Chapter 28

97 3 0
                                    


"Gabi na, uuwi na kayo?" tahimik lang ako sa gilid ni Shiela at nakatingin kay inay.

"Opo, tita. Kailangan na namin bumalik sa tinutuluyan namin ni Lorelay. Hinahanap na rin kami ng boss namin e. May ipapa-encode sa amin." Ang galing niya mag sinungaling in fairness.

"Kuya, iyong pangako mo sa akin ah." Kumunot ang noo ko sa dalawa. Anong pangako ang tinutukoy ni Dave?

"Ano 'yan?" singit ko sa dalawa.

"Wala 'yan ate. Usapang lalaki ito," aniya at binalik ang attention sa cellphone niya. Aba!

Lumapit ang inay kay Harold at nauna silang lumabas habang parang binalewala niya ako dito sa sala na siyang anak niya. "Mukhang may new favorite si tita ah," nakangiting sabi ni Shiela.

Napailing nalang ako at sinundan ang dalawa sa labas ng bahay. Katabi ko si Shiela na nakatingin kay Harold. "Bes," napahinto ako ng tawagin ako ng kaibigan ko.

"Bakit bes?" tumingin ako sa kaniya. Hinihintay ko ang susunod niyang sasabihin sa 'kin habang siya ay nasa harapan ang paningin. Kung saan nag-uusap si inay at Harold.

"Wala ba kayong relasyon ni Harold?" sumulyap ulit ako sa kinaroonan ni inay at Harold bago ngumiti at umiling kay Shiela.

"Mabait ang asawa ko. Hindi ko siya kayang pagtaksilan, bes."

"Talaga? Tinatrato ka niya ng tama?" mahina akong natawa. Hindi ko pa pala naiki-kwento sa kaniya ang tungkol sa amin ni Mr. Shein.

"Oo naman. Sobrang bait niya, Bes. Inaalagaan niya ako lagi kahit medyo kakaiba ang set-up namin." Naisip ko na naman iyong tuwing sa gabi lang kami nagkakasama. Kamakailan, nai-entertain ko pa ang idea na maaaring siya si Harold, pero pagkatapos kong malaman na nobya ni Harold si Veronica, malayong siya nga ang asawa ko.

Ramdam ng puso ko na hindi ganoon si Mr. Shein.

"Mabuti naman kung ganoon bes," nawala ang ngiti sa labi niya. "Gusto ko si Harold. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. Pakiramdam ko ay siya iyong lalaking hinihintay ko bes," unti-unting nawala ang ngiti na nakaplaster sa labi ko dahil sa sinabi niya.

G-Gusto niya si Harold?

"Tulungan mo 'ko sa kaniya, bes. Hindi mo naman siya gusto 'di ba?"

Natigilan ako at natutula habang nakatingin sa mga mata niyang nakiki-usap sa 'kin. Kilala ko si Shiela, ganitong-ganito siya kapag may gusto siyang gusto niyang makuha.

Mahal ko siya dahil kaibigan ko siya ngunit,

"Pasensya ka na bes. Hindi mo siya puwedeng magustuhan," nawala ang ngiti sa labi niya. Ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko kanina ay unti-unti niyang binitawan.

"Bakit hindi?" naroon ang dismaya sa boses niya.

"Anak, hinihintay ka na ni Harold." Napatingin kami kay inay. Nakasalubong ko ang mabibigat na tingin ni Harold sa akin. Agad akong nag-iwas nang tingin nang makaramdam ng ilang dito.

"Mauna na 'ko bes," aalis na sana ako ng hawakan niya ako ulit.

"No. Sabihin mo muna sa 'kin kung bakit hindi puwede?"

Napabuntong hininga ako,

"Kasi may girlfriend ang tao. May nobya na siya at ayaw kong maging kabit ka niya. Nakilala ko kahapon ang nobya niya. Maganda, mayaman at mukhang matagal na silang magkakilala. Hindi kita minamaliit, pero huwag si Harold, bes. Hindi siya deserving para sa pagmamahal at attention mo." Prangkang sabi ko sa kaniya. Alam kong sasama ang kalooban niya sa 'kin ngunit ito ang tama.

"Mauna na 'ko," saad ko at pumunta kina inay. Agad akong nagpaalam kay inay at sumakay sa sasakyan. Isinandal ko ang ulo ko sa bintana. Papaalis na kami sa kanto ng bahay namin nang biglang itinigil ni Harold ang sasakyan kaya napatingin ako sa kaniya.

"Bakit mo itinigil?" nataranta kong tanong lalo na't dito pa niya itinigil sa madilim na parte ng kalsada na ito.

"Chill babe. Hindi naman kita ipapahamak e," sinamaan ko siya nang tingin dahil tinawag na naman niya akong babe.

"Umayos ka nga diyan Harold. Sinong babe?"

"Obviously, ikaw. Anyway, bumaba ka muna. May titignan tayo," wala na akong nagawa nang makitang nauna na siyang bumaba sa 'kin. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin. Dahil nasa parang mountainous area na kami, so kapansin-pansin ang mga ilaw sa mga bahay at poste na nagmimistulang bituin sa lupa.

Walang mga bahay dito banda. Gaya nga ng sabi ko, kaya natatawag na madman si Mr. Shein dahil na rin sa tinitirhan niya sa ibabaw ng bayan. Walang kapitbahay at tanging puro puno ang makikita sa paligid.

"Anong ginagawa natin dito?"

"I wanna show you those," aniya at may itinuro. Sinundan ko ang itinuro niya at bahagyang namangha nang makita ang mga alitaptap- no. Hindi iyan alitaptap.

"That's my surprise to you. My Manlandi Operation 1.1 had started." Gusto kong matawa sa sinabi niya sa 'kin. Paano niya nagawa ito? E kasama ko siya buong araw sa bahay. Pakiramdam ko ay hiyang-hiya siya ngayon sa sinabi niya.

Narinig ko pang bumubulong-bulong siya.

"Anong binubulong-bulong mo diyan?" pinipigilan kong matawa sa itsura niya.

"Can you shut your pretty mouth babe? Stop teasing me."

Humalakhak ako nang makita ang simangot sa mukha niya.

"So paano mo naikabit ang mga Christmas lights diyan? Malayo pa naman ang pasko ah?"

Napakamot siya sa batok niya at nag-iwas nang tingin. "My friends help me here. Nag text ako sa kanila kanina. They used that one 'cause they don't know how to catch fireflies."

Ano? Hindi ko napigilang humalakhak sa sinabi niya.

Tumalikod siya sa 'kin habang ako naman ay sinubukang pakalmahin ang sarili ko.

" So bakit nahihiya ka?" pinipigilan ko ng matawa ulit habang pilit hinuhuli ang paningin niya.

"Cause you're teasing me,"

"Ano? Hindi ah! Wala naman akong sinasabi e," pfft.

Tumigil siya at humarap sa 'kin pabalik. I don't know but I assume na kinakagat na niya ang pang-ibabang labi niya ngayon. "Your eyes does," mahinang bulong niya sapat na para marinig ko.

Bigla akong natigilan at ako naman ang nag-iwas nang tingin. Bumilis na naman ang tibok ng puso ko. Nang tignan ko ulit ang isang malaking bush na nilagyan nila ng christmas light, napangiti nalang ako bigla.

"Ang ganda. Thank you, Harold. But still, hindi mo 'ko malalandi. Kasi, pagmamay-ari na ako ni Mr. Shein." Seryosong sabi ko. Tumaas ang dalawang kilay niya.

"Well, mahaba pa naman ang oras ko." Aniya at hinila na ako papaalis sa lugar na iyon.

Pagdating namin sa bahay ni Mr. Shein, alam ko na agad na may tao. Nagulat ako nang makita sa sala si Richmoon, Lee at mayor Gacus. Natatabunan ako ni Harold kaya hindi nila ako makita dahil maliit akong tao kumpara sa kaniya.

"Tang.ina Ho! Sobrang legit mong mang-gag0 no?!" Umalingawngaw ang boses ni Richmoon. Agad kong inunahan si Harold at nang makita ako ng tatlo ay bigla silang natigilan. Nakita ko pang agad nagtakip ng bibig si Richmoon.

Kumunot ang noo ko nang makita sila. "Bakit pawisan kayo? At sobrang dungis niyo pa."

Binili Ako ng CEO (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon