Beatrice Lim
Natapos ang inuman ngunit pinag pasyahan ko na hindi matulog kila Zayn. Madaling araw na ng nakauwi ako, sinubukan kong dumaan sa bahay nila Flores ngunit mas lalo akong nasaktan ng nakita ko ung sasakyan ng boyfriend niya na naka garahe sakanila. Marahil ay duon ito natulog at magkatabi pa sila sa kama. Hays!
Nagising ako sa mga tawag ng kaibigan ko dahil tinatanong nila kung bakit hindi ako pumasok. Wala ako sa mood pumasok ngayon dahil mas masahol pa sa hang over ang sakit na nararamdaman ko. Hindi maialis sa isipan ko lahat ng nangyari kahapon.
Buong akala ko ay okay na kami ni Flores dahil hinalikan ako nito kahapon sa pisngi na ikinatuwa ng puso ko, pero nung araw din na yon ang dahilan ng pagka broken ko ngayon.
Pilit din akong kinakatok ng mga maid sa kwarto dahil tanghali na ay hindi pa ako lumalabas pero wala akong balak bumaba. Ang tanging kailangan ko lang ngayon ay magkulong dito umaasa na baka sakali matakasan ko itong sakit na nararamdaman ko. Ngunit nagkakamali ako, mas lalo ko lang na-re-reminisce ung mga magandang nangyari sa amin ng babaeng yon.
Wala pading humpay ung katok ng katok sa kwarto ko, halos magiba na kaya dali dali kong binuksan yon para sigawan sana. Pero laking gulat ko na si Kuya Leo pala iyon.
" Can i come? " pag aalalang tanong niya sakin tinanguan ko lang ito.
" What's wrong little sister? May problema pa? Kanina pa nag aalala sayo si Daddy. Hindi kapa bumababa doon bakit hindi ka pumasok? " madaming tanong sa akin tong kuya ko. Pero hindi pa din ako sumasagot sakanya.
" Dahil ba to sa babaeng hinaltak mo noong nasa mall tayo? " seryoso pading tanong niya ngunit tinignan ko lang ito ng seryoso. Ayoko man aminin sakanya, pero kailangan ko ngayon ng makakausap.
" Oh i see. Tama nga ako, nung time na hinatak mo siya kitang kita ko ung spark sa mga mata mo. First time kitang nakitang ganon. Kahit na bigyan ka ni Daddy ng mga gusto mo, never ko pa nakita sayo yon. Kaya i was shocked. Alam kong mahal mo siya. Tell me what happened? Don't worry, kapatid mo ako. Hindi mo ako kaaway Bea. Kung may problema, huwag kang mahihiyang sabihin sa akin. "
" You're right kuya. I'm inlove with her. I don't know what to do. She's keep on hurting me. Although alam kong walang pag-asa saming dalawa. " pagkukwento ko dito. Bumagsak na naman ang luha sa mga mata ko. Ilang beses ko bang dapat iyakan ung babaeng yon?!
" So, did u ever try na magtapat sakanya ng feelings mo? "
" No. Pero pinaparamdam ko sakanya na gusto ko siya. Honestly, you know na sobrang spoiled brat ko at stubborn. Siya lang ung babaeng nakagawa na pahiyain ako sa mga kapwa ko student na mataas ang tingin sa akin. Madami na akong kalokohan na ginawa sa school lalo sa mga teacher, kapag ayaw ko sakanila. Gumagawa ako ng way para paalisin sila sa school natin. Pero iba ung babaeng yon. Lahat na ginawa ko, pinahirapan ko siya. Lahat ng pagpapahirap ginawa ko pero hindi siya natinag, to the point na naisip naming magkakaibigan na paglaruan ung nararamdaman niya at magpakabait ako sakanya hanggang sa tuluyan itong mahulog sayo. You know kuya kung gaano ako katuso makuha lang ang gusto. If you know what i mean, pero hanggang sa di ko namamalayan ako na pala ung nahuhulog sakanya. Pinigilan ko naman dahil alam kong mali un. Pero itong puso ko, hindi ko magawang utusan na huwag siyang gustuhin at iwasan nalang siya. Hanggang sa nalaman ko na may boyfriend pala siya. That bastard! " pagkukwento ko dito tahimik lang siyang nakikinig sa akin.
" You know what Bea. Based sa kwento mo, alam kong mahal mo na ung girl. But alam mo naman diba ang policy na bawal maging magkarelasyon ang student and professor? Sabihin na nating mahal mo siya. Kaso may boyfriend right? Alam kong wala ako sa position para pangunahan ka, pagmamahal yan. Yan ang pinaka mahirap kalabanin sa lahat, mahirap pigilan. Mahirap turuan. I know na may pagtingin sayo ung girl, but hindi pa niya kayang ilabas iyon. Marahil ay natatakot siya, one reason is nagtatrabaho siya sa school ng tatay ng mismong gusto niya. Second is naka attach pa siya sa boyfriend niya. Committed pa silang dalawa. And last, alam mo naman sa pilipinas. Parehas kayong babae. Pero eto lang ang payo ko, kung kaya mo i-take ung risk para sakanya. Do it, walang masama kung ipaglaban mo yang nararamdaman mo for her. Pero alam mo naman na ung pinupunto ko sa mga sinabi ko right? Kung willing ka i-take ur risk para sa discrimination at sasabihin ng ibang tao, go for it. And lastly, si Daddy. Alam mong mahal na mahal ka niya. Mataas ang expectations niya sayo dahil ikaw nga diba ang magmamana ng mga business nating pamilya. Tingin ko ay baka magwala iyong tatay mo dahil ang pinaka mamahal niyang prinsesa ay prinsesa din ang gusto. "
" And i know, maniwala ka sa akin. Gusto ka din ng girl na yon. Intindihin mo nalang siya sa ngayon, marahil naguguluhan pa siya. Don't expect something, huwag mo siyang i-pressure kung nasasaktan ka niya. Dahil alam mo naman sa sarili mo ung pinasok mo right? Kaya kung ano desisyon moat sinisigaw ng puso mo. Go lang, wag mo isipin ung tatay mo. Kapag mag mamake love kayo ng professor mo wag dito sa bahay dahil I'm pretty sure na delubyo ang mangyayari. Malakas pa naman ang radar ng matatanda. Hahaha! " dugtong pa niya na kinangiti ko.
" Thankyou kuya. " maikling sambit ko dito. Medyo gumaan ang pakiramdam ko sa pag oopen up niya sa akin.
Dahil tama lahat ng sinabi niya, masyado ko kasi pine-pressure ang sarili ko gayong alam ko naman na marami pang nakaharang para gustuhin din ako ni Flores.
" So kesa magmukmok ka diyan, halika sumama ka sa akin. Mag bonding nalang tayo. " aya nito sakin.
Ngumiti nalang ako sakanya, at mabilis nag ayos.
Kahit ganito ang kuya ko ay alam kong maaasahan siya at mapagkakatiwalaan. Ang lakas ng radar niya para malaman niyang gusto ko si Flores, eh first time niya lang itong nakita.
Kinausap ko din si Dad bago kami umalis ng kuya ko. Sinabi ko nalang dito na hindi maganda ang pakiramdam ko kaninang umaga. Ang gusto pa niya ay papuntahin dito ang family doctor namin. Ngunit sinabihan ko nalang siya na okay na ako at aalis kami ng kuya ko para magbonding.
Mabilis kaming nakarating dito sa tagaytay. Ito ang napili niyang puntahan namin dahil mas gusto niya daw ang weather dito kesa sa mall kami pupunta. Tama nga naman siya, so refreshing ang hangin dito.
Natapos ang araw ngunit bitin ang gala namin ng kapatid ko, sa maikling oras na yon ay nakalimutan ko ung sakit na nararamdaman ko dahil pinasaya ako ng kuya ng sobra sobra. At syempre, nag enjoy din naman ako.
Buti nalang talaga at pinagbuksan ko siya ng kwarto kanina, kung hindi ay malamang sa malamang hanggang ngayon nagmumukmok ako at umiiyak don. Hahaha!
--
To be continued..
Ps : Huwag niyo na muna intindihin ung POV ni Alayja Flores dahil busy pa un sa jowa niyang tukmol. Hahaha!
BINABASA MO ANG
SEDUCING MY STRICT PROFESSOR ( GXG )
RomanceWalang taong mananatiling bato ang puso kapag tinamaan at makaramdam ng spesyal na pagmamahal. Magiging madali kaya kay Beatrice na mapalambot ang puso ng isang taong manhid pa sa manhid? Abangan.