Chapter 13

190 9 2
                                    

Beatrice Lim

Napakunot yung noo ko nung nasipat ko kung sino ung lalakeng nasa pintuan habang ngiting ngiti kay Flores.



Masayang kakwentuhan itong pamilya ni Flores. Samantalang ung kuya niya naman ay napapansin kong kanina pa pumoporma sa akin. Pero hindi ko nalang iyon pinapansin, ayoko namang barahin. Ayokong ipakita sakanila ang pagka spoiled-brat ko, dahil kailangan ko magpakabait para kahit labas masok ako dito sa bahay nila ay okay lang. Para na din masakatuparan ko ang mga plano ko.



Napansin ko din kanina na nakatitig sa akin si Flores nung nauna itong bumangon. Kahit na nakapikit ako, alam kong tinititigan niya ako. Bahagya akong napapangiti sa isip isip ko.


Pero teka back to story. Sino ba ung lalakeng yon?! Makangiti kay Flores wagas. Samantalang ung professor ko, walang imik.


Gwapo ung lalakeng yon, tisoy. Pero wala akong pakialam.


" Oh, Ja. Papasukin mo si Von. " utos ng nanay namin. Hahaha!


" Hello po tita. Eto po pala may dala ako. Hi din Kuya Gab. " bati nito. Samantalang ako nilagpasan lang ng tingin. Pweee! Akala mo kung sino!



" Nanay sino siya? " bulong ko sa nanay namin.



" Ay oo pala, Von ito si Beatrice student ni Ja. Beatrice ito naman ang boyfriend niya. " pakilala niya.


Ah! Akalain mo yon! May jowa pala itong Flores na ito. Hmmm!



Pero hindi un reason para itigil ko plano ko. Maganda nga yon dahil marami ang mawawala sakanya kapag nagantihan ko na ito. Hahahaha!


Hindi manlang ako nginitian nitong lalakeng to. Akala mo kung sino! At sino din ba siya para ngitian ko?! Duh!




Magkatabi sila ngayon. Nakagitna sa amin si Flores. Mula pa kanina hindi ko manlang nakitaan ng emosyon tong babaeng to, buti at natitiis ng boyfriend niyang to ang ugali ng gf niya. Hahaha!



Pero hindi ako papatinag, sino ba siya sa inaakala niya!


Akmang aabutin ko ang rice para ilagay ko sa plato ni Flores, sabay pa kaming inabot iyon at agad namang tumingin ito ng masama sa akin. Nginitian ko lang ng nakakademonyo itong lalakeng to. Sabay buong pwersa na hinila sakanya ung lalagyan ng plato.



Kapag ako ang kasama ni Flores, kailangan ako ang mag aasikaso sakanya. Wala akong pakialam kahit boyfriend pa niya ito! Hmmmm!



" Mam, rice. Kain ka madami. Lagyan din kita ng ulam. " ngiti ko dito.


" Miss Lim, no need to do that. " hindi ko iyon pinansin bagkus kinuha ko pa ang lalagyan ng ulam para ilagay ito sa plato niya.



Kung nakakamatay lang ang tingin, kanina pa ako bumulagta dito dahil sa mga tingin sa akin ng Von na yon.



" Sweetheart, eto coffee for you. " bigay naman nung hayop na Von na un kay Flores.


" Sorry, pero ayaw niya ng coffee. " bawal ko dito. Ngunit para akong napahiya dahil hinigop niya iyon pagkabigay.


Bwcit! Bwcit! Buong akala ko ayaw niya, dahil kapag ako nagbibigay ay hindi niya iyon ginagalaw.



Ngumisi naman si Von sa akin.



Ung kuya at si nanay naman namin ay nakatingin lang sa aming tatlo. Para kaming nagpapagalingan tuloy ng Von na to kay Flores.



Sinisipa sipa ko ung paa ni Flores sa tuwing nakikipag usap ito kay Von pero kinukurot niya ako kapag ginagawa ko iyon kaya lihim akong natatawa.


" Ang sarap nanay ng foods. Grabe, sobra busog ko. " sambit ko sa nanay namin at ngumiti naman ito.



Mukang hindi ganon ka-close tong Von na to at si nanay namin. Dun palang advantage nako! Hahaha! Makikita niya!


Itong kuya naman niya, naiilang ako sa pag aasikaso din sa akin. Tssk! Ano ba naman!

Si Flores ang pinunta ko dito hindi ung kuya niya!



Natapos na kaming kumain, ngunit tinulungan ko si nanay namin mag ligpit ng kinainan. Mainam na din ito, dagdag points.


" Nanay, matagal naba sila nung Von na yon? " tanong ko. Andito kami ngayon sa kusinang dalawa. Kanina pa niya ako binabawal na huwag na daw at siya na magligpit pero matigas ang ulo ko.



" Naku anak. Hindi ako boto don. " malamig na sagot naman niya.




" Hala, bakit naman nanay? " gulat na tanong ko pero sa isip ko nagdidiwang ako dahil may pag asa akong sirain sila ng pinaka mamahal niyang boyfriend.



" Masama lang kutob ko sa lalaking iyon. Binawalan na namin siya ng mga kuya niya pero pinagpatuloy padin nila. Mahal niya eh, sino ba naman kami psra tumutol. " kwento nito sa akin.



Ako din naman, masama kutob ko sa hayop na Von na yon. Makatingin palang kanina kay Flores, daig pa ang manyak sa kanto. Napaka lagkit tumingin.


" Hayaan mo nanay. Kapag sinaktan niya si Mam, ako bahala. " ngiti ko dito



" Naku, ikaw talagang bata ka. Hehehe, madalas kang dumalaw dito ha? Kasi natutuwa talaga ako at meron siyang studyante na napaka bait kagaya mo. " agad naman lumawak ang ngiti ko sa labi.


Nagsisimula palang tayo Flores. Kahit na may boyfriend ka, hindi ito magiging hadlang sa pinaplano ko sayo. Magdudusa ka sa mga ginawa mo sa akin. Hahaha! Im so excited na dahil unti unti ko ng napapasok ang buhay niya.

--

To be continued..

SEDUCING MY STRICT PROFESSOR ( GXG )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon