Chapter 15

129 6 0
                                    

Sinamahan nga ako ni Harold sa school. Gaya ng sabi ni Mr. Shein ay nag enrol ako sa isang university dito sa bayan. Sabi ko kay Harold na ayos lang ako kahit doon sa community college dahil libre lang ang tuition para projects nalang at pamasahe ang gagastusan pero ang sabi niya ay utos daw ni Mr. Shein na dito ako e enrol kaya wala akong nagawa.

Papauwi na kami, kakatapos lang namin kumain sa karenderya kanina. Hindi ko nga alam kung ayos lang ba kay Harold kasi kanina nang dalhin ko siya doon sa karenderya, nakita ko ang bahagyang pagngiwi niya. Napaisip tuloy ako kung sanay ba siya sa mga ganoon o hindi.

Sa labas lang ako nakatingin. Doon ko nalang itinuon ang buong attention ko habang binabaybay namin ang daan pauwi sa bahay ni Mr. Shein. Nakita ko sa daan ang isang kuting.

"Hala! Itigil mo muna Harold." Sabi ko at pinatigil siya. Agad akong bumaba ng kotse at pinuntahan ang kuting na kulay itim.

"Kawawa ka naman. Asan ang nanay mo?" nag-ingay lang siya ng "meow" at dinidilaan ang kamay ko. Awwee. Ang cute naman.

Humarap ako kay Harold. "Pwede ko ba siyang dalhin sa bahay? Aalagaan ko siya." Sabi ko sa kaniya. Nakita ko sa mukha ni Harold na nagdadalawang isip siya. Dahil ba sa kulay itim ito? Ang judgemental naman niya.

"Hindi naman ibig sabihin itim ang kulay niya ay malas na." Sinamaan ko siya nang tingin at nakita ko ang pag-awang ng labi niya na tila ba ay nagulat din sa sinabi ko.

Nilagpasan ko siya. Hawak ko ang kuting papasok sa kotse. Kay Mr. Shein ako magsasabi. Papayag 'yon dahil asawa niya ako.

Hindi ako umimik kay Harold buong araw. Kung sabagay ay hindi rin naman siya umiimik dahil hindi siya nakakapagsalita. Ang tanging pinapansin ko lang ay si Oprah, ang pangalan ng kuting ko.

Naghintay lang ako ng ilang minuto dahil mamayang 8, darating na si Mr. Shein. Pumunta ako ng kusina para kumuha ng basket at gamit ang damit na pinakuha ko kay Harold sa kwarto ko ay ginawan ko si Oprah ng temporary na higaan niya.

Pagbalik ko ay wala na si Harold sa sala. Marahil ay umalis na ito. Napakabastos niya naman. Hindi marunong magsabi kung aalis na ba siya. Dapat ay nagpasabi man lang sa 'kin. Hindi iyong basta nalang siya mawawala.

Umakyat ako sa itaas dala ang kuting na nakita ko kanina. Nakita ko si Mr. Shein sa kama. Nakaupo yata siya at nakasandal sa headboard. Lumapit ako sa kaniya dala si Oprah.

"Mr. Shein, look." Agad kong hinarap sa kaniya si Oprah. Hinihintay kong may sasabihin siya ngunit dumaan na ang ilang minuto, tahimik pa rin siya. Sabi niya ay nakakakita siya kahit sa dilim so I'm sure nakikita niya kami ni Oprah.

"Galit ka ba?" nagtatakang tanong ko.

"Hindi mo 'ko pinansin." Aniya. Anong hindi? E pagdating ko nga sa loob ng kwarto ay kinausap ko siya agad.

"Anong ibig mong sabihin?" nagtatakang tanong ko.

"Wala!" Pagsusungit niya.

Pinagsawalang bahala ko nalang. Agad akong lumapit sa kaniya at hinarap si Oprah. "Look oh. Isn't she cute?" nakangiting sabi ko.

"Yeah. She's a Persian cat." Sabi niya na ikinalaki ng mata ko. Wow. May breed pala 'to? Ang galing naman.

"Pwede ba siyang manatili sa 'tin?" nakatinging tanong ko kay Mr. Shein. Natagalan bago siya nakasagot ng "oo."

"Yey! Ang galing. Thank you." Hinarap ko si Oprah sa 'kin. "Rinig ba 'yon ng baby ko?" tanong ko. Nag meow lang siya kaya natawa ako.

"Baby natin," sabat ni Mr. Shein kaya napatingin ako sa kaniya. Ngumiti ako nang makita ang diritsang pagtitig nito sa mga mata ko.

"Gusto mong hawakan?" tanong ko at kinuha si Oprah sa basket.

"Ang ano?"

"Si Oprah," sagot ko.

"Oh, the pussycat. Yeah. She's hairy," komento ni Mr. Shein. Tumingin ako kay Oprah at ngumiti. Makapal nga ang balahibo niya. But it's okay. Mabango naman na siya dahil napaliguan ko na kanina.

"Mabango naman na siya,"

"Mabango ang?"

"Si Oprah,"

"Oh, the pussycat," kumunot ang noo ko at binalingan siya nang tingin. What's with the pussycat? Bakit niya inuulit 'yon?

Agad na umalis si Oprah sa pagkakahawak ko. Dahil madilim ang kwarto ay hindi ko makita kung saan siya nagtungo.

"She's with me, love." Ani ni Mr. Shein kaya kumalma ako.

"Anong ginagawa niya?" tanong ko.

"She's licking my hand. Oh-" nataranta ako nang tumaas bigla ang boses ni Mr. Shein. Anong nagyayari?

"Anong nangyayari?"

"She's biting my hand." Bulong nito sa 'kin. Natawa ako sa sinabi niya. Hindi naman nilalakasan ni Oprah. Laro lang sa kaniya 'yan. Ang arte nito.

"Get her love. She's really biting me."

Natatawa kong kinapa si Oprah sa kaniya. "Opps. Careful baby. Baka may mabuhay." Aniya na ikinakunot ng noo ko.

"Upwards, love. Huwag diyan. Ibang Oprah ang nandiyan." Bulong ni Mr. Shein na ikinasimangot ko. Wala siyang damit?

"Nakah*bad ka ba?" tanong ko.

"Yeah. Si Oprah 2.0 lang ang tinakpan ko." Agad ko siyang sinapak nang mapagtanto ang tinutukoy niya.

"Ang bastos ng bunganga mo, Mr. Shein." Nakasimangot na sabi ko sa kaniya. Narinig ko ang mahinang pagtawa niya.

Mabuti at nakuha ko na si Oprah na nasa kabilang side niya. Agad ko siyang nilagay sa basket at nilagay sa ibabang kama.

Hindi naman makulit si Oprah kaya sigurado akong matutulog na siya doon sa basket. Nang maayos ko ay agad akong humiga sa tabi ni Mr. Shein.

"Your pussycat is such a bully." Rinig kong sabi ni Mr. Shein. Natawa ako sa turan niya. Naglalambing lang naman iyon e.

"Gugupitan ko ang buhok no'n bukas."

"Kakalbuhin mo?" tanong niya kaya tumango ako.

"Oo tapos papabanguhin ko pa para mas lalong bumango." Gusto kong bumili ng shampoo para kay Oprah bukas. Magpapasama nalang ako kay Harold.

"Ah love,"

"Bakit?"

"We're talking about Oprah the pussycat right?"

"Oo. Bakit?"

Agad niya 'kong niyakap at sinobsob ang mukha sa leeg ko. "Sorry love. I'm actually thinking the.... different pussy."

Agad ko siyang napalo sa balikat at narinig ang mahinang halakhak niya. Pakiramdam ko ay pinamulahan ako sa sinabi niya. Bakit ang bastos ng bunganga mo Mr. Shein?

Binili Ako ng CEO (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon