan lang niya sinusundan.

Hindi niya aakalaing mapapasunod siya ng isang babae.

Hindi niya aakalaing nagpatalo siya sa isang usapan.

Hindi niya aakalaing, sa isang sulyap lang nito sa kaniya ay nanghina na siya. Pakiramdaman niya sa mga oras na 'yon, lahat ng sasabihin ni Lorelay ay tama.

Lahat ng sasabihin ni Lorelay ay susundin niya.

'I'm whipped? No. It's my way to pay my sin.'


'I'll waste my life? No. Protecting her is not a waste. It's a responsibility. My responsibility.'

'Get a life? I don't need that. I see no life after that night. I was chased by those nightmares. I can't close my eyes and sleep at night peacefully. I'm no longer the same person I used to be before. Yet, I chose to be blind. I chose to be quiet. I let the ghost of the past disturb me. But it changed. When I met her.'

Mga katagang naglalaro sa isipan niya habang umi-echo sa isip niya ang sinabi ng kaibigan.


'I see life in her eyes. I see life in her smiles. I see the future in her. She's a life. And I ought to live that life.'


"Anong atin?" nabalik sa wisyo si Mr. Shein nang may biglang magsalita sa harapan niya. Nakita niya sa harapan ang lalaking hinahanap niya.

"Magpapa tattoo ako," aniya.

"Pasok," sagot ng tattoo artist.

"Yin Yang. Can you do it?" walang emosyon na sabi ni Mr. Shein. Nginisihan lang siya ng tattoo artist. "Easy," puno ng pagmamayabang ngunit may kumpyansang sagot nito kay Mr. Shein. 

Binili Ako ng CEO (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon