Beatrice Lim
Mabilis natapos ang camping namin. Kung akala ko ay hindi ako mag eenjoy, nun pala ay nagkakamali ako. Dahil kulang ang tatlong araw para makasama at makabonding ko si Flores.
Lagi ko na ulit siyang kinukulit at lagi ko na itong napapangiti. Masaya ako kapag nagagawa ko iyon, dahil pakiramdam ko na achievements na mapangiti itong strikto naming professor.
Debale na, pwede naman ako maglabad masok sa bahay nila para makasama ito pagkatapos sa school. Ayoko nga sana ma-attach ang puso ko sakanya, pero kusa itong gumagawa ng way para mapalapit lalo sakaniya.
Sobrang saya sa tatlong araw na yon, pakiramdam ko ilang taon ang nagdaan. Kaya lagi din ako niloloko ng mga kaibigan ko na non lang daw nila ako nakitang ganoon kasaya. Kaso mag iingat daw ako dahil taken itong guro na lihim kong minamahal.
Pero wala akong pakialam pa doon, may masama akong kutob sa boyfriend niyang kupal. Gusto ko sana itanong kung kamusta na sila, dahil wala na akong naging balita nuong last na naka encounter ko ito. Pero nahihiya naman ako, baka isipin nanaman niya nangingialam ako sa relasyon nila.
Nag offer ako na ihatid si Flores dahil hindi nito dala ang kotse niya bago kami pumunta sa camping noon. Umuo naman siya sakin kaya napangiti nalang ako. Pero dumaan muna ako sa coffee shop para bilhan ito ng kape.
Ilang oras din ang naging byahe namin pagdating sa bahay nila dahil sobrang traffic.
Napakunot ang noo ko ng nakita ko kung sino ang andito sa bahay nila.
Walang iba kundi ung hayop na boyfriend niya. Sinamaan ako ng tingin nito habang papalapit kay Flores pagkatapos ay hinalikan ito sa labi.
Lihim akong nasaktan sa nakita ko, napayukom pa ako ng kamay. Pero kailangan kong tanggapin iyon dahil hindi ko naman siya pag mamay-ari. Kundi pag mamay-ari nitong walang modong Von nato.
" Hi sweetheart, kamusta ang lakad niyo? Oh, andito pala ang pakialamera. " sabay tingin nito ng nakakamatay.
Pansin ko wala pala dito ang nanay namin kaya ganito nalang ako pagsalitaan ng demonyo. Kaya pala lumalabas ang sungay, tsssk!
" Pwede ba Von, pagod ako. Halika Miss Lim. Pasok ka. " nginitian ko lang ito sabay ngisi kay Von ng nakakaloko.
Buti nga sakanya! Hahaha!
Iniwan kaming dalawa ni Von dito sa sala dahil maglilinis daw muna siya ng katawan. Balak ko din dito matulog.
" Hanggang kailan kaba mag mumukang kawawa kakasunod sa gf ko? " pagputol niya sa katahimikan
" Wala kang pakialam sa mga ginagawa ko. Eh ano naman ngayon kung nakasunod ako lagi sa gf mo? Ayaw mo non nababantayan ko siya sa kagaya mong walang modo. "
" Hahaha! Nagpapatawa ka Beatrice. Tapatin mo nga ako, may gusto kaba sa gf ko? " sakrastikong tanong nito.
" Oo may gusto ako kay Mam. "
" Damn! Naririnig mo ba yang sinasabi mong babae ka? Ano kaba tomboy?! Wag mo idamay si Gail sa pagkatombiy mo. Dahil, hindi siya papatol sa kagaya mong salot! " sigaw niya sa akin. Ngunit hindi ako nagpakatinag
" Mas mainam ng ako ang magmahal sakaniya, kesa ipagpatuloy niyo yang relasyon niyo dahil hindi worth it na mahalin ang katulad mong walang modo! " sigaw ko din sakanya. Kung akala niya ay matatakot niya ako sa sinasabi niya, pwes! Hindi niya pa ako kilala! Wala akong kinatatakutan!
" Alam mo miss, kahit bali-baliktadin man natin ung sitwasyon. Babae ay para sa lalake, at alam kong hindi ka papatulan ni Gail. Dahil tignan mo nga ang sarili mo? Hindi ko maimagine na papatulan ka ng gf ko. Sa isang katulad mong babae din. Dahil, unang una kahihiyan ang aabutin niya galing sayo. At huli, studyante ka niya. Maraming mawawala sakaniya. Kaya kung ako sayo itigil mo na yang kalokohan mo, hahahaha! Natutuwa ako sa sinasabi mo. Isang malaking kalokohan. " ngisi nitong demonyo
Agad naman akong sinampal ng katotohanan, napayukom ako ng kamay sa sinabi niyang iyon pero hindi iyon sapat na dahilan para magpasindak ako sakanya.
" Von, kung akala mo matatakot ako sa mga sinasabi mo. Baka nakakalimutan mo kung sino tong kaharap mo ngayon. Mawala man sakaniya lahat kapag ako napili niya, kaya ko un ibalik at palitan ng mas maayos pa. Eh sayo ano mapapala niya? Ano nga ba ang meron ka? Yang dick lang naman pinag mamalaki mo. Tandaan mo yang pera mo wala pa yan sa ultimong perang meron ako. At kung may salot man dito, ikaw yon. Palamunin kapadin ng magulang mo diba? Wag mo na alamin kung bakit napa back ground check kita. Dahil marami akong pera. Hahaha! " sabay tawa ko dito ng bigla nalang akong lumagapak sa sahig.
Shit! Nasapak na pala ako ng hayop nato, parang nabingi ako sa pagkakasapak niyang iyon. Pansin ko din ang pagdugo ng ilong ko.
Agad akong tumayo pero hindi ako gumanti sakanya.
Nakita kong palapit na dito si Flores para tulungan akong bumangon pero tinabig ko lang siya.
" Yang boyfriend mo, walang modo. Palibhasa sa skwater lang nakatira at nakikihiram lang ng sasakyan pang date niyo. " pang iinis ko pa dito.
Akmang hahablutin ako nito
" Ano ba Von! Pwede ba tama na! Tama bang saktan mo tong studyante ko?! Kalalake mong tao, mananapak ka ng babae?! Seriously Von?! Please leave! Umalis kana! At wag ka muna magpapakita pa sa akin! " galit na sigaw ni Flores sa bf niya.
Lihim ko itong nginisian bago ito naglakad palayo at palabas ng pinto.
Agad namang kumuha si Flores ng first aid kit para gamutin itong ilong ko.
" Ano ba naman yan Miss Lim, naligo lang ako ganito na madadatnan ko sa inyo. Teka gagamutin ko muna yang sugat mo. "
Hindi ko iniinda itong sakit na natamo ko sa hayop na Von na yon dahil titig na titig ako ngayon sa taong gumagamot sa akin.
Iniisip ko ngayon ang sinabi ng Von na yon. Na hindi ako magugustuhan ni Flores dahil babae din ako, lihim akong nasaktan habang inaalala ko lahat ng sinabi niyang iyon. Pero hindi ako nawawalan ng pag asa. Hindi ko hinihingi na mahalin din ako ni Alayja, ang tanging kailangan ko lang gawin ngayon ay protektahan siya sa hayop na lalakeng un.
--
To be continued..
BINABASA MO ANG
SEDUCING MY STRICT PROFESSOR ( GXG )
RomanceWalang taong mananatiling bato ang puso kapag tinamaan at makaramdam ng spesyal na pagmamahal. Magiging madali kaya kay Beatrice na mapalambot ang puso ng isang taong manhid pa sa manhid? Abangan.