Chapter 44

156 5 0
                                    


"Who is she?" dumadagundong ang boses ng lalaking kamukha ni Harold mali- ni Mr. She- ng asawa ko habang masamang nakatingin sa akin. May iba ring tao ang naroon na hindi pamilyar sa akin. Tanging si Jayden at Veronica lang ang namumukhaan ko.

Humarap ako sa asawa ko. Agad na nanuot sa puso ko ang galit nang makita ang putok sa labi niya. Galit na binalingan ko si Jayden. "Wala kang kwentang kapatid!" Sigaw ko sa harapan niya. Dumaan ang galit sa mata niya ngunit hindi ako nagpasindak. Gusto ko siyang sampalin ulit.

"I SAID, WHO THE HELL ARE YOU?" bumaling ulit ako sa lalaking sumigaw. Natatakot ako sa presensya niya ngunit naramdaman ko ang pagsiklop ng asawa ko sa kamay ko at hinalikan ito. Nang tignan ko siya ay agad niya 'kong hinila papalapit sa kaniya at niyakap. Tila ay pinoprotektahan sa mga tao na naroon at nakatingin sa amin dalawa.

Ibinaon niya ang mukha niya sa leeg ko. Sa gulat ko ay nakalimutan ko sandali na may ibang tao pa sa paligid namin. "I missed you so much, baby." Bulong niya. Napaiyak nalang ako nang marinig ang boses niya.

"Nakikinig ka ba? Woman! WHO THE HELL ARE YOU?!"

Nanlilisik ang mata ng asawa ko nang marinig ang sigaw ng lalaki sa unahan. Hindi ko siya kilala ngunit namumukhaan ko ang mukha ni Harold sa kaniya. "She's my wife, Dad. Try to hurt or disrespect her, makikita niyo ang hinahanap niyo." May diin na sabi ni Harold sa tinawag niyang "Dad" at sa ilang nasa harapan na nakatingin sa 'min. Nagbabanta ito at kahit ako ay nanibago sa boses niya. Malayong-malayo kung paano niya ako kausapin.

"Wife?" gulat na tanong ng ginang na kamukha rin ni Jayden.

"Yes, mom. She's my wife kaya hindi ako pwedeng magpakasal kay Veronica."

"WHAT?" angal ng ama niya. Napatalon ako sa gulat at mas lalong napakapit kay Harold. "It's okay baby. I'm here," pang-aalo nito sa 'kin dahilan kung bakit kumalma ako.

"Yes. You can't decide my life!"

"Don't try my patience, Oliver! Hindi mo makukuha ang mana mo sa 'kin!" Galit na sigaw ng ama niya na nginisihan lang ni Harold. Ako ang kinabahan sa sagutan nila.

"Try me Dad. I don't care about your wealth. I can buy everything as you do. Huwag mo 'kong subukan!" Ani nito at hinila ako papalayo sa lugar na 'yon. Narinig pa namin ang sigaw ng ina niya ngunit nagtuloy-tuloy lang kami sa pag-alis na walang lingon-lingon. Sinalubong kami ni Lee, TG at Richmoon.

All of them are smiling at us.

"Thank you," sensirong sabi ni Harold sa kanila. Tumango lang at tatlo at tinapik nila ito sa balikat. "Beer lang, sapat na." Nakangiting ani ni TG at tumango lang si Harold sa kanila. Sumakay na ang tatlo sa sasakyan na sinakyan namin papunta dito at nagpaalam.

Hinila naman ako ni Harold papunta sa sasakyan niya. Nakapasok kami sa loob, doon lang ako nakaramdam ng hiya. Nang mapatingin ako sa mukha niya, I felt pain nang makita ang sugat sa labi niya.

Kagat labi akong lumapit at hinawakan ang labi nito. Bumalik ulit ang galit ko sa ginawa ng kuya niya. Nang tumingala ako ay nasalubong ko ang mabibigat na titig niya ngunit naroon ang kaginhawaan sa mukha.

"I'm sorry," aniya at pakiramdam ko ay para akong maiiyak habang nakatingin sa kaniya. "I'm sorry if I lied to you." Gusto kong malaman kung bakit niya ginagawa ang lahat ng 'to. Kung bakit kailangan niyang magpanggap bilang ibang tao sa harapan ko.

Kung pwede ko naman pala siyang makasama bilang siya. Bilang asawa ko.

Ngunit hindi ko siya kayang tanungin ngayon. Hihintayin kong magkusa siya. Ayaw ko muna siyang pagsalitain lalo na't kagagaling pa lang niya sa sitwasyon na gaya ng kanina. Pamilya niya, pinagkakaisahan siya at hindi ko kayang makita na ganoon ang nangyari sa kaniya.

May luhang kumawala sa mata ko dahil 'di ko lubos maisip na pamilya pa niya ang siyang mas nagpapahirap sa kaniya.

Pinahiran niya ang luha sa mga mata ko. "Why are you crying?" mas lalo lang bumigat ang pakiramdam ko nang marinig ang boses niya. How can he so gentle and calm?

Paano pala kapag sunod-sunuran siya sa pamilya niya? Iiwan niya ako at magpapakasal siya kay Veronica? Paano ako?

"Hindi ka naman magpapakasal kay Veronica 'di ba?" naroon ang takot sa boses ko. Nakita ko ang magkahalong saya at lungkot sa mukha niya na mas lalong ikinasama ng pakiramdam ko.

"Bakit ka pa ngiti-ngiti diyan?"

"Ayaw mo 'kong maikasal sa kaniya?" kagat labing dahan-dahan akong umiling. Nakagat niya ang pang ibabang labi at naroon ang luha sa gilid ng mga mata niya. "I waited for this baby. I waited for years for you to noticed me. I waited for years for you to like me. I waited for years for you to be mine, Lorelay. Damn! I can't believe it." Mas lalo lang akong naiyak nang makita ang luha sa mga mata niya habang masayang nakatingin sa 'kin.

It somehow creepy but I felt different. Cause an image of him slowly flashed into my mind. I'm so naïve not to noticed him. Nakita ko na siya, dati pa. Nakita ko na siya noon pa. He helped me in Math. He taught me how to solve quadratic equation. Siya 'yon e. Siya ang nag motivate sa 'kin na mahalin ng Math. And there are some instances na nakikita ko siya noon na hindi ko na pinansin.

Masiyado akong naging abala sa pag-aaral dahilan kung bakit hindi ko napapansin ang nasa paligid ko. Nawala lang naman ang agam-agam sa sarili ko sa sinabi ng inay. Ang katotohanang humarap siya kay inay para hingin ang kamay ko at para ipagtapat ang ginawa niya ay sapat na para pagkatiwalaan ko siya.

Lumapit ako sa kaniya at idinampi ang labi ko sa labi niya. Alam kong natigilan siya at kinuha ko ang oportunidad na 'yon para mas lalong pailalimin ang halik ko sa kaniya.

"Are you sure about this baby?" bulong niya habang nakatitig sa mga labi ko.

"Bakit? Ayaw mo?"

"Fvck! It's my dream,"and just like that, he slam his lips against mine.

Binili Ako ng CEO (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon