"I'm leaving." Basa ko sa sulat ni Harold na kanina pa walang imik mula ng makabalik kami sa bahay. "Mr. Shein is upstairs." Sulat niya ulit kaya tumango ako. Bumalik ako sa ginagawa ko, iyon ay ang dalhan ng pagkain si Mr. Shein sa itaas at narinig ko na ang mga yabag ni Harold papalayo.
As long as alam kong may kasama ako ay napapanatag ang loob ko. Ayaw ko lang ng mag-isa. Pakiramdam ko ay hindi ako makahinga.
Inakyat ko na ang mga pagkain sa kwarto. Naabutan ko si Mr. Shein na nakahiga sa kama at tila ay malalim ang iniisip. Nagpakawala muna ako ng malalim na buntong hininga saka pumasok sa loob.
"Dinalhan kita ng pagkain." Sabi ko. Wala akong nakuhang response sa kaniya kaya lumapit ako sa kama at naupo.
"Ayos ka lang?" mahinahon na tanong ko sa kaniya. Hindi siya sumagot. Napayuko ako dahil sa tingin ko ay sinabi ni Harold sa kaniya ang nangyari sa bahay. Pakiramdam ko ay nagi-guilty ako.
"Pwede ba akong makahiram ng damit mo? Makikiligo sana ako." Hindi kumibo si Mr. Shein pero naramdaman kong agad siyang tumayo para kumuha ng damit. Nakaupo ako sa kama habang hinihintay na makabalik siya.
"Here," aniya.Nang tanggapin ko ang damit na bigay niya ay agad siyang humiga sa kama. Hindi agad ako nakakilos dahil sa ginawa niya.
"Mr. Shein, galit ka ba?" kinakabahan ako. Malaki ang utang na loob ko sa kaniya. Hindi naman niya ako inaalipusta dito. Baka bawiin niya ang perang binigay niyang pampa opera kay Dave.
Wala akong pera na ganoon kalaki ang halaga. Isa pa, hindi ako mapakali kapag may taong may tampo o galit sa 'kin. Pakiramdam ko ay hindi ako makatulog at binabagabag ako ng konsensya ko.
"May dapat ba akong ikagalit?" nakagat ko ang pang ibabang labi ko. Ayaw ko ng ganito. Mas gusto kong kinakausap niya 'ko na kahit na walang kwenta ang pinag-uusapan namin.
Parang kusa nalang tumulo ang luha sa mga mata ko. Pinunasan ko ito. Ayaw ko namang umiyak. Siguro nga ay nalaman niya ang nangyari sa bahay. Ayaw ko ng ganoon.
Tumahimik bigla ang pagitan namin. Tahimik lang din ako ng ilang minuto. Tila ay nakikiramdam sa isa't-isa.
"I-I'm sorry," halos nag crack ang boses ko. Ang insensitive ko. Laging emotion nauuna. Lahat nalang iniiyakan ko.
Napapikit ako nang marinig ang mura niya. Akala ko ay sasaktan niya 'ko ngunit nagkamali ako. Pinahiran niya ang luha sa mga mata ko."Baby, why are you crying?"
"Galit ka e."
Tumama sa 'kin ang hangin ng bumuntong hininga siya. "How? Paano ako magagalit sa'yo? Unang sulyap ko pa lang sa mga luha mo ay halos manghina ako?"
Mas lalo akong natigilan sa sinabi niya. Nawala ang bigat sa dibdib ko at tumingin sa mata niya.
"Pahiram ako mata mo Mr. Shein." Ani ko habang nakatingin sa kulay asul niyang mga mata. Narinig ko ang mahinang pagtawa niya at naramdaman ko ang paghalik niya sa noo ko.
Ganito lang sana kami. Napangiti ako ng mapagtanong ayos na kami.
"You're so innocent, baby." Rinig kong aniya at niyakap ako. Natawa nalang din ako at hinayaan siyang yakapin ako.
"Whenever I hold you like this, it feels like my dream come true. You are my dream. You know that?" umiling ako. Mas lalo ko lang sinobsob ang mukha ko sa dibdib niya.
Napaka bolero mo, Mr. Shein.
Nahihiya ako but somehow, gusto kong malapit siya sa 'kin. Ang rupok ko yata kasi feeling ko ay may crush na ako sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Binili Ako ng CEO (ON-GOING)
Romance'Once you sign the paper, you are already bound by him. There's no escape, only death. ' Online purchasing ay madali lang gawin. Add to cart and place the order. Lorelay Sugala ay isang anak na kailangang humanap ng kalahating milyon pampa-opera sa...