Chapter 4

251 12 0
                                    

Beatrice Lim


" Ang lakas ng amats mo Bea! Kinalaban mo ung terror nating teacher. Pero mas malakas si Mam! Pinunit niya ung test paper mo! Walangya! Dude! Nakahanap kana ng katapat mo! Hahahaha! " pang aasar sakin ni Zayn.




Inis na inis padin ako sa ginawa ng babaeng yon sakin hanggang ngayon, kaya hindi nako pumasok sa iba ko pang subject dahil baka madagdagan nanaman ung kasalanan na ginawa ko kanina dahil sa bwcit na Flores na yon!



" Ano balak mo niyan? Lagot ka, for the first time may nangahas na magpatawag sayo sa guidance office. " wala naba silang alam gawin kundi asarin ako.



" Ibang klase din ung Flores na yon, kakapasok lang kanina sa atin bigla biglang nagbigay ng surprise quiz. Muntikan ng magbuhol buhol tong utak ko dahil sa sobrang hirap ng quiz na yon. Identification ba naman! " pagrereklamo naman ni Margarette.




" Well, okay lang naman. Ang ganda nga ni Mam kanina, parang nainspire ako mag aral ng mabuti. " singit naman nitong malanding si Zayn.




" Gunggong! Anong maganda sinasabi mo?! Oo maganda nga, pangit naman ugali! Nakakainis! Siya lang gumawa sakin non, humanda talaga siya sakin. " gigil na sagot ko sakanila.



Hanggang ngayon kasi hindi maipinta tong mukha ko dahil sa ginawa sakin ng Flores na yon. May araw din siya sakin, at kung mag eexpect siyang pupunta ako sa office. Ulol! Mamuti mata niya don kakahintay.



At eto na nga tumatawag na ung daddy ko, palagay ko nakarating na sakanya ung ginawa ko. Hindi ko iyon sinagot, kailangan ko mag isip ng palusot. Kailangan mapatalsik agad ung babaeng yon bago pa niya masira ung image ko.



" Hindi mo naman pala kaya si Mam eh. Hahaha! Tignan mo, mukang di naman siya takot sayo dahil pinunit niya ung test paper mo sa harap ng kaklase natin ng walang halong emosyon ung mukha. " pang aasar pa sakin ni Jameson.




" Duh! Wala akong pakialam sakanya, tignan niyo bukas wala na dito sa school iyang babaeng yan. " sabay irap ko.




" Talaga lang ha? Ano nanaman ipapalusot mo sa daddy mo niyan. " tanong ni Marga.



" Wala na kayong pakialam don, at saka bat ba nakasabit pa kayo sakin sa di pagpasok?! Alagad ko ba kayo ha?! " sigaw ko sakanila.



" Ikaw naman, ang harsh mo. Ikaw na nga lang tong dinadamayan sa pagkakapunit ng test paper mo eh. Ayaw mo pa! " lalong sumasakit ung ulo ko sa mga kaibigan kong to! Walanghiya sila! Tssk!



Padabog akong lumayas sa harapan nila at nagtungo sa parking lot.



Paalis na sana ako ng makita ko dito si Flores. Teka? Wala naba siyang klase.


Dali dali akong bumaba at nilapitan ito.



" Anong karapatan mo para pahiyain mo ako sa harapan ng mga kaklase ko?! " kumpronta ko pa sakanya. Kitang kita ko sa mukha nito ang pagkagulat ng makita niya ako sa harapan niya.



" You deserved what i did. Kung alam mo ang salitang respeto hindi ka mapapahiya ng ganon. " walang emosyon padin na sagot niya sa akin.



" Pagsisisihan mong binangga mo ako, ang kapal ng mukha mo para ipahiya ako sa mga kaklase ko. " galit na galit na talaga ako! Kung pwede ko lang siya sampalin ng paulit ulit, kanina ko pa ginawa.



" Wag kang umasang papasa sa akin yang ganyang attitude mo Lim. Umalis ka sa harapan ko, wala akong panahon makipag usap sa bastos na studyante. " bigla itong sumakay sa kotse at mabilis na umalis.



Naiwan ako ngayon na nakatayo dito sa parking. Damn that woman! Kulang nalang magpumiglas ako dito sa inis ko!



Makikita mo talaga ang hinahanap mong babae ka! Masyado kang matigas, pagsisisihan mo na kinalaban mo ako. Bullshit!



Umuwi na ako ng bahay, kailangan ko makausap ung tatay ko dahil ayoko ng maka encounter pa yung babaeng yon sa school!



Pero bahagya kong napagtanto. Kung papaalisin ko siya ng school ng ganon ganon nalang ay para nadin akong naging talunan dahil hindi manlang ako nakaganti dito.



Tama tama, kailangan kong gawin na mapaalis siya ng umiiyak para malaman niya kung sino binabangga niya. Hindi pwedeng basta basta siya aalis ng ganoon nalang.



" Anak, anong problema sa school? Pinatawag ka daw sa guidance office ni Miss Flores? Tell me what happened? " pag aalalang tanong sa akin ni Daddy.



Gaya ng sabi ko first time akong napatawag don sa kabila ng mga kalokohan na ginagawa ko sa school, ngayon lang nangyari ito dahil may nangahas na gusto akong kalabanin.


" Nothing dad. May hindi lang pagkaka intindihan sa lesson. But i can handle naman. " ngiti ko kay Dad para hindi na ito mag alala sa akin.




Napagtanto ko na hindi ko kailangan gamitin si Daddy para mapaalis siya. Ako ang magiging dahilan para mapatalsik siya sa school niya at sisiguraduhin kong magmamakaawa siya sa akin para manatili sa school na yon.




Hindi pupwedeng may basta basta nalang gaganoon sa akin. Simula palang ng pag tutuos nating dalawa Flores. Sisiguraduhin kong magiging impyerno ang buhay mo.

--
To be continued..

SEDUCING MY STRICT PROFESSOR ( GXG )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon