Chapter 30

101 2 0
                                    


Kinaumagahan, wala na naman si Mr. Shein sa tabi ko ngunit ramdam ko ang pag-alis niya kanina. Hindi ko nalang siya inintindi at natulog ulit. Hindi ko na ipipilit na makita siya dahil ayos naman ang ganitong set up namin. Kesa umalis siya at hindi na magpakita pa.

Agad akong naligo saka bumaba. Pagbaba ko ay hindi na rin ako nagulat nang makita si Harold na naghihintay sa akin sa ibaba. Agad niya 'kong sinalubong at ngumiti ng pagkalaki-laki na animo'y nanalo sa lotto.

"Ngiti-ngiti mo diyan?"

"May ibibigay ako sa 'yo," nagtaka ako at hinintay ang ibibigay niya. May kung anong kinuha siya sa likuran at bahagya pa akong nagulat nang makita isang tangkay ng rosas sa kaniya.

"For you, babe." Kinuha niya ang kamay ko ay binigay sa akin ang bulaklak. Wala na ang tinik tinik nito. Kinuha niya yata.

Ang ganda ngunit....

Napabuntong hininga ako at ibinalik sa kaniya ang bulaklak.

"Huwag mo na akong bigyan ng mga ganito, Harold. Hindi kita pinapayagang ligawan ako o bigyan ng kung anu-ano." Seryosong sabi ko sa kaniya. "May girlfriend ka, may asawa ako. Sobrang immoral kung lolokohin natin silang dalawa and besides, wala naman akong plano na iwan ang asawa ko para sa 'yo."

Nakita ko ang gulat sa mga mata niya. Ako na ang umiwas nang tingin. Hindi ko alam why I feel bad nang sabihin ko iyon. But kung ano man ang nararamdaman niya, dapat nang matigil iyon.

Wala akong narinig mula sa kaniya kaya umalis ako at iniwan siya. Dumiretso ako ng kusina para magluto.

Tahimik akong nagluluto. Hindi na rin niya ako kinakausap which is nakakapanibago. Aamin kong hindi ako sanay. Mas gusto ko iyong kinukulit niya ako ngunit ito ang tama hindi ba?

Na tumigil na siya.

Kaya dapat ay hindi ako malungkot o makonsensya sa sinabi ko kanina. Para rin naman sa ikabubuti namin ito.

Nang matapos kaming kumain ay hinatid niya 'ko sa school na tahimik pa rin. Pinagbuksan niya ako ng pintuan, magsasalita na sana ako nang agad niya akong tinalikuran.

Sumakay siya sa kotse at umalis na walang paalam. Nabigla ako sa ginawa niya. Pero hinayaan ko nalang. Pumasok ako sa school at itunuon ko nalang ang attention ko sa inaaral namin ngayong araw.

Paglabas ko ng room ay naroon na si Edmund, naghihintay sa akin. Ngumiti ako nang makita siya. Agad naman siyang ngumuso.

"Are you not comfortable with me?" aniya.

"Bakit mo naman naitanong?"

"It's obvious. Nakangiti ang labi mo ngunit hindi naman ang mga mata mo." Hindi ako agad nakasagot. Nahihiya akong tumingin sa kaniya. Kahit itong pagngiti ko ay napapansin niya.

"Kumain na nga lang tayo," aniya kaya tumango ako. Doon ulit kami sa food court na nasa harapan lang ng school namin. May last subject pa 'ko today kaya babalik ulit ako pagkatapos ng isa't kalahating oras na break.

Papapalapit na kami sa food court nang makita ko si Harold kasama nong Veronica. Puno nang katanungan ang isipan ko habang nakatingin sa kanila. Anong ginagawa nila dito? At bakit magkasama sila?

Nakatagilid sila sa 'kin. Bumaba ang paningin ko sa bewang Veronica at nakita ang kamay ni Harold na nakapirmi doon. Agad akong nag-iwas nang tingin.

"Hey, ayos ka lang?" tumingin ako kay Edmund at tumango. "Tayo na," aya ko sa kaniya. Mabuti naman at nakinig siya sa 'kin. Mabuti na rin 'yong sa nobya siya sumama lagi at hindi ako ang kinukulit niya.

Kumain at nagkwentuhan lang kami ni Ed. Nilibre niya ulit ako sa kwek kwek at fishball kaya ako na ang bumili ng drinks namin.

"So, Lor. Tell me more about your husband. What is he? Is he kind?"

Sandali akong natigil sa pagkain. Inosente siyang nagtatanong sa 'kin. Tumango ako sa sinabi niya. Mukhang natanong niya sa 'kin ito noong una. Curious ba siya o nakalimutan lang niya?

"Oo naman. Mabait ang asawa ko,"

Tumango siya at kumain ng kwek-kwek. "Hindi ka ba niya sinusundo o hinahatid dito?"

"Hindi. Busy siya sa work at isa pa, may bodyguard ako na siyang sumusundo sa 'kin." Tumango lang siya sa sagot ko at hindi na nagtanong pa. Inubos namin ang kwek-kwek at fishball saka napag desisyunan na bumalik ng school.

Tumingin ako sa kinatatayuan kanina ni Harold at Veronica ngunit hindi ko na sila nakita pa. Bumuntong hininga nalang ako at pumasok sa last subject ko.

Nong uwian na ay hinahanap ng mga mata ko ang pigura ni Harold. Hindi ko alam kung susunduin niya ba ako o hindi. Mukhang ayaw niya na kasi akong makita sa itsura niya kanina e.

Umupo nalang ako sa semento na nasa gilid ng gate.

"Lor!!" Napatayo ako agad nang makita si Edmund. Para siyang kabute kung minsan.

"Wala pa sundo mo?" umiling ako. Dala niya ang sasakyan niya at pauwi na rin yata siya.

"Hatid na lang kita!"

"Ano.. Huwag na! Darating na rin 'yong sundo ko maya-maya." Nakangiting sigaw ko. Nakakahiya naman kung ihahatid niya 'ko. Tiyak na maabala ko siya kung ihahatid pa niya 'ko. Isa pa, nag ca-cause na siya ng traffic.

Pinagtitinginan tuloy ako ng mga tao na nasa sasakyan na nakasunod sa kaniya.

"Sure ka?" tumango ako at kumaway sa kaniya.

Umupo ulit ako sa semento nang umalis na si Edmund. Hindi ko alam kung bakit wala pa si Harold. Umaambon na rin kaya maya-maya ay uulan na.

Kung tutuusin, puwede naman akong mag taxi nalang ngunit hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit tila ay na glue na itong pwet ko sa semento at ayaw ng humiwalay.

Nakaupo lang ako doon. Halos mag-iisang oras na saka ko natanaw ang sasakyan ni Harold. Naramdaman ko na rin sa balat ko ang patak ng ulan.

Nakatingin lang ako sa kaniya na palabas ng sasakyan. May dala siyang payong at tumatakbong papalapit sa 'kin.

Agad niyang binuksan ang payong kasabay nang pagbuhos ng malakas na ulan. Nabasa na ang ibabang parte ng pantalon ko at damit sa likuran ko. Hindi ko rin alam kung bakit wala akong makapang pangamba na mabasa ako ng ulan.

Ang tanging ginawa ko lang ay ang panoorin siyang tumatakbo papalapit sa 'kin. Tumingala ako no'ng huminto siya sa harapan ko at nasalubong ang mukha niyang galit.

"What...are you.. doing?" galit na tanong niya sa 'kin.

Hindi ko alam kung bakit siya pa ang may ganang magalit.

"Bakit ang tagal mo?" napaawang ang labi niya nang marinig ang boses ko. Hindi ko na rin alam kung bakit puno iyon ng tabang nang tanungin ko siya.

"Hinatid ko pa si Veronica," aniya at nag-iwas nang tingin.

Napabaling ang paningin ko sa sapatos kong nagmistula ng itim dahil sa mga putik buhat ng ulan na tumatama sa lupa. Mapait akong ngumiti. So kaya hindi niya 'ko nasundo dahil nakipaglandian siya kay Veronica?

Tumayo ako at nilagpasan siya. Narinig ko pa ang pagtawag niya sa 'kin pero hindi ko na pinakinggan at pumasok sa sasakyan na dala niya.

"Seriously?" rinig kong sabi niya pagkapasok niya sa kabila ngunit hindi ko siya tinapunan nang tingin.

"Can you... can you please look at me?" tila ay nauubusan ng pasensya na aniya na hindi ko pa rin pinansin. Nakasandal lang ang ulo ko sa bintana at pumikit. Pagod ako, gusto kong matulog.

Narinig ko ang matunog na pagbuntong hininga niya. "Fine. If that's what you want," aniya bago paandarin ang sasakyan paalis.

Binili Ako ng CEO (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon