Beatrice Lim
Halos mapanganga ako kung sino itong kakapasok palang sa bus na siyang hinihintay pala namin. Walang iba kundi si Flores.
Akala ko ba ay hindi ito part ng event. Pero bakit andito to ngayon kasama namin?
Ibig ko ng bumaba ng bus, lilimitahan ko na nga siya tapos ngayon makakasama ko naman ng ilang araw.
Hindi ko ito pinansin, naglagay lang ako ng headset sa tenga ko. Pansin kong napasulyap siya sa akin.
Katabi ko ngayon si Zayn. Two seater lang itong bus nato, ung si Jameson at Marga naman ang nasa likuran namin.
Madami dami din kaming studyante na sumama.
Tuloy tuloy lang byahe, tamang sounds lang ako. Pero ung isip ko naiwan kay Flores.
Gandang ganda ako sakanya kanina nung pagpasok niya dito sa bus. Gusto ko na siyang yakapin pero pinigilan ko ang sarili ko.
" Hoy Bea. Bat tulala ka diyan? " sabay alis ni Zayn ng headphone ko.
" Kanina pa may tumatawag sayo! " sigaw nito sakin. Tsssk! Kalalaking tao makasigaw, kung di ko lang to kaibigan tinadyakan ko na siya.
Tumatawag pala si Gladwin. Nakailan missed call na pala siya pero hindi ko iyon napansin dahil nga ang isip ko nakay Flores.
" Hello? " tanong ko sa kabilang linya.
" Imissyou bestfriend. San ka today? Puntahan kita? " tanong nito.
" Imissyoutoo. We're going to camping, " matamlay kong sagot.
" Oh okay. See you! " sabay patay nito ng phone. Yung lalake talagang yon. Hay nako!
" Hoy Bea! Sino yang ka-imissyou mo ha?! " sigaw ni Marga sa likuran.
" Eh ano ba pakialam niyo?! Boyfriend ko bakit ba?! " di ko alam napalakas pala ang sigaw ko kaya ung mga studyante ay napatingin sa pwesto namin kasama na din si Flores. Agad naman nitong binawi ang tingin niya sa akin.
" Wowww! Ang buong akala ko si Mam ang gusto mo? " sigaw pa nito. Tumayo ako agad para hampasin siya dahil napaka lakas ng bunganga nito. Tama bang sabihin yon!
Nabbwcit ako sa mga kaibigan ko, ayaw akong tantanan! Di ko pa pala nasasabi sakanila ung about samin ni Gladwin. Pero honestly, walang namamagitan sa amin. Dahil alam ko sa sarili ko kung sino ang gusto ko.
Nakarating na kami dito sa isang island. Puro pine-tree dito at medyo malamig ang simoy ng hangin.
Naka handa na din ang mga tent namin. Medyo magdidilim na ng makarating kami. Napansin ko din na may isang batis na nakagitna dito, mukang bukas ay kailangan naming umakyat sa bundok para makita ang pinaka city.
Binaba ko na ang bag ko. Pinapabitbit ko kay Zayn kanina, pero ayaw ng hayop.
" Okay class. 3days tayo sa event na ito, 2nights and 3days. So, magpahinga na muna kayo at ihahanda lang namin ang food niyo. Sa bawat tent ay dalawang tao lang ang pupwede. Bawal magtabi ang mag boyfriend ha? " paliwanag ng isa namang professor.
" Hoy Bea, tabi tayo hano?! " sigaw ni Marga sakin.
" Ayoko, at matindi ka maghilik. Di ako makakatulog. " pang aasar ko sakanya.
" Edi wag, alam ko na kung sino ang gusto mong katabi. Wait! " mabilis na naglakad ito palayo sa akin papunta sa isa naming professor.
Tinignan ko lang siya habang nagsasalita ito, sabay nginisian ako ng nakakaloko.
" Okay Miss Lim. Katabi mo si Mam Flores. " ngiti din naman ng teacher namin.
What the?!
" Ano Sir?! Si Marga po ang katabi ko. " pagrereklamo ko dito.
" Nope, my decision is final. " ma-awtoridad na utos nito.
Nagpapapadyak akong bumalik ng tent. Bwcit talaga ung babaeng yon! Tama bang pagtabihin kami ni Flores! Alam na nga nila na ayoko na maglalalapit pa don! Ughhh!
" Ayieee, ikaw Bea ha? Para-paraan. Baka lumindol mamaya. Aabangan namin yon. " nakasunod pala sa akin tong mga demonyo.
" Mga ulol! " sigaw ko. Puro stress nalang binibigay nila sa akin!
" Diba ikaw si Beatrice Lim? Lahat nagagawa mo diba? Kaya nga pati professor takot sayo, pero bakit wala kang nagawa kanina? Umamin kana kasi, pagdating kay Flores nagiging malambot ka. Hahaha! " pang aasar pa nitong si Zayn.
Pero tama nga siya! Bat nga ba wala akong nagawa kanina?! Kung dati yon, ay baka nasigawan ko na ang teacher namin na yon. Ewan ko na! Nabbwcit nako sa buhay ko!
" Mga wala kayong kwenta, lumayas nga kayo sa harap ko! Magpapahinga ako! " sabay ayos ko ng lantern dito sa loob at sinarado ko na yung tent ko.
Nabbwcit ako sa mga kaibigan ko, mas lalo nila ako nilalapit don sa Flores na yon. Pano ako makakatulog kung siya mismo kasama ko dito ng ilang araw?! Ughhhh!
Nahiga na ako at nagtalukbong ng blanket, ayoko makipag usap kay Flores. Bahala siya!
Medyo maluwang din itong loob, pero ang lamok! Napansin ko maya maya ay bumukas itong tent ko, palagay ko si Flores na un. Pinakiramdam ko ito at tumabi siya sa higaan ko.
--
To be continued..
BINABASA MO ANG
SEDUCING MY STRICT PROFESSOR ( GXG )
RomanceWalang taong mananatiling bato ang puso kapag tinamaan at makaramdam ng spesyal na pagmamahal. Magiging madali kaya kay Beatrice na mapalambot ang puso ng isang taong manhid pa sa manhid? Abangan.