Beatrice Lim
Ilang oras akong di kumikilos. Pakiramdam ko masosophocate ako sa loob ng blanket na to! Dali dali akong bumiling at tinanggal ito sa pagkakakulubong sa akin.
Laking gulat ko na nakaharap pala sa akin si Flores, at tahimik akong tinitignan nito.
" What? " nginig ko pang tanong sakanya.
" Ang g-ganda m-mo. " walang emosyon na titig nito sa mga mata ko.
Ito nanaman ang puso ko, nagiging malambot nanaman. Bahagya akong napatingin sa labi niya, naalala ko ung huling gabi na nagpunta ako sakanya. Hindi ko napigilan ang sarili ko noon na halikan siya. Pero ngayon, pinipigilan ko ang sarili ko na gawin ung bagay na yon.
" Kiss me. " ma-awtoridad na utos nito sakin pagkatapos ay pumikit ito na tila hinihintay na halikan ko siya.
Hindi ko na kaya to, agad akong lumapit sakanya para halikan ito. Laking gulat ko ng gumaganti din siya sa halik ko.
" Mmmmmm. " ungol niya na mas lalong nagpatukso at init ng nararamdaman ko ngayon.
" Miss Lim! Wake up! " nagising ako sa sigaw ng isang babae.
Mabilis kong minulat ung mata ko, shit! Panaginip lang pala iyon! Pansin ko din sa sarili ko na sobrang pawis ko dahil nakatalukbong pa pala ako ng blanket!
Leche naman! Akala ko tuloy totoo na! Tsssskkk!
" Binabangungot ka Miss Lim. " seryosong sabi nito sa akin. Wala padin siyang pinagbago, wala pading ka-emosyon emosyon.
" Salamat Mam. " matamlay kong sagot dito.
" Ahmm. Miss Lim, I'm sorry for what happened last time. Gusto kong humingi ng sorry. " paliwanag nito sa akin.
" It's okay mam. Wala na yon, kasalanan ko din naman kasi ang kulit kulit ko. " pinilit ko pa din siyang nginitian.
" Sana magka-ayos tayo. Namimiss na kita. "
Wait?! Tama ba ung narinig ko namimiss niya ako?!
" Namimiss moko mam? " ngisi ko sakanya.
Pagdating talaga dito kay Flores, ung puso ko kusang lumalambot nalang ng hindi ko namamalayan. Kung kanina lang ay hindi ko siya pinapansin dahil gusto ko ilayo ung sarili ko na sakanya. Pero eto ngayon, kasama ko siya sa isang tent. Katabi ko pa.
Hindi ko maialis ang mata ko sa maamo niyang mukha kahit na medyo madilim dito sa loob. Namiss ko itong titigan.
Marahil ay nahulog ako sa sarili kong bitag, kung dati ay gustong gusto ko ito durugin pero ngayon tila nag iba na agad ang ihip ng hangin. Hindi ko alam kung saan patungo itong nararamdaman na ito pero isa lang ang pangyayaring nagugustuhan ko, ang makasama itong si Flores.
" Bingi kaba Miss Lim? Oo nga namimiss kita. Lahat ng pangungulit mo sakin, lahat lahat ng yon namimiss ko. " nahihiya pa nitong pag amin sa akin.
Napansin ko na may pasa ung braso nito, isang bakat ng kamay. Kanina hindi ko ito napansin dahil naka jacket siya. Napakunot ang mata ko.
" Napano yan? " tanong ko dito
" Ahh. Ano kasi. Wala ito, nadanggis lang ako kanina kakamadali kasi late na ako. " hindi ako naniniwala. May hindi magandang nangyayari, kaya kailangan ko malaman yon!
" Ano nga?! Hindi tayo magiging okay kapag hindi mo sinabi sakin. " pananakot ko sakanya. Inis na inis nako! Bakit ba ayaw niya umamin at sabihin sa akin?! Tssskkk!
" Wala nga, nabangga lang kanina. " sige paniniwalaan kita ngayon, soon malalaman ko din kung napano yan.
" Anyway, bakit pala andito ka? Akala ko ba hindi ka kasama sa event? " pag iiba ko ng usapan. Pero ung isip ko nandun padin sa pasa niya sa braso.
Malaman ko lang na ung boyfriend niya ang may gawa nito, mananagot siya sa akin.
" Kasi pinilit mo ako. " seryosong sagot nito.
Lihim naman akong nangiti, naalala ko na halos magmakaawa na ako sakanya para lang pumunta sa event nito, ngunit ang tanging sagot lang niya ay ayaw niya.
" Mam, pwede yumakap. Namiss kita eh. " ngiti ko dito pero hindi ko na hinintay ung sagot niya kung pwede, dahil agad ko itong niyakap.
Napaka bango talaga ni Mam. Nakakagigil! Kung pwede ko lang to reypin ngayon mismo ay ginawa ko na! Hahaha!
Ramdam na ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso niya, hindi niya maitatago un sa akin. Dahil ganon din ang tibok ng puso ko. Hinigpitan ko mabuti yung yakap ko sakanya, nagulat ako ng yakapin din ako nito.
Tila parang gusto ko ihinto ang oras ngayon mismo, dahil ayoko ng makawala pa siya sa yakap ko. Hindi ko akalain na mararamdaman ito sakanya. Hindi ko alam kung bakit unti unti na pala akong nahuhulog dito sa strikto kong professor ng hindi ko nalalaman.
" Miss Lim, nakakadami kana. Nasaan ung kape ko? "
" Mam, mamimiss mo din pala ung kape ko. Kaso walang Starbucks dito. Halika Mam sa labas ipagtimpla kita ng kape. "
Nagulat ako ng bigla itong ngumiti. For the first time as in! Ngayon ko lang ito nakita na ngumiti, mas lalo itong gumanda. Lihim na mabilis lalo tumibok ang puso ko sa ngiting yon.
Mabilis ko siyang inaya sa labas, para ipagtimpla ito ng kape. Pero hindi ko alam magtimpla non, pano kaya gagawin ko?! Kung bakit ba kasi sinabi ko un!! Ugh!
" Mam, diyan kalang. Magtimpla muna ako ng coffee mo. " paalam ko sakanya.
Mabilis kong hinanap ung mga kaibigan ko. Kailangan ko sila ngayon!
" Hoy Marga, tulungan moko magtimpla kay Flores ng kape. Please?! " nagmamakaawa ako dito na tulungan ako.
" Mukang okay na kayo ni Flores ah? Nakabuo naba kayo? Congrats. Tatay kana! " binatukan ko itong si Zayn. Kahit kailan talaga!
" Ninong ako ha? " isa pa itong Jameson na ito!
" Kung wala kayong sasabihin na maganda, manahimik nga kayo! Na-sstress nga ako, at hindi ako marunong magtimpla ng kape. Dumadagdag pa kayo! " bulyaw ko sakanila.
" Guys tara na mukhang hindi naman pala tayo kailangan ni Beatrice. " pag aaya ni Marga.
Ugh! Masisiraan ako ng ulo sa mga kaibigan ko na to.
" Fine! Libre ko lunch niyo for 1month! " pang uuto ko sakanila.
" Bakit lunch lang? Ayaw namin. Gusto namin, bfast! Lunch! Dinner! At isama mo na din pati mga snacks namin. " ngisi nitong demonyong si Zayn.
" Ay ayaw ata guys. Tara na. " pananakot naman ni Marga.
" Fine! " sigaw ko sakanila.
At ayon tinuruan nila ako kung paano magtimpla, bakit ba kasi walang 3n1 nalang dito! Ugh! Hindi ko alam kung tama ba itong ginagawa kong pagtitimpla pero bahala na!
--
To be continued.
BINABASA MO ANG
SEDUCING MY STRICT PROFESSOR ( GXG )
RomanceWalang taong mananatiling bato ang puso kapag tinamaan at makaramdam ng spesyal na pagmamahal. Magiging madali kaya kay Beatrice na mapalambot ang puso ng isang taong manhid pa sa manhid? Abangan.