Chapter 1

340 15 3
                                    

"Once you sign the paper, you are already bound by him. There's no escape, only death." Naiinip na kinuha ko ang ballpen para permahan ang papeles para maging legal ang lahat.

'Para sa pang-ospital ng kapatid ko, lahat ay gagawin ko,' ang siyang laging tumatatak sa isipan ko. Indeed I was bounded by him.

"Congratulations Lorelay, you are an officially wife to Mr.Shein," ang mga katagang sabi ni mayor na hindi ko magawang e selebra. Araw ng kasal ko sa lalaking hindi ko kilala. Kinasal ako sa lalaking sinasabi ng iba na isang matandang hukluban na nakatira sa haunted mansion.

"Wala kang dapat na ipag-aalala dahil sagot na ni Mr. Shein ang bayad sa ospital ng kapatid mo." Huling sinabi nito bago umalis.

"Bes, tama ba kaya itong desisyon mo sa buhay?" tanong ng kaibigan ko na si Shiela. Tama ba kaya itong desisyon ko sa buhay? Ang sagot ay hindi ko rin alam.

Ang importante sa 'kin ngayon ay ma operahan ang kapatid kong may sakit.

"Oh ready na ang mga maleta mo. Kailan ka ba aalis mamaya?" nang mapatingin ako sa maleta na hawak ko ay parang gusto ko na lang bawiin ang marriage contract na pinermahan ko kanina.

Paanong asawa na 'ko ng lalaking hindi ko kilala? Mabuti sana kung bata at mabait, ang rinig rinig ko pa naman ay isang matandang hukluban na raw ito. Patay na ako nito.

"Bes, bakit ako pumayag?" naiiyak na tanong ko sa best friend ko.

"Dahil wala ka ng pera bes at kailangan mo ng kalahating milyon pampa-opera sa kapatid mo." Napabuntong hininga ako. Jusko! Anong gagawin ko ngayon?

"Sige na bes, iwan na muna kita at pupuntahan ko muna si nanay para sabihing aalis na 'ko,"

"Sige. Ingat ka bes," tumango ako at agad na umalis.

Agad akong pumunta ng hospital para puntahan si inay at ang kapatid ko. Nang makarating ako doon ay nakita kong nililipat na si Dave, ang bunso namin sa OR.

"'Nay, kamusta na?"

"Anak, may nagbayad na raw nang pang opera sa kapatid mo, sa 'yo ba galing 'yon? saan ka kumuha ng pera?"

"Nay humingi po ako ng advanced payment sa amo ko po kaya mamaya ay dapat na 'kong umalis." Kinagat ko ang pang ibabang labi ko dahil kailangan kong magsinungaling kay inay.

Alam kong hindi niya 'ko papayagan sa desisyon ko na pumayag bilang asawa ni Ho Shein. Wala akong ibang choice kun'di gawin ito.

"Ganoon ba anak? Mag-iingat ka kung ganoon," aniya.

"Sige po 'nay. Huwag niyo pong pababayaan ang sarili niyo at mag-iingat po kayo lagi ni Dave."

Niyakap ko si nanay nang mahigpit dahil hindi ko na alam kung makakabalik pa ba ako sa kanila. Aaminin kong natatakot ako pero wala nang atrasan ito.

Agad akong bumalik sa bahay para kunin ang mga maleta ko. Ang usapan namin ni Mayor Gacus na kukunin ako ng mga tauhan ni Mr. Shein sa bahay mga bandang alas siete ng gabi.

Six thirty na kaya maya-maya ay darating na sila.

"Bes, tawagan mo lang ulit ako kung isang drug dealer o mafia boss 'yang napangasawa mo at magtatawag ako ng abogado para e annul yung kasal niyo," drug dealer? Mafia boss?

Paano kung isang drug dealer na isang matandang hukluban nga si Mr. Shein? Paano na 'ko?

Pero paano pag isang mafia boss pala siya na isa ring matandang hukluban? Lagot ako!

Pero paano pag isang matandang hukluban lang?

"Bes nakikinig ka-"

"Bes tama na, nag o-overthink ako dahil sa 'yo."

Binili Ako ng CEO (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon