Chapter 39

81 2 0
                                    


Magkaiba ang tattoo nila ni Mr. Shein. Mali ba ako ng hinala? Hindi ba siya ang asawa ko? Tumila na ang ulan at nasa loob na kami ng bahay. Hindi na kami ang nagsabi kay inay na manatili kami sa bahay dahil siya na mismo ang nagkusa na doon kami matulog.

Pagkalito at pangamba ang nararamdaman ko ngayon. Konsensya ang kumakain sa buong sistema ko mula ng makita ko ang tattoo kanina.

Hindi ko aakalain na sa tanang buhay ko ay nagkamali ako ng akala sa isang bagay. Masayang nakipag-kwentuhan ang inay at Dave kay Harold. Hindi ko kayang makasabay sa kanila.

Tumayo ako kaya lahat sila ay napatingin sa 'kin. Ngumiti ako sa kanila, "a-ano.. Punta lang muna ako kay Shiela, nay."

"Ano? Gabi na ah!" Sabi ng nanay. Umiling ako at hilaw na ngumiti.

"Si inay naman. Parang hindi sanay. Kahit nga madaling araw na pumunta ako sa kanila ay ayos lang dahil kilala naman ako ng mga tao dito." Sabi ko sa kaniya.

"Kahit na,"

"Sige na 'nay." Pangungumbinsi ko sa kaniya. Bumuntong hininga siya at tumango.

"Samahan na kita," singit ni Harold na bahagya ko pang ikinagulat. "H-Huwag na," nauutal na sabi ko. Nawala ang ngiti sa labi niya at napalitan ng pagkaseryoso.

Nagmamadali akong humalik sa pisngi ng inay at nagmamadali ring lumabas ng bahay. Bago pa man ako makalampas ng gate ay bigla akong hinablot ng kung sino. Nang lingunin ko ito, nanlalaki ang mata ko nang makita si Harold na kunot noong nakatingin sa 'kin.

"Why are you avoiding me? We were okay awhile ago."

Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko at umatras papalayo sa kaniya. "Hindi kita iniiwasan," pagsisinungaling ko.

"Really?" tila ay nanunuyang tanong niya.

Hindi ako sumagot. Humakbang siya papalapit habang naroon ang ngisi sa mukha niya. Agad na nalukot ang mukha ko at sinamaan siya nang tingin.

"Your face tell me the different. What did I do, baby?" puno ng lambing ang boses nito. Hinawakan niya ako sa braso na para bang tinatahan ako.

Nagagalit na naiinis ako sa kaniya at sa katangahan ko. Sa sobrang sama ng pakiramdam ko, parang naiiyak ako.

"Are you my husband?" naroon na ang luha sa gilid ng mga mata ko. Nagbabanta ng lumabas. Nakagat ko na ang labi ko para lang hindi maiyak ng tuluyan. Nanlalaki ang mga mata niya. Halata ang gulat dito habang nakatingin sa 'kin.

Hindi ko na naririnig ang ingay sa paligid kasi sa pagkakataong ito, ang tibok lang ng puso ko ang tanging naririnig ko. I was hoping he would say, yes. Kasi kung nagkataon na siya nga si Mr. Shein, wala na akong pakialam sa rason kung bakit nagpapanggap siyang ibang tao sa umaga.

Sasabihin ko na kay inay na kasal na ako at siya ang asawa ko. Pero halos gumuho ang mundo ko ng sabihin niyang, "I wish ako. H-How I wish na a-ako nga ang asawa mo." Pakiramdam ko ay hihimatayin ako. Hihimatayin ako sa katotohanang nagtaksil ako sa asawa ko.

Napaatras ako palayo sa kaniya. Tumakbo ako, palayo sa kaniya, palayo kay Harold. Pumapatak na ang luha ko sa mga mata dahil sa konsensyang nagawa ko. Nagkasala ako sa asawa ko. Anong klaseng babae ako?

Tumakbo ako hanggang sa nakarating ako sa malaking bahay ng kaibigan ko. Si Shiela ay galing sa isang prominenteng pamilya. Hindi sila salat sa pera. Iyong kalahating milyon na kailangan ng kapatid ko ay nag offer sila sa amin ng tulong ngunit hindi ko tinanggap.

Marami na silang naitulong sa amin ni inay kaya nahihiya akong tanggapin pa ang tulong nila. Pagdating ko sa bahay nila ay napahinto ako nang makita ang taong hindi ko inaasahan makita.

"Edmund?"

Nang humarap siya sa 'kin ay nagulat siya nang makita ako. "Anong ginagawa mo dito?" tanong ko. Hindi makapaniwalang nagkita kami dito sa harapan ng bahay ng kaibigan ko.

"D-Dito ako tumutuloy," aniya. "Actually kakalabas ko lang. Nagulat ako na nandito ka." Dagdag pa niya at ngumiti.

Dito siya nakatira? Kakalabas lang niya ngunit namumuo ang pawis sa noo niya. Nang bumaba ang paningin ko ay nakita kong puno sa putik ang sapatos niya.

Tatanungin ko na sana siya kung bakit puno sa putik ang sapatos niya ng lumabas si Shiela. "Bes!!" Sigaw nito at excited na tumakbo palapit sa 'kin.

"Bes!!" Agad ko siyang sinalubong at niyakap.

"Na-miss kitaaa...."

"Ako rin," natatawang sabi ko.

"Ah wait- bes, ipakilala ko nga pala sa 'yo ang gwapo kong kuya. Si kuya Edmund," nakangiting pagpakilala niya kay Edmund.

"Kuya?" kunot noong tanong ko. Wala naman siyang sinasabi na may kuya siya ah.

"Pinsan ko siya sa ina. Dito siya sa amin nanunuluyan kina lola," sabi nito.

"Actually Shishi, magkakilala na kami ni Lor. Ka-klase ko siya sa ilang subjects ko." Sabi ni Edmund. Nagulat naman si Shiela at tumingin sa akin.

"Hala! Magka-klase pala kayo," hindi makapaniwalang tanong niya. Tumango ako at mahinang natawa.

"Naku bes! Bibilib ka kay kuya. Graduate na 'yan e pero gusto niya ulit mag-aral!" Agad na umangal si Ed ngunit natatawa na rin sa kakulitan ni Shiela.

Pumasok kami sa loob. "Wala si lolo at lola ngayon bes. Umuwi ng probinsya dahil malapit na ang harvest time ng Cacao." Tumango ako. Agad kaming inasikaso ng mga katulong nila.

Nagpaalam si Edmund sa amin para magkaroon kami ni Shiela ng alone time. Agad na binuksan ni Shiela ang TV nila dahil manood daw kami no'ng sikat na kdrama na Extraordinary Atty. Woo ngayon.

Habang nakaupo ako sa bahay ng iba, naglalakbay naman ang isipan ko sa bahay. Ang taong iniwan ko sa bahay.

"Bes, may aaminin ako sa 'yo," napatingin ako kay Shiela. Nakita ko ang paningin niya na nasa screen. Malalim ang iniisip nito at naroon ang kunot sa noo niya.

"About Harold," biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng banggitin niya ang pangalan ni Harold.

"I think I saw him years ago." Aniya na ikinalaki ng mata ko.

"Saan? Kailan?" naroon ang kaba sa puso ko.

"I'm not sure but siya iyong lalaking sinasabi ko sa 'yo na nakikita ko kapag magkasama tayo. 'Di ba sabi ko na may crush akong parang multo na minsan-minsan lang sumusulpot? I think it's him. Noong high school pa tayo, iyong na stuck ka dahil sa malakas na ulan. Noong sinundo kita, nakita ko siya no'n. Nakatingin sa atin, may dalang payong. Doon sa perya, iyong lalaking nakasagutan mo. Iyong nagtatalo kayo sa pagitan ng tattoo design. Sabi mo yin yang iyon kahit 2 crescent moons iyon. Kung hindi mo tanda, si Harold iyon e."

Hindi ko alam ang sasabihin. Nagulat ako sa sinabi ni Shiela. Humarap ang kaibigan ko sa 'kin at hinawakana ko sa kamay.

"Bes, hindi lang 'yon. Dahil marami pang beses ko siyang nakita kung saan ay naroon ka. Noong una ko siyang nakita sa bahay niyo, namumukhaan ko siya pero hindi ako siguro, but now, I am certain na siya iyong lalaki na nakakasalamuha mo dati."

Mapakla akong natawa at binawi ang kamay ko. "H-Hindi nakakatawang biro 'yan, bes."

"Lorelay!" Tawag niya sa pangalan ko. "Wake up! Alam mo na ang tinutukoy ko. He's been following you, noon pa man."

Binili Ako ng CEO (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon