Beatrice Lim
That's the first worst thing happened in my entire life. Way back 4 years ago. I suffered depression simula ng biglang mawala si Flores ng hindi ko alam ang dahilan.
Buong akala ko ay totoo ung sinabi niyang mahal niya din ako nung gabing nagtapat ako ng pagmamahal ko sakanya. Ako na ang pinakamasayang tao nung araw na yon dahil sino ba ang hindi magiging masaya kapag umamin din sayo ung taong mahal mo na mahal ka din niya diba? Pero nagkamali ako.
Apat na taon na ngayon simula ng maglaho ng parang bula si Flores. I've never heard anything about her. Sinubukan kong hanapin siya, pero wala akong napala. Dumating sa point na inaway ko ung sarili kong ama dahil alam kong siya lang ang makakagawa nito, pero bandang huli ako padin ang talo dahil wala akong matibay na ebidensiya.
Simula ng araw na yon, nagbago na ang sarili ko. Hindi ko alam kung ako paba to. Siya ang pinaka worst heartbreak ko. Siya lang ung nagpasaya at nakadurog ng puso ko. Buong akala ko mahal niya din ako, pero nun pala akala lang pala ang lahat.
Nakagraduate na ako sa school namin, buong akala ko ay hindi ako makakatapos dahil nadin sa hindi ko pagpasok ng school nuong panahon na sobrang down na down ako sa sarili ko. Imagine, ikaw ba naman ung iwanan ng taong mahal mo ng walang pasabi sayo matapos siyang magconfess na mahal ka din niya. Para akong baliw non na iyak ng iyak at mukmok ng mukmok. Mismong family ko hindi ako makausap ng maayos, pati mga kaibigan ko wala silang magawa para pakalmahin ako. Dumating ung araw na narealized ko na hindi pa natatapos ang araw para sa akin. Kailangan ko bumangon at ibangon ulit ung sarili ko sa sakit na naramdaman ko, dahil ako ang may kasalanan non.
Iniisip ko na kung hindi kaya ako nagconfess kay Flores ay hindi ito aalis ng walang pasabi? Baka manatili pa siya sa akin. Baka makasama ko pa siya ng matagal. Pero mali ako, wrong moved ung ginawa ko.
Since na nangyari yon, sinarado ko na din ang puso ko sa ibang tao. Wala akong inintertain na iba, dahil kahit wala na si Flores. Tila naiwan padin sakanya ung puso ko.
Hindi na ako umaasa na babalik pa siya, ayokong mag expect dahil hanggang ngayon nandito padin ung sakit na nararamdaman ko sa tuwing maaalala ko ung good memories naming dalawa.
Well, ngayon ay okay na kami ng family ko. I'm the CEO of our company. Madalas akong tutok sa trabaho, dito ko ginugugol ang oras ko. Wala na din akong time na makipag usap sa mga kaibigan ko dahil ang daily routine ko ay pumasok ng opisina at umuwi lang para matulog. Nagpupunta lang sila dito para icheck ako kung okay daw ba ako. Damn! Muka padin bang hindi pa ako totally moved on until now? Maybe they're right. I guess, but i can hide naman my feelings.
Yung kuya ko ay hindi padin tanggap ni Daddy hanggang ngayon. Naglayas na siya sa bahay dahil hindi na niya kaya ang pagbabanta sakanya ng tatay ko. Sana ay ganon ako katapang sa kuya ko para kalabanin niya si Daddy para sa pagmamahal. Un ang di ko nagawa nung mga panahon na kasama ko si Flores. Mas pinangunahan ako ng takot.
" Ano bang klaseng trabaho ang ginagawa niyo?! Sayang lang ang binabayad sa inyo kung ganyan lang ang ipapakita niyong presentation sa akin! Get out! " pagpapalayas ko sa mga trabahador. Damn! Hindi sila binayaran para ipresent sa akin itong walang kakwenta kwentang bagay sa harap ko!
Mataas ang expectations ko sa mga trabahador ko. Lahat naman sila kinakatakutan ako, aba dapat lang! Hindi pupwede na hayaan nalang sila sa mga maling ginagawa nila. Nakakastress!
" Calm down Beatrice. Masyado mong tinatakot ung mga employees natin. " bawal sakin ni Daddy.
" Hindi sila matututo kung ganyan lagi ang gagawin nila. " singhal ko pa.
" I'm so proud of you my little princess. Maayos mong napapaunlad itong business natin. Hindi ako nagkamali na ikaw ang pinagkatiwalaan ko sa negosyo natin. But, bakit hindi ka muna magrest? Don't stress yourself too much. I'm worried, mag unwind ka naman. "
" No need Daddy. I can manage my own life. I'm just helping you. " tugon ko sakanya. Hanggang ngayon malayo padin ang loob ko sakanya, pero wala akong magagawa. Tatay ko padin siya kahit ano ang mangyari.
" Okay my princess. But don't be stress. Baka tumanda kang dalaga niyan. Anyway, I have to go. Bye Beatrice. " sabay halik nito sa pisngi ko at tuluyan ng lumabas dito sa opisina.
Habang ako naman, eto abala padin sa pag analyze ng mga ginawa ng walang kwenta kong mga empleyado. Kahit na perfect na yon kay Daddy. Sakin hindi padin pasado, ewan ko ba kung naging perfectionist na ako at ayokong may makitang kahit isang mali.
" Hey Beatrice. Punta kami diyan, guluhin muna namin mundo mo. See you! " biglang text sa akin ng kaibigan kong si Zayn.
As always, eto nanaman ang mga magagaling kong kaibigan. Kapag bored sila sa buhay nila, pupuntahan nila ako para guluhin dito sa opisina.
--
To be continued..
BINABASA MO ANG
SEDUCING MY STRICT PROFESSOR ( GXG )
RomanceWalang taong mananatiling bato ang puso kapag tinamaan at makaramdam ng spesyal na pagmamahal. Magiging madali kaya kay Beatrice na mapalambot ang puso ng isang taong manhid pa sa manhid? Abangan.