Beatrice Lim
" Gago ka talaga Bea! Lagot nanaman tayo nito pag nalaman ng dean yan! Ano nanaman bang kalokohan ang pumasok sa isip mo? " inis na tanong sa akin ni Jameson. Isa sa mga circle of friends ko.
Ngumiti lang ako sakanya, dahil ilang beses ko nabang narinig itong tanong na to sa mga kaibigan ko? HAHAHA!
Isa lang naman akong loko lokong studyante dito sa isang sikat na university.
Hindi naman nila ako masusupende dito dahil tatay ko mismo ang may ari ng school na to, at huwag silang magkakamali na kwestyunin ako sa ginagawa kong ito. Dahil kahit teacher ang bumangga at kumalaban sakin, sisiguraduhin kong mapapatalsik sila dito sa paaralan namin!
Sa school nato, ako ang batas. At walang sinuman ang makakapigil at magtuturo sa dapat kong gawin.
Walang kung sino ang nangahas na isumbong ako sa sarili kong ama. Dahil alam na nila ang mangyayari. Hindi nila gugustuhin na banggain pa akong muli dahil ipaparanas ko sakanila ang buhay na hindi nila gugustuhing mangyari.
I'm spoiled brat! Yeh! Favorite ako ng Daddy ko. Dalawa kaming magkapatid, ako and ang kuya ko. But mama's and daddy's girl ako dahil kahit may lahi kang chinese, mas favorite nila ako kesa sa Kuya ko. If you know what i mean.
Sa lahing Chinese, kadalasan lalake ang paborito nila. Pero ibahin niyo sa pamilya namin.
Lahat ng bagay ay kaya kong gawin. Madalas akong chinachallenge nitong mga kaibigan ko sa mga kakayahan ko, ngunit lagi lang sila napapahiya sa akin. Wala siyang masyadong tiwala sa akin.
In short, lahat ng bagay kaya kong paikutin sa palad ko.
Actually, hindi naman ako ganito dati. May isang bagay lang na bumago sa pagkatao ko. Pero saka ko na sasabihin.
Anyway, I'm Beatrice Lim. Half pinoy half chinese. Hindi nako magpapaligoy ligoy pa dahil ayokong magmalinis.
Masama ang ugali ko, lahat ng tao inaayawan ako dahil sa mga kayabangan ko at masyadong mataas ang tingin ko sa sarili.
Tanging mga kaibigan ko lang ang nakakaintindi sa ugali kong yon. Lahat ng ginagawa kong kalokohan ay hindi alam nila mom and dad, that's why spoiled padin nila ako sa lahat ng gusto ko.
Walang sino ang gustong makalaban ako dahil alam nila na kahit sino pa sila ay hindi ko sila uurungan.
Pero don't worry guys. Mabait naman ako, pero sa mga kaibigan ko lang. Pero sa ibang tao? Tsk! Laruan lang ang tingin ko sakanila. Laruan na anytime pwede ko gawan ng hindi maganda at saktan ko ang mga damdamin nito.
Kagaya nalang sa ginawa ko ngayon sa teacher ko.
Ano magagawa ko kung hindi ko maintindihan ang tinuturo ng walang kwentang matandang ito?
May right's naman ako para ma-realtalk siya dahil ang alam niya lang gawin mag manyak ng mga kaklase ko? What the hell!
Kung tutuusin wala akong pakialam kung mamanyak sila, ang iniisip ko lang ay ang pangalan ng school nato na pag mamay-ari ng pamilya namin.
Ayokong masira ang image ng school nato dahil lang sa walang kwentang pag iisip.
" Malalagot ka talaga Bea kapag nalaman yan ng Daddy mo. Tama ba naman kasing hagisan ng itlog sa muka ung teacher natin?! My god Bea. Hindi kita kinakaya! " pagalit sakin nitong si Zayn.
" Wala akong pakialam kung malaman. As if kung may magsusumbong sa Daddy ko? Tingin mo ba magsusumbong si Dean? And dapat lang sa matandang yon ang bigyan ng leksyon. " irap ko pa.
" Hay nako Bea. Sumasakit ulo namin sayo. Baka ma expel tayo sa ginawa mo na yon. " singit din ni Margarette
" Eh bakit tumawa kayo kanina nung hinagisan ko ng itlog sa muka ung matandang yon? Tapos ngayon matatakot kayo! " galit ko sakanya.
Tama naman kasi, tumawa din naman sila sa ginawa ko.
Natahimik naman sila sa sinabi ko, kasi tama at may point ako.
Hindi ko na pinaliwanag sakanila kung bakit ko yon ginawa dahil di na mahalaga pa yon. Hindi naman ako natatakot na malaman nila Daddy dahil kaya kong ilaban ang right's ko once na malaman nila.
Itong mga kaibigan ko pala nito ang kasama ko sa lahat ng kalokohan, kung minsan ay umiiral lang talaga ang kawalang tiwala nila sakin dahil wala pa silang bilib sa napapatunayan ko or gusto lang nila kung minsan ay malibre ng kotse or whatever na luha nila.
Madalas kaming nagpupustahan sa mga ginagawa namin kapalit ng mamahaling mga gamit kung sino ang matalo. Well, kahit kailan naman di nila ako natalo.
Anyway, hindi ako ung tipong babaeng maarte na kung ano ano ung sinusuot na damit. Medyo may pagkaboyish ako. Pero hindi ako tomboy or what ever. Sa arte ko na to na magsalita? Duh! Hahaha!
Madalas ako mapagkamalan sa di nakakakilala sa akin na tibo. Madalas kasi over-sized shirt and jacket na may hoodie ang suot ko. Mas gusto ko sa kumportable na damit ang suot ko dahil once na gumawa ng kalokohan o diba madali nalang makakilos.
Wala akong karelasyon dahil ayokong pumasok sa isang bagay na sasakit lang ang ulo ko, hindi ko priority ngayon yon. Masaya ako sa kung anong bagay at kaibigan meron ako. Hindi ko kailangan ng isang tao na magpapasakit nanaman ng puso ko.
Lahat naman kaming magkakaibigan walang mga karelasyon, itong si Zayn at Jameson anak mayaman din at ayaw ng commitment kaya puro fuck buddies lang ang hanap, lagi ko sila pinagsabihan ng nakakadiri dahil ilang babae lagi ang natitikman nila kung minsan ay pinag pupustahan pa. Itong si Margarette naman, ayun patay na patay sa kuya ko. Pero sorry siya hindi siya type non dahil sa pagkakaalam ko ay silahis siya. Hahaha! Mukang mas gusto pa niya si Zayn kesa dito sa babaeng to.
" Bea, san ba tayo maglulunch? Gutom na ako. " reklamo ni Zayn.
" Bakit hawak ko ba ung kaldero? Kumain kayo sa gusto niyong kainan. Wala ako sa mood kumain. " sagot ko dito.
" Syempre, libre mo kami dapat ah. "
" Dun ka sa kuya ko magpalibre. Type ka non Zayn. Isang tawag mo lang don, punta agad yon. " ngisi ko sakanya.
" Hindi ganon si Leo " pagtatanggol pa ni Margarette. Hay nako! Bulag kapadin hanggang ngayon.
" Kaya ko patunayan yan, ano pusta mo? Plane ticket papuntang Korea? " ngisi ko dahil alam ko kung ano at sino gusto ng kuya ko. Malamang kapatid ko yon e!
" Grabe ka Bea. Di mo alam nasasaktan na ako. Huhuhu! " tila maiyak iyak pa ito
" Hay nako, sige na. It's on me! Akala mo di mga anak ng may ari ng malalaking building dito sa manila kung magpalibre. E mas mayaman panga kayo sakin mga hampas lupa kayo! " sigaw ko dahil di ko din naman sila matitiis.
Nag yehey naman ang mga ito dahil alam nilang di ko sila matitiis kapag ganong may isang malungkot. Kaya minsan hindi ko alam kung nag aartehan nalang tong mga to eh! Hmmmm!
--
To be continued..
BINABASA MO ANG
SEDUCING MY STRICT PROFESSOR ( GXG )
RomanceWalang taong mananatiling bato ang puso kapag tinamaan at makaramdam ng spesyal na pagmamahal. Magiging madali kaya kay Beatrice na mapalambot ang puso ng isang taong manhid pa sa manhid? Abangan.