Naging awkward ang pagitan sa amin dalawa. Pagkatapos ng nangyari kanina ay nanood lang ako ng palabas sa TV.
Nasa katabi siyang upuan. Tila ay pinapakiramdaman namin ang isa't-isa.
Gusto ko ng mag gabi. Gusto ko nang pumasok sa kwarto ni Mr. Shein at siya lang ang dadaldalin ko buong magdamag.
Hindi ko alam kung bakit humantong kami sa point na niyayakap niya 'ko. Wala rin akong ka ideya ideya kanina. Nadala ako sa emosyon ko.
Ito kasing luha ko. Oras na napuno ako sa kaloob-looban ay basta nalang ako naiiyak kahit sobrang babaw naman ng dahilan. Nakakinis talaga.
Nakita kong tumayo siya. Sinundan ko siya nang tingin. Mukhang palabas siya ng bahay. Iiwan ba niya ako? Huwag naman sana.
Takot talaga akong maiwan mag-isa.
Tatayo na sana ako para sundan siya nang bigla siyang bumalik na may dalang Pizza. Naamoy ko ang bango ng dala niya.
Tumalon si Oprah sa sahig at tumakbo palapit kay Harold. Makikihingi siguro ng pagkain.
Napalunok ako nang mas lalong nanunuot sa ilong ko ang bango no'ng buksan niya ito. Grabe! Nakakatakam.
"Pizza," rinig kong sabi niya. Gusto kong huwag siyang pansinin pero kasi favorite ko ang pizza lalo na't madalang lang kami makakain ng masasarap na pizza. Iyong mahal. Iyong pizza na maraming toppings at puno ng cheese.
Kaya isinawalang bahala ko na ang pride ko. Tumayo ako at kumuha ng pizza pero hindi ko tinapunan nang tingin si Harold.
Unang tikim palang, napapikit na 'ko sa sarap. Grabe naman. Ang sarap. Saan niya ito binili?
Agad kong naubos ang isa. Kumuha ulit ako ng dalawa hanggang sa tatlo hanggang sa kunin ko na ang box.
Nang sulyapan ko si Harold ay manghang mangha siyang nakatingin sa akin. Sumimangot ako. Baka isipin na naman niya na patay gutom ako.
Bakit niya ba kasi ako tinitignan?
"You like pizza?" tanong niya. Tumango ako at kumagat sa isang slice na hawak ko.
Ngumiti siya at inabutan ako ng isang cola. Tinaggap ko naman, "salamat."
Nang maubos ko lahat ng pizza ay si Harold na ang kumuha ng cartoon para magtapon. Napasandal ako sa sofa. Grabe ang sarap.
Nang bumalik siya ay maaliwalas na ang mukha niya.
"This Monday, papasok ka na."
Napaisip ako. Enrolled na nga pala ako. Hindi ko pa nasasabi kay inay.
"Sasamahan kita bumili ng gamit mo." Tumango ako. Siguro right hand siya ni Mr. Shein. Alam niya kasi ang gagawin kahit walang utos mula sa boss niya. Ang galing.
Bumalik si Oprah sa lap ko at natulog. Nakalimutan kong bumili ng shampoo niya. Bukas nalang.
Pagsapit ng alas singko ng hapon ay agad na akong kumilos para magluto sa kusina. Dahil marami kaming biniling karne kanina, plano kong gumawa ng sinigang para makatikim si Mr. Shein at Harold sa luto kong sinigang na baboy.
Nasa kusina rin si Harold at inaalalayan ako magluto. Gusto ko sanang itanong ang tungkol sa mata niya pero nahihiya ako.
Alam ko kasing brown ang unang kita ko sa mata niya kaya nakakagulat na biglang naging gray ito.
Nang maluto na ay kumain na kami ng sabay ni Harold. Inaabangan ko ang pagkuha niya ng pagkain.
"Ang konti naman niyan. Damihan mo pa." Sabi ko sa kaniya.
Heto napapansin ko sa kaniya. Kada gabi, tuwing kumakain kami ay konti lang ang kinakain niya. Sa umaga at tanghali naman ay magana siyang kumain.
Masarap naman ang pagkakaluto ko.
"Ano, ayos na 'to." Nahihiyang aniya.
Bumuntong hininga ako at inagaw ang pang sahog sa kamay niya. Hindi pwede sa 'kin ang konti. Marami ang niluto ko dahil tatlo kami kakain. Ako, siya at si Mr. Shein.
Pinagsingkitan ko siya ng mata nang makitang ngumiwi siya. Nang mapatingin siya sa 'kin ay bigla siyang ngumiti. Aba! Apa ka plastik.
Natapos kaming kumain dalawa. Ako na ang naghugas ng pinggan. Habang siya naman ay nasa sala at kumakain ng strawberries.
Maya-maya pa ay, bumalik siya ulit. "Ano, aalis na 'ko." Aniya.
"Nakarating na si Mr. Shein?" tanong ko. Tumango naman siya. Saan ba dumadaan ang asawa ko at hindi ko man lang siya nakikitang umuuwi?
"Nakikita mo ba si Mr. Shein, Harold?" tanong ko habang binabanlawan ang pinggan na hinuhuhagasan ko. Tumango siya.
Kung ganoon, bakit ayaw niyang magpakita sa 'kin e ayos naman kami?
"Bakit sa 'kin ayaw niyang magpakita? Saka lang siya lilitaw kapag madilim."
Nakita kong malungkot siyang nakatingin sa 'kin. Bakit ko ba siya tinatanong? Baka pinagbawalan din siya ng asawa ko na sabihin sa 'kin ang dahilan.
Ngumiti nalang ako sa kaniya.
"Sige na. Umalis ka na. Huwag mo nalang intindihin ang sinabi ko." Sabi ko. Ngumiti pa ako para sabihing ayos lang talaga.
Nang makaalis si Harold ay agad ko nang tinapos ang hugasin. Saka ako umakyat ng kwarto dala ang pagkaing itinabi ko para kay Mr. Shein.
Nang mabuksan ko ang pinto ay nakita ko siyang nakatalikod sa 'kin at nakahubad. Nakita ko na naman ang two crescent moons na tattoo sa likod niya but this time, may napansin akong parang may ano sa ibaba.
Moon? Or buntot ng isda?
"Close the door," rinig kong sabi niya kaya nagmamdali akong pumasok at sinara ang pintuan. Patagal nang patagal, nasasanay na ang mga mata ko sa madilim na kwartong ito.
"Where's Oprah?" rinig kong tanong niya.
"Nasa baba si Oprah. Nasa sofa natutulog. Kukunin ko nalang mamaya." Sabi ko.
Bigla siyang tumahimik. Lumapit ako sa table at nilagay ang pagkaing dala ko.
"May dala pala akong sinigang," sabi ko sa harapan niya. Naramdaman ko ang kamay niya na humawak sa kamay ko.
Agad niya akong hinila kaya napaupo ako sa kandungan niya.
Agad kong naramdaman ang paghalik niya sa leeg ko. "I miss you, wife." Rinig kong bulong niya na ikinangiti ko.
Nang tumama ang hininga niya sa ilong ko ay agad kong nalanghao ang amoy ng strawberries.
"Kakakain mo lang ba ba ng strawberries?" nagtatakang tanong ko dahilan kung bakit natigilan siya.
BINABASA MO ANG
Binili Ako ng CEO (ON-GOING)
Romance'Once you sign the paper, you are already bound by him. There's no escape, only death. ' Online purchasing ay madali lang gawin. Add to cart and place the order. Lorelay Sugala ay isang anak na kailangang humanap ng kalahating milyon pampa-opera sa...