"Are you bored?" tanong ni Lorelay kay Harold na inilingan lang ng binata. Nasa sala ang dalawa. Nakaupo si Lorelay sa mahabang sofa at nanonood ng palabas sa malaking TV screen ni Mr. Shein sa bahay nila.
Ibinalik ni Lorelay ang paningin niya sa palabas ngunit nakakunot na ang noo niya. "He's weird. Bakit sa akin siya nakatingin lagi?" ani ng dalaga sa isipan nito.
"Gusto mo bang ilipat ko ang palabas?" tumaas ang sulok ng labi ng lalaki nang makita kung paano nag ri-react ang asawa niya sa mga titig niya. Halos kada minuto ito nagtatanong sa kaniya. Kumuha siya ng papel saka sumulat ng 'It's fine. Don't bother.'
Napabuntong hininga si Lorelay at tinignan ang orasan. Malapit ng mag alas otso ngunit wala pa rin si Mr. Shein. Tumayo siya para kumuha ng tubig. Nang makita ni Harold ang pag-alis ng dalaga ay saka ito tumayo at nagtutumakbo sa loob ng kwarto niya.
Agad niyang hinubad ang damit niya at nagsuot ng magarang damit pang opisina. "If Richmoon and Lee know about this, I'm totally dead."
Samantala, nang bumalik si Lorelay sa sala ay wala na si Harold sa inuupuan nito kanina. Agad na lumukob sa kaniya ang takot sa kaisipang mag-isa lang siya at wala siyang kasama. Agad niyang pinatay ang TV, at nagmamadaling umakyat sa taas kung nasaan ang kwarto ni Mr. Shein.
Nang buksan niya ito, naaninag niya ang rebolto ng asawa niya na nakaupo sa kama nito. Nakahinga ng malalim si Lorelay at napanatag ang kalooban niya. Halos kapusin siya ng hininga kanina habang binabaybay ang hagdanan paakyat makarating lang sa kwarto ni Mr. Shein.
"Nakauwi ka na pala?" ngumiti si Lorelay nang makita ang asawa niya kahit na hindi naman niya maklaro ang mukha sa dilim ng kwarto.
Kung hindi makita ni Lorelay ang mukha ng asawa, iba naman kay Mr. Shein. Tanaw na tanaw niya ang mukha ng asawa. Ang kagalakan na makita siya at kung paano ito pilit pinapakalma ang sarili. Nakagat ni Mr. Shein ang labi nong mapagtanto na tinakot niya ang asawa sa biglaang pagkawala nito sa sala.
Tumayo siya at lumapit sa asawa niya. "Breathe. I'm here," mahinang bulong ni Mr. Shein kay Lorelay bago tuluyang kumalma ang asawa at nawala ang takot sa dibdib nito.
----------------
"Kumain ka na?" mahinang tanong ko. Hindi siya sumagot. Nakasuot pa siya ng damit pang opisina. Hindi pa pala siya nakabihis. Saan siya dumaan? Hindi ko siya napansin kanina sa sala.
"Sa sala. Hindi mo lang ako napansin." Sabi ko nga. Natawa ako kasi parang nababasa niya ang nasa isipan ko. Lumayo ako ng konti sa kaniya para mas buksan ang bintana para kahit papaano ay pumasok ang liwanag ng buwan sa kwarto niya.
Ayaw niyang buksan ang ilaw. Marahil ay ayaw niyang makita ko talaga ang mukha niya. Kaya mag ri-rely nalang ako sa liwanag ng buwan.
"You love the moon?" napalingon ako kay Mr. Shei nang magsalita siya. Tumingin ako pabalik sa buwan at sa kaniya ulit.
"Madilim ang kwarto mo." Sagot ko saka tinali ang mga kurtina. Narinig ko ang mahinang pagtawa niya sa likuran.
"I thought you're a selenophile." Aniya. Bumalik ang paningin ko sa buwan. "Maganda ang buwan, pero hindi ako nagigising kapag may mga eclipse."
"Anong kinalaman ng eclipse sa pagiging selenophile?" takang tanong ni Mr. Shein. Hinuha ko, kung kita ko lang ang mukha niya, siguro nakakunot na ang noo niya ngayon.
"Hindi ba kapag selenophile ka dapat ay nakaabang ka sa mga kaganapan sa buwan?" hindi ko alam kung bakit nauwi sa buwan ang usapan namin.
"Ugh, it's not really necessary. I think?" napakamot ako batok ko saka lumapit sa kaniya.
"Huwag nalang natin pag-usapan ang buwan. Gusto ko lang naman magkailaw." Narinig ko ulit ang tawa niya. Napangiti ako sa paraan ng pagtawa niya. Sobrang ganda pakinggan.
"Magbihis ka na para makakain ka sa ibaba. Nagtira ako ng pagkain doon sa mesa." Hindi ko alam pero parang natigilan siya. Bakit? Kumain na ba siya?
"Kung gusto mo, patayin natin lahat ng ilaw sa ibaba or kukunin ko ang pagkain sa kusina para dalhin sa kwarto mo." Suhestiyon ko.
"Pakikuha nalang ako ng pagkain sa ibaba." Sagot niya. Tumayo ako para kunin iyong mga pagkain na itinabi ko para sa kaniya kanina.
------------------
Nang makaalis si Lorelay, hinubad ni Mr. Shein ang damit niya pang itaas saka agad tinawagan ang kaibigang si Lee.
"Shein, napatawag ka?"
"Lee, is there any news about him?" bumuntong hininga ang kaibigan habang si Richmoon ay nakikinig sa usapan. Tumingin ang koryanong si Lee kay Richmoon saka sinagot si Shein. Parehas ang dalawa ng iniisip. Kailangan nilang maging alerto lalo na't ito lang ang tanging magagawa nila sa kaibigan nila.
"As of the moment, he's not here. Enjoy your honeymoon with your wife." Nakahinga ng maluwag si Shein nang marinig ang sinabi ng kaibigan.
"Nandiyan si Richmoon?" agad na umiling si Richmoon kay Lee pero huli na dahil nakasagot na si Lee ng 'oo.'
"Oh, tell him na magtago na siya." Agad na napalunok si Richmoon sa sinabi ng kaibigan saka sinamaan ng tingin si Lee. Nang ibaba ni Mr. Shein ang tawag ay napatingin siya sa buwan.
"I won't let him destroy the moon that I have. Matagal akong nakatingin sa kaniya sa malayo. Makakapatay ako sa kung sino mang magtangka na maglayo sa kaniya sa 'kin."
Bumukas ang pintuan, mula sa liwanang sa labas, kitang-kita ni Lorelay ang likuran ng asawa. Nakatalikod ito sa kaniya at naabutang nakatingin ito sa buwan. Nakita ni Lorelay ang tattoo ng crescent moon sa likuran nito malapit sa balikat. Dalawang buwan na magkaharap.
'Sobrang simple ngunit ang ganda pagmasdan ng tattoo niya.' Ani ng dalaga sa sarili.
'Maganda ang pangangatawan. Hindi ko alam kung bakit nahihiya siyang ipakita ang mukha niya. Pakiramdam ko naman ay hindi siya pangit. Pakiramdam ko nga ay gwapo siya. Sa amoy, boses at pati na rin sa hubog ng katawan niya, masasabi mong may maibubuga siya.' Dagdag ng dalaga.
"Close the door." Agad tumalima si Lorelay at sinara ang pintuan nang marinig ang boses ng asawa. Nilapag niya ang pagkaing dala sa table saka hinarap si Mr. Shein na ngayon ay naktingin na sa kaniya.
'He's witty. Hindi talaga siya lumingon kanina. Hindi sapat ang liwanag sa labas para maaninag ko ang mukha niya. Natatakot naman akong suwayin siya at baka palayasin niya ako dito.'
"Why are you staring at me?" tanong ni Mr. Shein sa asawa na nakatitig sa kaniya.
"I'm not s-staring at you. Sige, kain ka na." Sagot ni Lorelay at tinalikuran ang asawa.
'Kahit hindi ako nakatingin sa 'yo, alam kong nakatigitig ka sa 'kin.' Ani ni Mr. Shein sa kaniyang isipan habang pinagmamasdan ang asawa na humihiga sa kama.
'Baby, I've been following you, watching you from afar for the past 10 years. Lahat kabisado ko na sa 'yo. Don't make me fall harder. Mahihirapan na akong ibangon ang sarili ko kung ganoon.' Mga salitang hindi masabi ni Oliver Shein kay Lorelay na pinapakiramdaman siya.
BINABASA MO ANG
Binili Ako ng CEO (ON-GOING)
Romance'Once you sign the paper, you are already bound by him. There's no escape, only death. ' Online purchasing ay madali lang gawin. Add to cart and place the order. Lorelay Sugala ay isang anak na kailangang humanap ng kalahating milyon pampa-opera sa...