Chapter 33

89 0 0
                                    


Agad kong niligpit ang gamit ko nang matapos ang klase. Huminto si Edmund sa gilid habang iyong mga studyante ay humirit pa ng litrato kay Harold.

"Tayo na?" ayaw ni Ed sa 'kin. Tumango ako at kinuha ang bag ko. Paalis na kami nang bigla akong tawagin ni Harold dahilan kung bakit napahinto ang lahat.

"Stay here Ms. Lorelay. May pag-uusapan pa tayo about your eyes condition as per the chairman requested. Besides, magpapatulong din ako sa 'yo para sa upcoming celebration ng English month." Nang marinig iyon galing sa kaniya ay dahan-dahan ng umalis ang mga studyante.

Gusto kong tumanggi pero naiintimida ako ng mga titig niya. Tumingin ako kay Edmund na seryoso namang nakatingin sa akin. Hindi ko mabasa ang iniisip niya.

"Magkita nalang tayo bukas Ed," sabi ko dahil ito lang naman ang subject ko ngayong araw. Tumango siya at nagbuntong hininga saka ginulo ang buhok ko.

"See you tomorrow," ani nito at tuluyan ng lumabas. Nang wala na ang mga studyante sa paningin ko ay saka lang ako bumaling kay Harold ngunit nabigla ako nang makita na tila ay madilim ang paningin niya habang nakatingin sa nilabasan ni Harold.

"He.touch.you!" May diin sa pagkakabigkas nito. Napaatras ako sa kaba ngunit hindi ko alam kung bakit naroon ang pananabik sa kaisipang kaming dalawa lang dito ngayon.

"Kaibigan ko lang si Edmund," mahinahon na sabi ko. Dahan-dahan siyang umabante. Hindi ako umatras o kumurap.

"How about me? Am I a friend to you?" malamyos na aniya. Naroon ang pag-iingat habang puno ng mga emotion ang nasa mga mata. Napalunok ako ng wala sa oras. Heto na naman ako, kinabahan bigla.

"H-Hindi k-kita kaibigan," nauutal na sagot ko. Mas lalo niyang idiniin ang sarili niya sa akin.

"Bodyguard k-kita. T-Tauhan ng asawa k-ko," Ano bang gingawa ko dito? I should leave. Hindi tama na kaming dalawa lang ang nandirito. Pagak akong natawa at tinitigan siya sa mga mata. "Huwag mo ng guluhin ang isipan ko, Harold. Nalilito na kasi a-ako."

Halos makiusap na 'ko sa kaniya ngunit mukhang wala siyang balak na tantanan ako.

Lumamlay ang balikat niya at hulog na hulog ang mga mata habang nakatingin sa 'kin. Hinawakan niya ang dalawang pisngi ko. Agad kong tinanggal ito at lumayo sa kaniya ng konti.

"Tumigil ka na!" Naroon ang pagbabanta sa boses ko. Pinandilatan ko pa siya ng mata nang makita na umabante ito papalapit sa 'kin.

"Bakit ka ba natatakot sa 'kin?"

Mali ka Harold. Hindi ako takot sa 'yo, in fact, kapag kasama kita, pakiramdam ko ay ligtas ako. Pakiramdam ko ay walang mangyayari sa 'king masama. Napapanatag ang kalooban ko gaya kung paano ako napapakalma ng asawa ko.

Hindi ako sumagot sa kaniya. Nag-iwas lang ako nang tingin. Akala ko ay titigilan na niya ako ngunit nagulat ako nang bigla niya akong hawakan sa kamay at higitin papalapit sa kaniya. Naramdaman ko ang pagdampi ng labi niya sa labi ko.

Nanlalaki ang mga mata ko. Hindi dahil sa ginawa niya kun'di dahil iba agad ang pumasok sa isipan ko. Hindi ako nakagalaw kaya mas lalo niyang pinailaliman ang halik. Napaatras ako habang siya ay sumasabay na umaabante sa bawat hakbang ko ng paurong.

Napasandal ako sa dingding. Hawak niya ang ulo ko para hindi ako makalayo sa kaniya. Hindi ko siya magawang itulak, hindi ko siya magawang pigilan dahil ang katawan ko na mismo ang tumugon sa mga halik niya.

Mahigpit ang pagkakahawak ko sa laylayan ng damit ko. Napaawang ang labi ko para lumanghap ng hangin, ngunit naging daan iyon para ipasok ni Harold ang dila niya sa loob ko. Sumasabay ang labi ko sa mga ginagawa niya.

Tila may sariling isip ito na sumusunod kay Harold.

Pareho naming habol ang hininga namin matapos niyang lubayan ang mga labi ko. Puno ng emotion ang mga mata niyang nakatingin sa 'kin habang ako ay kunot ang noo na tinignan siya.

Siniil niya ulit ako ng halik and this time, binuhat niya ako. Kinuha niya ang isang binti ko at ipinulupot sa kaniya. Nasakyan ko ang gusto niyang mangyari, ipinulupot ko rin ang isa ko pang paa sa bewang niya.

Buhat niya ako habang ang isang kamay ay nakahimas sa binti ko paakyat sa taas. Ramdam ko ang katigasan sa gitna niya sa likod ng suot niyang pantalon.

Mas idiniin niya ang sarili niya sa 'kin. Nakagat ko ang pangibabang labi ko para pigilang makagawa ng ingay.

Habol hininga, agad niyang ibinaon ang mukha niya sa leeg ko. "I'm so damn h0rny, baby."

"Akala ko ba ayaw mo 'kong halikan hangga't hindi ko gusto?" tanong ko habang hawak ang buhok niya.

"You provoke me. Huwag ka ng sumama sa aso na 'yon." Si Edmund marahil ang tinutukoy niya.

"Hindi siya aso, Harold." Umingos siya. "He's still a pet to me."

Hindi nalang ako sumagot para makipag-away sa kaniya. Wala akong makapang pagsisi sa sarili ko sa halik na pinagsaluhan namin.

At mas lalong pakiramdam ko ay si Mr. Shein ang kahalikan ko kanina kaya hindi agad ako naka react. Sa paraan ng paghalik niya, sa paraan ng paghaplos niya, sa lahat, si Mr. Shein ang nakikita ko.

Hindi naman siya si Mr. Shein hindi ba?

Bakit bumalik na naman ang pagdududa ko sa kaniya?

Ang sabi ni Veronica, kaibigan siya ni Mr. Shein ngunit kay Harold siya laging nakadikit. Kung empleyado lang si Harold ng asawa ko, hindi siya dapat ganoon makipag-usap sa mga kaibigan ni Mr. Shein.

Tinatawag lang niya sa pangalan sina Lee instead o addressing them sir. Napaka misteryoso ng asawa ko same as Harold. Ngayon nga, nagulat ako na graduate siya ng Business Ad dito. If tama ang pagka-alala ko, narinig ko si Richmoon nong pumunta sila ng bahay na tinawag niya si Harold na Ho.

Kilala sa amin si Mr. Shein o Ho Shein. Pinagsawalang bahala ko 'yon ngunit ngayon, hindi ko na alam.

Sino ba talaga kayo Harold? Mr. Shein? Iisa lang ba kayo?

Pero bakit niya ginagawa ito? Anong makukuha niya para lituhin ako ng ganito?

Pero tama nga ba ang hinala ko? O ginagawa ko lang ito para pagtakpan ang ka immoralan na nagawa ko?

Ano pa man, there's no guilt nor conscience ang nakakapa ko sa sarili ko after that kiss.

Ngumiti si Harold sa 'kin.

"A-Alis na 'ko," naiilang na sabi ko. Ngunit hinawakan niya ako sa kamay kaya napatingin ulit ako sa kaniya.

"Sabay na tayo," naroon ang pagsusumamo sa mukha niya. Dahan-dahan akong tumango.

Kinuha niya ang mga gamit niya na nasa stand. Habang pinagmamasdan ko siya, naroon ang ideya sa isipan ko kung tama o mali ba ang hinala ko.

I need a proof. Kung siya ba o hindi si Mr. Shein. Magkaiba ang boses nila ngunit minsan, nagiging tunog ni Harold ang asawa ko. Magkaiba sila ng kulay ng mata ngunit minsan, nakita kong naging gray ang kulay ng mata ni Harold kahit na brown ito. Hinala ko, may suot siyang contact lens araw-araw.

Hindi naman sapat para sabihing siya si Mr. Shein dahil pareho silang humalik. Hindi sapat para mapatunayang iisa lang sila dahil do'n.

Hindi ko masiyadong kilala ang asawa ko ngunit I am certain na may tattoo ito sa likuran niya. 2 crescent moons facing each other. Kung may ganoong tattoo si Harold, sobrang coincidence na para itanggi pa niya.

I wonder why, kung sakaling tama ako, bakit umabot siya sa punto na magpanggap bilang ibang tao sa harapan ko? Ang plano niya?

Binili Ako ng CEO (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon