Beatrice Lim
" Hinay hinay naman Beatrice. " bawal sakin ng mga kaibigan ko.
Well, sila naman lagi kasama ko mapasaya at lungkot ang buhay ko. Pati nadin itong alak, lagi ko na din kadamay.
Hindi ko na alam ang gagawin ko sa tatay ko. Pati ako pinaghihigpitan niya na din, lintek kasing Von na yon. Ang lakas ng loob para kalabanin ko. Ayokong mapahamak si Alayja sa mga pinaplano ng sarili kong ama. Dahil gaya nadin ng sinabi ko, hindi ko kakayanin na masaktan siya nito. Tuso pa sa tuso ko ung tatay ko na un, hindi pwedeng hindi niya makuha ang gusto niya. Well, sakanya ako nagmana talaga ng katigasan ng ulo.
After ng pag uusap naming dalawa, hindi na ako pumasok sa subject ko kahit may exam na dahil iniisip ko padin si Flores. Mas iniisip ko siya kesa sa pansarili kong takot, ganon ako kabaliw sakanya. Kahit wala kaming label, gusto ko siyang ingatan sa mga gagawin ng sarili kong ama. Dahil unang una, ako naman din ang may kasalanan kung bakit napalapit siya sa akin. Ako ang nainlove sa babaeng kinamuhian ko nung umpisa. Kaya kailangan ako din ang umayos nito.
Hindi ko gusto na layuan si Flores. Pero dahil matigas ang ulo, gagawa nalang siguro ako ng way para makasama siya. Pero hindi na madalas mangyayari iyon dahil I'm sure na doble higpit na sa kin ng tatay ko. Kailangan ko ulit makuha ang tiwala niya, for now kailangan ko magpakabait ulit.
Binalewala ko lahat ng galit ng tatay ko para sa babaeng yon. Ganon ko siya kamahal to the point na dapat ay nakipagmatigasan ako kay Daddy, ngunit ng pagbantaan ako nito na may di siya magandang gagawin kay Flores ay umurong ang pride ko.
" So ano susunod mong plano? " tanong sa akin ni Marga.
Sinabi ko na din sakanila ung pag uusap namin kanina ng tatay ko. About sa pagbabanta niya sa akin.
" I don't know. I thought na tuloy tuloy na ung saya na nararamdaman ko. Siguro kahit bugbugin pako ng paulit ulit ng tatay ko ay mangingiti padin ako bastat kasama ko si Flores. " seryosong sagot ko sakanila.
" Nababaliw kana. " wika naman ni Jameson.
" Am i crazy? Dahil sa nararamdaman kong ito? I'm so disappointed sa sarili ko, dahil kapag may nangyaring di maganda kay Flores, isa lang ang sisisihin ko. Kundi ang sarili ko. Ayokong masaktan siya. I know wala kaming label, pero hindi ko kakayanin. " sagot ko sakanila.
" I know na nagmahal kalang. Pero isipin mo din kung tama ba yang pagmamahal na yan. Samin walang problema na mahalin mo si Flores kahit na minsan pinagbabawalan ka namin, naiintindihan ka namin Bea. Pero ibahin mo si Tito, kung samin nasusuway mo kami. Panigurado sakanya isang maling gawin mo lang, alam mo na ang mangyayari. " paliwanag ni Zayn.
" Sige na aalis na ako. Salamat sa time. " sabay walk out ko sakanila.
Ayoko na munang marinig lahat ng problema tungkol doon. Ang gusto kong gawin ngayon ay makita si Flores dahil miss na miss ko na siya, gusto ko itong makausap.
Nagtungo ako agad rito sa bahay nila. As always, nakailang katok nako ng pinto. Palagay ko'y tulog na ung nanay namin. Pero sure ako gising pa si Flores dahil kita ko bukas pa ung ilaw sa kwarto niya.
" Oh, Miss Lim. Ano problema? Gabing gabi na. " bungad nito pagkabukas ng pinto. Agad naman akong naglakad patungo sa kwarto niya at nahiga.
Pagod na pagod ngayon ung isip ko kakaintindi ng nangyari kanina. Masaya na sana ako kanina pero napalitan lahat ng saya, kapalit ng sakit dahil sa mga pagbabanta sa akin ng tatay ko. Idagdag mo pa ung pagkalasing ko. Nahihilo ako dahil medyo naparami ang inom namin kanina.
" You're drunk Miss Lim. Delikado na nagdadrive kapa pag ganyang nakainom ka. " pagaalala sakin ni Flores.
" Mam, namiss kita. " ngiti ko sakanya ngumiti lang din ito sa kin habang nakatingin sa mga mata ko.
Tila nalulusaw nanaman ang puso ko.
" Namiss din kita Beatrice. " sabay halik niya sa pisngi ko.
Wow! Ang sweet naman ata ni Flores ngayon? Mukang goodmood siya ngayon ha?
Para tuloy lalo akong nalasing sa halik niyang yon. Kinilig ako! Ano ba! Hahaha!
Mabilis talagang nagbabago ang mood ko pagdating dito sa babaeng to. Nagagawa niyang pakalmahin ung puso ko.
" Mam, may sasabihin ako. Pero wag kang magagalit ha? " kinakabahan kong sabi sakanya. Hindi ko alam kung tama itong gagawin ko, pero ito lang ung way ko para maparamdam sakanya kung gaano siya kaimportante sa akin.
" Mam, i think I'm inlove. " ngisi ko sakanya.
" Sayo Mam. " dugtong ko pa. Bahagya itong natahimik at ngumiti sa akin.
" Hindi ko alam mam kung paano nangyari iyon na mahulog ako sayo, gaya nga ng sabi ko before. Gusto lang kita durugin sa pagpapahiya mo sa akin, pero ung puso ko unting unting lumambot sayo. Dumating ung time na, kapag nasasaktan ka para akong dinudurog. Kapag naman kasama kita, sobrang saya ko. Weird noh mam? I'm inlove to my strict professor. Hirap pigilan eh. Sorry ha? Hindi ko sinasadya na mahalin ka. Hindi ko naman hinihiling na mahalin mo ako. Pero okay lang mam, naiintindihan ko naman. Pero mam, mangako ka sa akin. Kahit anong mangyari, tanggapin mo man o hindi ung pagmamahal ko, walang magbabago ha? Wag mo akong iiwanan. " ngiti ko pa. Kinakabahan ako sa magiging sagot niya. Pero atleast naging matapang akong sabihin sakanya ung tunay kong nararamdaman.
" Beatrice, mahal din kita. "
--
To be continued..
BINABASA MO ANG
SEDUCING MY STRICT PROFESSOR ( GXG )
RomanceWalang taong mananatiling bato ang puso kapag tinamaan at makaramdam ng spesyal na pagmamahal. Magiging madali kaya kay Beatrice na mapalambot ang puso ng isang taong manhid pa sa manhid? Abangan.