Chapter 43

710 16 14
                                    

Alayja Gail Flores

" Hindi na ako magpapaligoy ligoy, layuan mo ang anak ko. "  bungad sa akin ng tatay ni Beatrice. Nandito ako ngayon sa opisina niya. Dahil pinatawag ako nito. Hindi na ako magtataka nung pinatawag niya ako dahil alam ko na ang mangyayari.

Maraming haka haka at kwento ang nangyari para makarating ito sa head namin. Ang tatay ng taong mahal ko.



Ineexpect ko na mangyayari ito, at ito na nga.


" Kung mahal mo si Beatrice, hayaan mo na siya. Don't be stupid Miss Flores. Mahal ko ang anak ko kaya dapat ko siyang ilayo sa kagaya mo. " dugtong pa nito


" At mahal ko din po si Beatrice. " madiin kong sagot sakanya.



" Hahaha! You're so funny Miss Flores. Kung ipagpapatuloy niyo pa yang kalokohan niya madami ang mapeperwisyo. Aware ka naman siguro kung sino ang kaharap mo ngayon diba? Magkano ang kailangan mo para layuan mo ang anak ko. "



" Hindi ko kailangan ng pera niyo Mr. Lim, walang katumbas na halaga ang pagmamahal ko sakaniya. "



" Listen Miss Flores, hindi magagawang maging successful ng anak ko kung andiyan ka para sakanya. Halos mabaliw ang anak ko sa iyo, hindi siya makapag focus sa bagay bagay. It's for her own good kaya ko ito nagagawa. Alam ni Beatrice kung gaano ko siya kamahal at kataas ang expectations ko sakanya. Beatrice was smart, hindi ko lang alam kung bakit pagdating sayo nagiging stupida ang anak ko. Hindi ka nakakatulong sa progress niya patungo sa nakalaan para sakanyang buhay. "



" Kaya isa lang ang pakiusap ko sayo, magpakalayo layo kana habang hindi pa ako nakakagawa ng isang bagay na paniguradong ikakasira ng buhay mo. Kilala mo ako at kung ano ang pwede kong gawin. All the background i know ay gagamitin ko para lang maialis ka sa buhay ng anak ko. Gugustuhin mo bang maghirap kayo ng pamilya mo? Balita ko ay matanda na ang nanay mo. At yung kuya mo kakastart palang sa trabaho niya. "


" Huwag mo papakialamanan ang pamilya ko Mr. Lim, hindi sila kasali dito! " sigaw ko sakanya.



" Then, leave my daughter. I'm warning you Miss Flores. "



" Sige iiwanan ko ang anak mo, pero hindi ko maipapangako na kapag nagtagpo ulit landas namin ipaglalaban ko siya sayo. " madiin na sagot ko dito na halos ikatawa niya.



" Salamat naman at nagkakaintindihan na tayo, pinaayos ko na ung lilipatan niyo. Lahat lahat, magpakalayo layo kana at huwag na muling magpapakita pa. "

Eto ung huling pag uusap namin ng tatay ni Beatrice simula ng iniwan ko ito. Masakit para sa akin na iwanan siya pero ito lang ang natatanging kailangan kong gawin ngayon para sa ikakatahimik ng pamilya ko.


Alam ko kung ano ang pwedeng gawin ni Mr. Lim, kaya mas pinangunahan ako ng takot. Gustuhin ko man siyang ipaglaban, pero sino ba ako para banggain ang nag iisang Mr. Lim. Samantalang isa lang ako ordinaryong emplayado na minahal ang anak niya.



Apat na taon ang nakalipas pero walang araw na hindi ko namimiss ung makulit na batang yon. Lahat sakanya ay sobra akong nangungulila.


Kaya ngayong nakita ko siya dito sa boracay at nagtagpo ulit ung landas namin, sobrang saya ng puso ko.


Ung puso ko na parang namatay dahil sa pag iwan ko sakanya, tila bigla itong nabuhay para tumibok ulit. Walang ibang nakakagawa noon sakin kundi ung makulit na spoiled brat lang na yon.


Sinabi ko sakanya na huwag sasabihin sa tatay niya na nagkita na muli kami. Dahil wala pa akong lakas ng loob para ipaglaban siya sa mismong tatay niya.



Mukang successful na si Beatrice, and I'm so happy dahil tama nga ung tatay niya, na kapag nawala ako sakanya ay magiging successful ito.




" Dami mo namang iniisip Mam. " bawal sakin nitong katabi ko.



Nandito kami ngayon sa isang hotel, nagcheck in kami at nagsama nanaman kagabi sa isang gabi na puro kapusukan. Namiss ko ang lahat sakanya, at alam kong ganon din siya. Halos kasi ayaw ako tigilan nito para angkinin.



" Ung sinasabi ko Miss Lim. Huwag mo sasabihin sa tatay mo na nakita mo na ako. " pag uulit ko sakanya. Dahil kilala ko tong babaeng to, kahit tatay niya mismo ay napagsasalitaan niya ng di maganda.




" Oo naman mam. Don't worry, pero pwede ba nating ituloy ung pagmamahalan natin. " tanong nito.



" Hindi kita pinepressure Mam. Ayoko lang mawala kapa sa akin. Ipaglalaban kita sa matandang yon, hindi na ako papayag na may gawin siyang masama sayo. Huwag kalang ulit mawawala sa akin. " malungkot pang dugtong nito.



" Miss Lim, hindi ako nawala sayo. Naiwan din sayo ung puso ko. Walang araw na hindi kita minahal. " pag amin ko pa sakanya.





Hindi ko alam kung bakit umaamin ako dito ng nararamdaman ko, marahil ay sobra talaga akong nangulila dito. Masaya ako dahil nakasama ko siya ngayon. Ilang taon din ang tiniis ko.




" Promise me Mam, huwag mo na akong iiwan. At lumayo ka sa Von na yon! " sigaw niya. Hanggang ngayon ay galit na galit padin siya kay Von.





" Yes, pangako. And speaking of Von. Huwag kadin magpapakita doon. Lagot tayo sa tatay mo. Pero huwag kang mag alala. Paninindigan kita Beatrice. Panindigan na natin ito, mahal na mahal kita.  "



Hindi ko alam kung tama paba itong ginagawa kong ito na sundin ang nilalaman ng puso ko. Pero hindi ako nagsisisi na umamin ako sakanya at iparamdam ko dito ang pagmamahal ko , dahil marami akong pagkukulang niya.


Kung dati ay mas pinangunahan ako ng takot sa pwedeng gawin ng tatay niya. Ngayon ay nakahanda na ako sa pwedeng mangyari.


Paninindigan ko na ang pagmamahal ko para kay Beatrice. At wala ng makakapigil pa sa akin.

--

To be continued..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 05, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SEDUCING MY STRICT PROFESSOR ( GXG )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon