Beatrice Lim
" Bwcit! Bwcit! Bwcit! " inis na bulong ko sabay lagok ng alak.
Andito ako ngayon kila Zayn kasama ung mga kaibigan ko. Dito kami dumiretsyo, dahil napaka sama ng timpla ko! Kaya inaya ko silang mag inom, wala akong pakialam kung may pasok ako bukas. Napaka bigat ng nararamdaman ko ngayon dahil mas inuna pa ng Flores na yun ung galit niya bago marinig ung side ko. Pero leche! Sino ba kasi ako para paniwalaan, eh hamak na studyante niya lang naman ako na ginalaw niya ng magdamag at pinagsawaan!
" Fuck that woman! Hindi manlang niya ako hinayaan na magpaliwanag bago magalit sa akin! " inis na salita ko. Habang ung tatlo ay tahimik lang akong pinagmamasdan.
" Ano ba kasi nangyari kanina at nahuli ako sa latest? Bakit niyo naman kasi binubog ha Jameson, Zayn?! " inis ding tanong nitong si Marga. Wala kasi siya kanina noong binubugbog namin unh hayop na lalakeng yon!
" Napaka tagal mo kasi magcr babae ka! Kaya nagpunta kaming parking para don ka hintayin, kaso nakita namin itong si Bea. Sasapakin nung hayop na lalake na yon. Ano magagawa namin?! Kaibigan natin tong si Bea, alangan pabayaan namin siyang masapak ng hayop na yon. " gigil padin na sagot ni Zayn.
" Bakit ba kasi sasapakin ka nong hayop na yun ha Bea?! Sino ba un at kung ipagtanggol lang ni Flores ay wagas?! " inis din itong si Jameson. Hanggang ngayon kasi di ko pa nakukwento sakanila ung buong pangyayari bago nila ako datnan sa ganong sitwasyon.
" That fucking bastard, boyfriend siya ni Flores. " paliwanag ko sakanila.
" Shit Bea! Yan na nga ba ang sinasabi ko sayo! Pano nalang kung wala kami kanina? Baka kung anong nangyari sayo! Gusto mo ipakulong namin yung hayop na un?! " sigaw ni Zayn na nang gagalaiti padin.
" Don't ever do that Zayn. Mas lalong magagalit sa akin si Flores. " sabay buntong hininga ko.
" Tangina naman Beatrice! Ano ba nangyayari sayo ha?! Ikaw paba yan?! For Pete's sake! Mas inuuna mo pa ung galit ni Flores kesa sa safety mo?! Pano kung adik ung hayop na un at balikan ka?! Makinig kanga sa amin! Layuan mo na ung teacher natin na yon! " sigaw padin nito sa akin. Nabibingi na ako kakasigawan namin dito. Pinagtitinginan na din kami ng maid dito sa bahay nila.
" Beatrice, makinig ka sa amin. Ikaw lang inaalala namin. " mahinahon na tugon ni Marga.
" Look, sinong di maiinis. Harap harapan niyang binabastos si Flores sa harapan ko, na mismong gf pa niya. Alam niyong gusto ko si Flores. Ano gusto niyong gawin ko?! Matuwa ako na ginaganon siya?! Hindi niyo kasi alam ang nararamdaman ko. Sinabi pa niya na pagsasawaan niya muna ung gf jiya bago niya ibigay sa akin. Tangina! " halos mapaluha ako habang inaalala ko lahat ng sinabi niyang yon sa akin. Naiimagine ko palang na ginagawa nila, ibig ko ng magmawala.
" Andon na nga tayo Bea sa gusto mo siya. Pero kahit baliktadin mo man ang mundo hindi mo siya pag mamay-ari. Nakita mo ba ang tingin niya sayo kanina habang inaalala yong kupal niyang boyfriend? Halos patayin ka na niya ng tingin. Dun palang matauhan kana. Wag kang masyadong magtiwala sa babaeng yon, baka un ang ikasira ng buhay mo. Marami diyang iba. Nih hindi manlang niya tayo pinagpaliwanag kanina o sabihin na natin kahit ikaw. Ano ginawa sayo ng Flores na un? Diba't mas pinili niyang samahan ung hayop niyang boyfriend kesa sayo? " paliwanag sa akin ni Jameson. At tuluyan ng bumagsak ang kanina pang namumuong luha sa mga mata ko.
" Shhh, im sorry. " tila nag aalala na haplos ni Zayn sa likuran ko. Ngayon lang ako nakita ng mga kaibigan ko ng ganito. Tanginang karma to! Kasalanan ko din to!
" Don't cry Beatrice. Nagmahal kalang, kaso kung ipagpapatuloy mo pa din yang pagmamahal mo na iyan at mas lalo kang masasaktan. Kaibigan mo kami, hindi mo kami kaaway. Pag isipan mo mabuti ung mga ginawa at gagawin mo palang. " comport sa akin ni Marga. Mabilis kong pinunasan ang luha ko. Ayokong makita nilang mahina ako pagdating sa pagmamahal, pero tangina. Ung puso ko hindi maitago ung sakit.
" Ano ba dapat kong gawin? " tanong ko sakanila pagkatapos ay ininom ko ng diretsyo ung alak. Wala akong pakialam sa lasa non, ang gusto ko ngayon magpakalunod sa alak.
" Mag focus ka sa iba hangga't kaya mo kontrahin yang nararamdaman mokay Flores. Mali na sinulsulan kapa namin sa Dare na yon. Nagsisisi kami dahil sa nakikita ka naming nag ssuffer ngayon. " malungkot na tugon ni Jameson.
" What do u mean na mag-focus sa iba? " takang tanong ko sakanila. Palyado isip ko ngayon dahil sa nangyayari sa akin.
" Try something new. Avoid Flores. maraming iba diyan, baka nakakalimutan mo na ikaw si Beatrice Lim. Maraming nagkakagusto sayo sa school. Wag mong ipakita na mahina ka kay Flores. Bayaan mo na ung babaeng yon, wala kang mapapala don kundi puro sakit lang. " paliwanag naman sakin ni Marga.
Hindi ko alam kung kakayanin ko ung mga pinagagawa nila sa akin. Tama nga sila, nakalimutan ko na kung sino ako dahil masyado akong nabulag sa babaeng yon na dahil ng pagkadurog ko ngayon.
Hindi ko magawang hindi masaktan sa mga sinasabi nila, marahil ay tama ang mga ito. Gustong gusto sundin ng utak ko ung mga sinasabi nila, pero ung puso ko taliwas sa gustong mangyari ng nasa isip ko.
Sobra mo akong sinasaktan Alayja. Masyado ung pinsalang ginawa mo sa akin. To the point na mismong pagkatao ko ay unti unti ng nagbabago dahil sa mga pananakit mo.
--
To be continued..
BINABASA MO ANG
SEDUCING MY STRICT PROFESSOR ( GXG )
RomanceWalang taong mananatiling bato ang puso kapag tinamaan at makaramdam ng spesyal na pagmamahal. Magiging madali kaya kay Beatrice na mapalambot ang puso ng isang taong manhid pa sa manhid? Abangan.