Chapter 12

134 6 1
                                    

Pakiramdam ni Lorelay ay parang maiihi na si Harold sa kinauupuan niya. Nasa sala sila at nasa harapan ni Mr. Shein ang inay niya na tila ay ini-interrogate ito habang si Dave ay malapad ang ngiti habang naglalaro sa cellphone na bigay ni Mr. Shein.

"Kuya, ano nga ulit password nito?" tanong ng bunsong kapatid ni Lorelay. Kunot noong binalingan nang tingin ni Lorelay ang bunso nila. 'Kailan pa sila naging close?' ani nito sa sarili. Nang tumingin siya kay Harold ay nakita niya ang pilit at dahan-dahan nitong pagngiti sa kaniya na ikinataka niya.

'Love, your brother is such a bully.' Nakangusong sabi ni Mr. Shein habang sinusulyapan si Dave na nakahiga at nakatalikod sa kanila. Naalala pa niya ang nangyari kanina noong pumasok ang asawa niya sa kusina.

-------------

"Hindi niyo ako maloloko ni ate. May relasyon kayo, ano?" Pinagsingkitan niya ako ng mata. Tumingin ako sa kusina kung saan pumasok ang asawa ko.

"Magsalita ka kung hindi ay susuntukin kita." Napapikit ako sa sinabi niya. Kalma. He's your brother in law. Besides, ang bata pa niya.

"Bakit ayaw mong magsalita?" naghanap ako ng papel at ballpen sa bahay nila. I can't speak. Baka magsumbong siya sa ate niya. Nang makakita ako ng papel at ballpen sa gilid, lalapitan ko na sana ng bigla itong magsalita.

"Kung hindi ka nobyo ng ate ko edi ayos naman pala. Si kuya Jax kasi ay nagpapatulong kay ate." Napatigil ako sa paghakbang nang marinig ang sinabi ni Dave. Pakiramdam ko ay nandidilim ang paningin ko.

"What did you say?" may diin na tanong ko. Nang humarap ako sa kaniya ay nakita ko ang malapad na pagkakangiti nito.

"So hindi ka pipi?" napakurap-kurap ako ng ilang beses sa sinabi niya. Was that a trap?

"So bakit nagkukunwari kang pipi?" kunot noong tanong niya. Kinabahan ako bigla. This kid!! Kung hindi lang siya kapatid ng asawa ko kanina pa ako nagmura.

"Hindi ako nagkukunwari." Pagdi-deny ko.

"Sinungaling! Narinig ko kayo kanina sa labas habang kausap si ate Shiela. Sabi ni ate ay hindi ka nakakapagsalita." Napalunok ako ng wala sa oras. Biglang uminit ang kapaligiran. Naririnig ko na rin ang tibok ng puso ko. Mas malakas pa ito kumpara sa mga panahong nasa bingit ako ng kamatayan.

Oras na malaman ni Lorelay na nakakapagsalita ako, tiyak na magdududa siya. Baka matakot pa siya na manatili sa mansion kasama ko. I just have her, ayaw kong mawala siya. I've been-

"Isusumbong kita kay ate. Lagot ka!" Agad akong nataranta. Sh!t. Nag-uunahan na sa pagtulo ang pawis ko sa noo.

"Wait!" Nanginginig ang kamay kong kinuha ang cellphone na nasa bulsa ko. I just bought this phone last week before my wife came to our house. Mukhang iba na ang magmamay-ari nito.

"I'll give this phone to you." Since when na naisahan ako ng bata?

"Anong kapalit?" kunot noong tanong niya.

"Just don't tell your sister na nakakapagsalita ako." Sabi ko sa kaniya. Akala ko ay aayaw siya o pag-iisipan niya pa niya ngunit, "okay." Napakurap-kurap ako sa biglang pagsagot niya. That fast?

Kinuha niya ang cellphone niya sa kamay ko at bumalik sa paghiga sa upuan. "Anong password nito kuya?" napailing ako habang nakatingin sa kaniya. So kuya? Tinawag na niya akong kuya ngayon e kanina halos gusto niya akong isumpa.

"122512," ikling sabi ko. Nang mabuksan niya ang cellphone ay napatingin ako sa wallpaper. Oh tang.ina! Lahat ng pictures doon ay puro sa ate niya.

Binili Ako ng CEO (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon