Beatrice Lim
Kating kati na ung kamay ko, dahil kanina ko pa hinihintay ung bwcit na Flores na yon para inisin lalo. Bat ba ang tagal niya?! Late na kung pumasok. Walang kwentang teacher.
" Oh, ano balak mo ngayon kay Miss Flores. Mukang hindi mo naman siya kaya Bea. Tanggapin mo nalang ung pagkatalo mo. " pang iinis sakin ni Zayn.
" Manuod nalang kayo sa gagawin ko. " ngisi ko sakanila.
Hindi lingid sa kaalaman nila na nilagyan ko ng glue ung upuan sa harap para pag naupo ung babaeng yon hindi na niya gugustuhin pang tumayo! Hahaha! Bright idea!
Dahan dahan akong ngumiti ng makita kong pumasok tong demonyo sa klase namin. Dito na ako umupo sa mismong upuan ko, para makita ng malapitan ang reaksyon niya once na umupo dito. Hahahaha!
Lihim akong natatawa ng tuluyan na siyang nakaupo habang nagccheck ng attendance.
" Oh miss Lim. Himala at andiyan kana sa upuan mo. " wala pading emosyon na puna niya sa akin ngunit nginitian ko lang siya.
Bahagyang tatayo na sana siya, pero hindi niya maalis ang pwet niya sa upuan! Hahahaha! Lihim akong natatawa sa isip isip ko. Pero syempre, di ako nagpahalata.
" Shit! " narinig kong mura niya.
Tumingin ako sa likuran ng mga kaibigan ko, takang tingin ang binigay nila sa akin at syempre ngiting sagad ang binigay ko sakanila.
" Who did this?! " sigaw ng professor namin. HAHAHAHA!
Bakas sakanya ang pagka irita, ung pisngi nito pulang pula sa sobrang galit dahil pilit niyang inaalis ung upuan sa pwet niya ngunit ayaw nito humiwalay.
Pansin kong nagsitayuan ang mga kaklase ko para tulungan siyang tanggalin iyon, habang ako naman patay malisya na kunwari ay nagsusulat ng notes.
Pagsulyap ko, nakita kong natanggap na ung upuan sa pwet niya. Ngunit ung ibang tela ay naiwan dito. Hahahaha! Ibig kong humagalpak ng tawa ngayon sa reaksyon ng mukha niya na akala mo ay anumang oras sasabog sa oras na ito. Hahaha!
Nagsulat lang ako ng nagsulat.
Nagulat nalang ako pagharap ko nakapatong ung dalawang kamay niya sa side table ko at nakatapat ung muka niya sa muka ko. Agad akong napalunok, medyo kinabahan ako dahil kunting kunti nalang ay magdidikit na ang labi natin.
" Hindi ka mananalo sakin Miss Lim. Hindi mo ako masisindak sa mga ginagawa mo. At sinisiguro ko sayo na babagsak ka sa subject na to. Okay class, lesson for today.. " hindi ko na napakinggan ung sunod sunod na sinabi niya.
Tila nablangko ako sa amoy ng hininga niya na sobrang bango. Kung paano niya din titigan ang mga mata ko na may pagbabanta. Tila natahimik ako sa ginawa niyang yon, dahil kitang kita ko ang ganda nito sa malapitan.
Erase! Erase!
Bakit ganon?! Parang wala lang sakanya tong ginagawa kong pagpapahirap sakanya. Nakuha pa niya akong takutin na ibagsak! Damn! Pwes, hindi din ako natatakot sakanya! Magtiis ka sa araw araw na gagawin ko sayo Miss Flores. Hindi pa dito natatapos ang lahat!
Makalipas ang ilang linggo, ngunit patuloy padin ang pagpapahirap ko kay Flores. Andon ung kung ano ano nilalagay ko sa upuan niya, may time pa na may binayaran akong studyante para kunware ay aksidente itong mabato ng bola sa ulo ngunit tila hindi ito natitinag sa pag papahirap ko sakanya. Damn that woman! Nauubos ang pasensiya ko sakanya! Bakit walang effect sakanya ung ginagawa ko!
" Ano Bea? Suko kana? Dimo naman pala kaya si Mam! Hahaha! Lahat na ginawa mo pero hindi ko manlang siya nakitaan ng pagsuko. Mukang nakahanap kana talaga ng katapat ah. " pang iinis sakin ni Zayn.
Araw araw ganito naririnig ko sakanila, mga walang kwenta. Kung bakit kasi ayaw nila ako tulungan para mapabilis ung plano ko! Palibhasa mga takot din to sa walang kwentang professor na un!
" Bakit hindi mo nalang siya i-seduce Bea? Kung talagang malakas ka. Magpakabait ka sakanya tapos paibigin mo siya, ligawan mo ganon. At kapag nahulog siya sayo, for sure mabo-broken un kapag iniwan mo. Baka dun mo palang siya mapalayas sa gagawin mong yon. " ngisi sakin ni Jameson.
Bahagya akong napaisip sa sinabi niyang yon. Well, maganda naman ako. Malakas karisma ko. Oo tama siya! Hindi ko siya nadadaan sa demonyo kong ugali! Baka sa mabait kong ugali umeffect lahat ng plano ko.
Nangiti ako sa suggestions niyang yon. Pero pano ko naman gagawin ung bagay na yon? Eh wala pa naman akong nakarelasyon! Atsaka, damn! Bat ko liligawan yon. Naasiwa nga ako sa pagmumuka niya tuwing nakikita ko siya sa klase.
Masyado siyang mahirap sindakin. Baka tama si Jameson, kapag nafall siya sa akin at na-broken baka dun palang ako makaganti sa ginawa niya sakin.
Tama! Tama! Nabuhayan ako ng pag asa. Simula bukas sisimulan ko na ung plano kong iyon!
May silbi din pala itong mga kaibigan ko, kala ko puro lang sila pang aasar sa akin.
Ngayon Flores, maghintay ka. Papaikutin kita sa mga palad ko. Hanggang sa mag-makaawa ka sakin para mahalin ko! Damn you!
--
To be continued..
BINABASA MO ANG
SEDUCING MY STRICT PROFESSOR ( GXG )
RomanceWalang taong mananatiling bato ang puso kapag tinamaan at makaramdam ng spesyal na pagmamahal. Magiging madali kaya kay Beatrice na mapalambot ang puso ng isang taong manhid pa sa manhid? Abangan.