Chapter 27

190 7 3
                                    

Beatrice Lim

Natapos ang isang linggo pero hindi padin ako pumapasok ng school. Tinuon ko muna ung atensyon ko sa family ko, dahil kailangan ko bumawi sakanila. This past few weeks kasi busy ang atensyon ko kay Flores. Kaya hindi ko na sila madalas napapansin. Actually sa ilang araw na yon nakapag decide kaming mag out of the country ng pamilya ko. Galing kaming singapore, wala namang problema sa pagpasok ko dahil kayang kaya akong i-excuse ng daddy ko. Remember kami ang may ari ng school na yon. And beside, nagdahilan nalang ako sa family ko na nasstress ako sa pag aaral kaya dali dali after ng tagaytay namin ng kuya ko ay nagbook agad sila ng flight para daw mag unwind kaming pamilya. Buti at nasaktong hindi busy sila daddy and mommy sa araw ng pagka broken ko. Hahaha!



Medyo okay naman ako ngayon, hindi ko na masyadong iniisip pa ung kay Flores. Dahil ayokong ipressure ung sarili ko sa isang bagay na wala namang kasiguraduhan. Hayaan ko nalang ung tadhanang gumawa ng para sa aming dalawa.


Actually, kasama ko din si Gladwin nung nasa SG kami. Ewan ba kay Daddy kung bakit sinama siya. Well, family friend din kasi nila ang magulang nito. Pero we're good naman as a bestfriend. Madami ding memories doon sa SG. Imagine nagwalwal kaming tatlo nila kuya ng nakaharap sila Mommy and Daddy. Ang ending kinabukasan ay lintek na galit ang inabot naming tatlo. Hahaha, marami din kaming pictures na palagay ko'y inupload na nila Mom and Dad. Ung dalawang yon ay nahilig na din sa social media. Mainam na din un para nakekeep na din ung mga memories namin katulad nitong pagtravel namin sa ibang bansa.



Naalala ko exam week na pala ngayon kaya kailangan ko ng pumasok. Panigurado ay miss na miss na ako ng mga kaibigan ko. Hindi ko kasi sila narereplyan buhat nung huling pag uusap namin nung gabing sobrang devastated ko.




" Wiw! Beatrice! " sigaw ng mga kaibigan ko sabay yakap sa akin. Papasok palang ako ng gate ay nakaabang na ang mga ito. Sinabihan ko na kasi sila na papasok na ako ngayon.


" Hoy, makayakap naman kayo para kayong mga linta! " sabay tawa ko sakanila.


" Namiss ka namin gago ka! Bat ang tagal mo di nagparamdam sa amin? " tanong ni Zayn.




" Ah okay. Gets ko na. " dugtong pa nito kasi sinamaan siya ng tingin ng dalawa. Hahaha!



" Don't worry guy's I'm okay. " ngiti ko sakanila at nagpunta na kami sa classroom.


Masayang masaya tong mga hinayupak nung binigay ko ung mga pasalubong ko sakanila. Puro souvenirs and chocolates galing SG.



" Thankyouuuu! " sigaw pa nila na tila tuwang tuwa sa mga pasalubong ko. Hays! Itong mga ito talaga parang mga bata. Pero honestly, namiss ko ang kakulitan nila.



Agad namang nagsi-upuan ung mga kaklase ko, pero gaya ng dati nanatili padin ako dito sa upuan katabi itong mga kaibigan ko. Alam kong si Flores na ung padating pero wala na akong pakialam kahit magalit pa siya sa akin. Ayoko munang umupo sa harapan, baka hindi ko nanaman mapigilan ang sarili ko.


Bahagya kaming nagkatitigang dalawa, pero ako agad ang unang umiwas sakanya. Hindi ko kayang tignan ng matagal iyong mga matang yon. Nakakatakot ang awra niya ngayon. Exam namin sakanya, palagay ko'y anumang oras ay pwede niyang punitin ang testpaper ng gagawa ng ingay sa loob ng room na ito. Pero hindi naman ako natatakot.

Nagtataka ako at hindi niya ako pinalipat sa mismong upuan ko. Pero mainam na din yon. Ayoko muna siyang makausap.

" Get one and pass. " malamig na tugon niya.




Tahimik lang akong nagsasagot, mabilis ko itong sinagutan at pinass sa harapan niya ung test paper ko ng hindi ito tinitignan manlang.


Napaka kupad sumagot ng mga kaibigan ko, minsan ay kumakalabit pa ang mga ito. Dahil mabait ako ngayon ay lihim ko silang tinuturan sa mga sagot.



Mabilis natapos ang exam namin. Pero tahimik lang din naman ako, hinihintay ko nalang matapos itong klase. At ayun na nga, tapos na ang time ng klase namin kay Flores. Mabilis kong inaya sa labas itong mga kaibigan habang masaya kaming nagkukwentuhan. Dinaanan ko lang si Flores sa table niya habang nag aayos ng mga test paper namin. Inaya ko na ang mga kaibigan ko sa cafeteria dahil feeling ko nagugutom nanaman ako. Tutal ay wala naman na kaming exam. By schedule kasi ang bawat subject namin for the exam para makapag review pa ang mga studyante sa bawat subject. Ngayong araw ay kay Flores lang exam namin. 



" Beatrice. " sigaw ng isang lalake sa likuran ko. Hindi ako nagkakamali na si Gladwin iyon. Napatingin din ang mga kaibigan ko sa likuran ko.


" Oh hi. " ngiti ko sakanya sabay beso dito. Ganito na talaga kaming dalawa.


" May klase kapa? Tara lumabas? " aya nito sa akin.


" Anyway guys, I'm Gladwin. Nice to meet you. " sabay nakipag kamay ito sa mga kaibigan ko. Napaka pormal niya talaga.


" Oh hi Gladwin. I'm, Margarette. But you can call me babe if you want. " malandi talaga tong kaibigan ko na ito. Napakamot nalang itong si Gladwin sa sinabi ng kaibigan ko na yon.


" Osige pre. Maiwan na namin kayo, tara na guys. Have fun! " sabay kindat sakin ni Zayn at Jameson. Alam ko na ang ibig nilang sabihin kaya ngumiti nalamg din ako sakanila. Samantalang si Marga nakabusangot habang hila hila siya nila Zayn. Hahaha!



" So tara na? San mo gusto? " ngiti niya sa akin. Siguro ay kung inlove pa ako dito, kinilig na ako ng sobra sakanya. Dahil sobrang gwapo niya, head turner din siya pagdating sa mga babae. Isama mo pa ung machong katawan niya. Hahaha!


" Kahit saan, basta kasama ka. " pagbibiro sakanya. Namula naman ito sa sinabi ko. Hahaha!


Nandito na kami sa parking lot, feeling ko may nakatingin sa amin. Well, hindi ko na pinansin pa iyon dahil panigurado issue nanaman sakanila ito.


Holding hands kasi kaming dalawa habang naglalakad. Ganito na kaming dalawa, nasanay na kami sa ganito. Kaya nga ako nahulog dati dito kay Gladwin dahil masyadong napaka gentleman. Hehehe


Nagulat nalang ako ng may biglang humila sa braso ko palayo kay Gladwin.



" Let's talk. "

--

To be continued.

SEDUCING MY STRICT PROFESSOR ( GXG )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon