Chapter 2

203 8 0
                                    

Bumalik lahat ng kaba sa dibdib ko nang sabihin niya na hindi siya si Mr. Shein. Kung ganoon ay maari ngang isang matandang hukluban si Mr. Shein?

"Kumain ka muna. Mukhang na istorbo ko pa yata ang pagkain mo." Nanlulumo akong umupo sa mesa at pinagpatuloy ang pagkain.

Kinausap nong lalaki si manang habang ako naman ay sinusubukang pakalmahin ang sarili. Nananalangin na sana ay hindi isang mafia boss o drug lord o drug dealer ang totoong Mr. Shein.

Baka nga naman kasi isang madman 'yang si Mr. Shein kaya kailangan niya ng mag-aalaga sa kaniya. Bakit asawa ang kailangan niya? Bakit hindi nalang nurse o psychiatrist?

Umupo 'yong lalaki sa harapan. Nakatingin siya sa 'kin. Sobrang gwapo niya talaga. Ang swerte ko na siguro kung siya nga si Mr. Shein.

"By the way, ako si Richmoon. Nautusan ako ni Mr. Shein na paalalahanan ka sa mga dapat mong gawin sa bahay niya." Napalunok ako ng ilang beses at napa inom ng tubig sa sobrang kaba.

Paaanong nagagawa niyang makapag-utos sa iba? Hindi ba siya baliw?

"So ang dapat mong tatandaan ay dalawa lang, 'wag mo siyang paki-alaman lalo na ang mga personal niyang gamit at buhay. Separate kayo ng kwarto kaya walang dahilan para pumasok ka sa kwarto niya."

Jusko! Ipagpapasalamat ko pa 'yon. Wala naman akong plano na pumasok sa buhay o kwarto niya. Baka mamaya may mga drugs siyang nakatago doon.

"Ano iyong pangalawa?" tanong ko.

"Do your wife duties,"

Wife duties? Like cook for him? Ganoon? Or more than that? Napalunok ako ng may nakakatakot na eksenang pumasok sa isipan ko. I can't bring myself to sleep with an old man.

"Do you have any questions?"

Kinakabahan man ay nag lakas loob akong tanungin siya about sa isang bagay.

"When you say wife duties, are you referring also to... ano?"

"What?"

"The chukchakan,"

"Chukchakan? What's that?" hala! Hindi niya alam ang chukchakan? For real?

"You know, 'yong siya at ako, in the same room doing something wild."

Kumunot ang noo niya pero maya-maya pa ay bigla siyang humalakhak na mas lalong nagpakaba sa 'kin. May nakakatawa ba sa sinabi ko?

"You're funny," aniya and I frowned.

"It depends on you both. I don't think so ma a-attract mo si Shein," Wow ha? Parang insulto 'yong sinabi niya. Ganoon na ba ako ka panget para hindi siya ma attract? Or kahit tigasan man lang?

"Anyway, I have to go and mag-iingat ka sana," lumaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Bakit mag-iingat ako? Nananakit ba ng tao 'yong si Mr. Shein?

Kung madman siya, possible.

Kung drug lord o drug dealer, possible rin.

Kung mafia boss siya, may chance nga.

Hala! Hindi na ba talaga ako makaka uwi ng buhay sa 'min?

Nang maka-alis na si Richmoon at natapos ako sa pagkain ay dumating ang ilan sa mga katulong sa kinaroroonan ko at agad na inakay ako papunta sa taas ng hagdan.

Pumasok kami sa loob ng isang kwarto na parang bahay na namin sa laki. Malaki ang kama at malaki ang wardrobe.

Nagtangka nang hubarin ng mga katulong ang damit ko kaya pinigilan ko sila. Bakit huhubarin?

"Ma'am, pasensya na po kayo, utos po ni Mr. Shein na bihisan kayo ng damit bago kayo pumunta sa kaniya."

"Ako na po maghuhubad," nahihiyang sabi ko sa kanila. Para naman pala tayong royalty sa treatment nila. Is this a kind of joke?

Binili Ako ng CEO (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon