Alayja Gail Flores
Nagising ako sa mabigat na nakadagan sa bandang tagilidan ko. Maalala ko katabi ko nga pala ung sutil na studyante ko. Walang iba kundi itong Beatrice Lim na ito! Nakayakap din ito habang sarap na sarap ang tulog, inalis ko na agad ung binti niya na nakadantay sa akin. Napaka himbing ng tulog nito kaya hinayaan ko muna siya.
Bahagya ko itong tinitigan, maganda siya na may matangos na ilong. Sayang lang at masyadong kabaliktadan ang ugali nito sa kanyang kagandahan.
Napapailing ako habang naaalala ko ung mga kagaguhan na ginawa niya sa akin para lang mapaalis ako sa school na pag mamay ari ng pamilya niya.
Winar-ningan na ako ng mga co-professor ko about sa kung anong merong ugali itong babaeng to. Masyado siyang spoiled brat. Iilan na ding teacher ang umuuwing luhaan ng dahil sa kalokohan niya, pero ibahin niya ako. Hindi niya ako madadaan sa ganon.
Aaminin ko, na-aamazed ako kung minsan sa mga pagpapacute niya. Lalo kapag nag popout ito. Pero hindi ibig sabihin non madaan niya ako sa mga ganon niya. Imagine, sobrang demonyo niya at sutil nitong nakakaraang araw tapos ngayon biglang bait sakin. Kahit sino nagtataka.
Napapansin din iyon ng mga co-professor ko, sinabihan ako na mag iingat padin. Pero ayaw ako tantanan ng batang to! Kung saan ata ako ay lagi siyang nakasunod sakin para kulitin ako!
Dumating nga sa point na niligtas niya ako sa barumbadong sasakyan na yon, nag worry ako sakanya kahit pa ganon na nagkukunwari itong napilayan pero binulungan ako non ng nurse na wala naman talagang tama ang braso niya pero dahil sa ginawa niyang yon ay pinagbigyan ko ito sa isang dinner. Napaka kulit na bata! Ginawa pa akong yaya sa pagsubo sakanya! Lalo pa nung time na nakita ako nito sa mall, napaka awkward nun dahil pinakilala ako sa kuya niya. Jusko! At eto ang malala, sumakay sa compartment ng kotse ko para daw makasama sa akin umuwi. Halos atakihin ako ng marinig boses niya sa likuran ko, tapos sasabihin na liligawan daw niya ako! For Pete's sake!
Sumasakit ang ulo ko sa babaeng to, pinipilit ko siyang iignore pero ayaw akong tantanan! Nag ddoubt na ako sa pwede niyang gawin sa akin, pero kahit anong gawin niya di niya ako mapapaalis sa paaralan na un dahil wala akong ginagawang masama.
Oo strikto akong professor, pero gusto ko silang matuto. Ayokong darating ang araw na gumraduate sila at kumuha ng board exam ay wala silang natutunan sa akin. Para sakanila din ang ginagawa ko.
Kaya nga ako isa sa mga pinakakatakutan na professor doon dahil sa taglay kong ka striktuhan sa bawat klase na mahawakan ko.
Minsan nga sa bawat klase na pinapasukan ko napapansin ko na lahat sila at natetensyon. Pero lagi ko sinasabi sakanila na huwag silang matakot sa akin.
Napahaba na ang day dreem ko dito. Kaya lumabas na ako ng kwarto pagkatapos kong mag ayos ng sarili dahil andito pala ang kuya ko. Miss na miss ko na siya.
" Oh kamusta ang pinaka mamahal kong kapatid? " bati niya sa akin. Halos magkasabay pa kaming lumabas ng kwarto. Mag alas siete na pala ng umaga.
" Okay lang naman kuya. " bati ko sakanya saka ko ito yumakap.
Apat kaming magkakapatid, ung dalawa ko pang kuya ay nasa amerika na at doon nagtatrabaho bilang mga nurse. Kami naman ng kuya ko ang naiwan dito para may makasama si nanay. Maaga kasing kinuha ni lord si tatay. Engineer naman itong si Kuya Gab.
" Oh mga anak, gising na pala kayo. Asan pala Ja ung studyante mo? " tanong ni nanay
" Asa room pa Nay. Hindi ko na muna ginising dahil masarap pa ang tulog. " paliwanag ko
" Owwww. Chicks ba yang student mo Ja? Pwede ba ako makipagkilala. " ngisi nitong babaero kong kuya.
" Kuya, huwag mo ng subukan dahil iba ugali non. " busangot ko.
" Naku anak, ang cute cute nga ng batang yon. Ang bait pa. " napaikot mata ko sa sinabi ni Nanay.
Kung alam lang nila kung gaano ako pinahirapan ng babaeng yon. Tssk!
" Omg. What's that smell? Ay, hello po. Magandang umaga po sa inyo. " inirapan ko lang ito. Pakitang tao talaga kahit kailan tong Lim na to!
" Magandang umaga miss? " tanong ni Kuya. Itong kuya ko talaga napaka babaero.
" Oh hi po. I'm Beatrice Lim. " ngisi naman ng demonyo
" Oh hi Beatrice. I'm Gab. Kuya nitong si Ja. Nice to meet you, halika na mag breakfast na tayo. " aya nito kay demonyita.
Tahimik lang naman akong kumakain habang yung demonyita mabilis nakagaanan ng loob ung pamilya ko. Napaka daldal grabe, kaya ung dalawa naman tuwang tuwa. Lalo na ung nanay ko na halos napapahawak na sa tyan sa kakatawa.
" Nanay! Alam mo po bang ang ganda ng smile mo? " bola ni Lim sa nanay kong tuwang tuwa.
" Naku, salamat anak. " at kailan pa naging mag-ina itong dalawang ito? Hmmmm!
Napansin kong kanina pa may kumakatok sa pinto kaya pinagpasyahan kong ako na magbukas tutal lahat naman sila ay busy kakakwentuhan.
" Hi sweetheart. " Bati sa akin ni Von.
Ang boyfriend ko.
--
To be continued..
BINABASA MO ANG
SEDUCING MY STRICT PROFESSOR ( GXG )
RomanceWalang taong mananatiling bato ang puso kapag tinamaan at makaramdam ng spesyal na pagmamahal. Magiging madali kaya kay Beatrice na mapalambot ang puso ng isang taong manhid pa sa manhid? Abangan.