Chapter 27

123 5 0
                                    

Tumingin ako sa kapatid ko na may pagtataka. Nasa isang hapagkainan kami. Dito na kami nag hapunan dahil iyon ang sabi ng inay sa amin.

"Nak, paki-abot nga ng tinola," kukunin ko na sana ang sabaw ng unahan ako ni Harold. Naguguluhan ko siyang sinundan nang tingin. Anong ginagawa niya?

Inabot niya kay inay ang mangkok ng tinola. "Salamat nak," laglag sa sahig ang panga ko sa narinig mula kay inay. "Welcome po tita," nakangiting sagot ni Harold. Tumingin ulit ako kay Dave at gaya ko ay tila naguguluhan rin siya sa mga nangyayari.

Anong kaguluhan ito? Bakit may nak-nak kaming naririnig?

"Baka naman may isa sa inyo inay ang magpaliwanag kung anong nagyayari dito?" humalukipkip ako sa harapan ngunit nakurot lang ako ng inay bagay na tinawanan ni Harold.

"Huwag kang magganiyan sa harap ng pagkain, Lorelay. Kumain ka na diyan." Sabi pa nito na ikinasimangot ko.

"Hi people," naagaw ang attention namin kay Shiela. May dala siyang ulam na nasa isang tupperware. Ngumiti ako nang magtama ang paningin namin dalawa ngunit agad siyang natigilan nang makita si Harold.

"Hi ate," sabi ni Dave.

"Shiela, halika. Sabayan mo na kami dito." Sabi ng inay. Sinenyasan ko siyang maupo sa tabi ko. Ang seryosong mukha niya ay lumapit sa 'kin at naupo sa pagitan namin ni inay.

"Ah- Shiela, kilala mo naman si Harold, 'di ba?"

Tumango ito habang seryosong nakatingin kay Harold. "Oo naman," sagot nito at hindi ko alam kung bakit pero may iba sa mga tinginan niya kay Harold.

"Nga pala Bes, hindi pipi si Harold. Na misjudged ko lang siya dati."

Hindi siya nagulat at kalmado pa rin ang mukha niya habang nakatingin sa lalaki. May mali ba?

"Sige na, kumain na tayo." Ani ni inay.

After naming kumain, sinama ni Dave si Harold para bumili ng malamig sa labas. Kasama ko si Shiela at na e kwento ko sa kaniya ang tungkol sa pagbabalik ko sa pag-aaral.

Tuwang-tuwa siya na babalik na ako sa pag-aaral. Si Sheila kasi ay last year na niya ito. Same course kami. Ako, 3rd year pa lang at may behind subjects pa na need kong e take.

"Masaya ako sa 'yo, Bes." Ngumiti ako at niyakap siya. Pagdating ni Dave at Harold ay nagpaalam ako kay Shiela para puntahan muna si Harold. Gusto kong malaman kung anong nangyari at close na sila ng inay.

"Mag-usap tayo Harold," seryosong ani ko. Hindi ko pa rin nakakalimutan na nobya niya si Veronica ngunit nakikipaglandian pa rin siya sa akin.

"Yes babe?" nakangiting aniya.

"Huwag mo nga akong ma babe diyan. Naiinis ako sa 'yo,"

Tumayo siya at agad na hinawakan ako sa bewang. Sinamaan ko siya nang tingin. "Please, forgive me. I don't want you to be mad at me." Aniya sa sensirong boses habang seryosong nakatingin sa 'kin. Napalunok ako ng wala sa oras ng may maramdaman akong kakaiba.

"B-Bitawan mo nga a-ako," bakit nauutal ako?

"I don't want to. I'm so jealous. Nakita kita kanina. Who's that pet?"

Pet? Sinong pet ang tinutukoy niya? For some reason pumasok sa isipan ko si Edmund. P-Pet? Tinawag niyang pet si Edmund? Agad ko siyang napalo sa braso niya.

"Bakit mo tinatawag na pet si Edmund?"

"Cause he looks like a dog." Napaawang ang labi ko sa kabastusan ni Harold. Grabe! Wala akong masabi.

"Huwag ka ngang ganiyan, Harold. Ang bait ng tao e," bumuntong hininga siya at agad akong hinila sa labas. "Come with me," aniya. Nadaanan pa namin si Shiela na seryosong nakatingin sa aming dalawa ni Harold.

Baka kung ano na ang isipin no'n.

Pumasok kami sa sasakyan na gingamit niya na nasa tapat lang ng bahay. Agad niya 'kong diniposito sa kabila at pumasok naman siya sa kabila. "Bakit mo b-" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang agad niya 'kong higitin at yakapin.

"I can't hug you inside your house. Your family is there. I don't want your mother to be mad at me. Nagpapa goodshot ako e." Mahinang bulong niya.

Nabingi ako. Hindi dahil sa ingay mula sa labas. Dahil sa tibok ng puso ko. Anong nangyayari?

"May girlfriend ka," sabi ko. Huli na ng marealize ko ang nabitawan kong salita. I said may girlfriend siya instead of sawayin siya kung bakit niya 'ko niyayakap.

Ano bang pinaggagawa ko? Gumising ka Lorelay. Huwag kang immoral.

"Na-ah! Ikaw lang ang gusto ko at seryoso ako sa 'yo."

Hindi. Hindi ito tama. Nahihibang na siya.

"B-Bitaw Harold,"

Mabuti at sinunod niya 'ko. Nang magharap kami ay agad ko siyang sinamaan nang tingin. "Anong ginagawa mo?"

Hindi siya sumagot. Nanlalaki ang mga mata niya habang nakatingin sa galit kong mukha. Umawang ang labi niya na tila ay may sasabihin na hindi niya tinuloy.

"Alam mong kasal ako Harold. Kasal ako sa amo mo." Galit na sabi ko sa kaniya.

"I don't care," nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Anong sinabi niya? Wala siyang pakialam?

"Pwes Harold, ako may pakialam ako. Ayaw kong lokohin ang asawa ko." Sandali siyang natigilan na tila ay naguguluhan sa sinabi ko.

"Alam mo 'yan," dagdag ko. Napailing ako. Disappointed ako sa kaniya at lalo na sa sarili ko. Kasi malapit na 'kong nagpadala sa kaniya. Nakakahiya ang ginagawa ko.

Tatalikod na sana ako nang hawakan niya 'ko sa kamay. "Pero nagseselos talaga ako,"

Napalingon ulit ako sa kaniya. Anong sinasabi niya?

"Nagseselos ka sa asawa ko?" natural. Asawa ko si Mr. Shein kaya sa kaniya ako tatabi gabi-gabi. Sa kaniya ako hihiga at tanging siya lang ang tanging lalaking hahayaan kong halikan at yakapin ako.

"Who's that pet?"

Ayan na naman siya sa pet na 'yan. "Edmund nga ang pangalan no'n e. Ang kulit mo Harold!"

"He's still a pet to me,"

Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga. Walang sense itong pag-uusap namin dalawa. Ewan ko na lang sa kaniya. Tinalikuran ko siya at balak ng bumaba ng pigilan niya 'ko ulit.

"Where are you going?"

"Bababa na 'ko," kunot noong sagot ko.

"I said I'm jealous,"

Huh? E ano naman ngayon?

"Do something," dagdag niya.

"Tumahimik ka Harold. Magselos ka diyan mag-isa mo. Bababa na 'ko."

"You're such a heartless, baby. Wala kang paki-alam sa nararamdaman ko."

"Nababaliw ka na,"

Tinignan niya 'ko sa mga mata. Ngumisi siya dahilan kung bakit nanayo ang balahibo ko sa katawan. "I'm serious when I said that. Lalandiin kita. Hindi kita hahalikan or beyond that unless you want it. Mark my word, lalandiin kita at magiging akin ka." Seryosong saad niya na nagpakaba sa 'kin.

Compose yourself Lorelay.

Kumalma ka.

Pumikit ako sandali. Nang imulat ko ang mga mata ko, seryoso kong sinalubong ang mga kakaibang titig niya sa 'kin.

Nginisihan ko rin siya pabalik.

"May nagmamay-ari na sa 'kin, Harold. In case you forgot, binili ako ng CEO."

Binili Ako ng CEO (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon