Chapter 16

169 7 6
                                    

Alayja Gail Flores


Simula ng araw na yon naging mailap sa akin si Miss Lim. Napansin ko din na hindi na ito ganon kadaldal at madalas naka poker face lang sa akin kapag pinasasagot ko sa harapan. Tapos hindi niya na din ako binibigyan ng kape.



May part sa akin na nakukunsensiya dahil na din sa mga nasabi ko sakanya. Tama naman siya at nagmagandang loob ito sakin, siguro ay napuno ako sakanya kaya ko ito nasabihan ng parang tuta.

Gusto ko sanang humingi ng sorry sakanya. Pero madalas after ng class namin mabilis itong lumalabas ng klase kasama ang mga kaibigan niya. Gusto ko din itanong siya sa mga kaibigan niya pero wala akong lakas ng loob para gawin iyon.


Si Von naman ay abot ang sorry sa akin. May time pa na nanunuyo sa bahay dahil na din sa nagawa niya sa akin, ngunit hindi ko ito matiis na hindi patawarin dahil nangako naman ito na hindi na niya uulitin pa. Atsaka mahal na mahal ko siya, hindi ko kayang mawala siya sa buhay ko. Masyado akong martir sa part na un.



Aaminin ko namimiss ko ang pangungulit ng batang yon. Simula ng dumating siya sa buhay ko, naging magulo buhay ko. Pero hindi ko naman akalain na ung magulo na un ay hahanap hanapin ko. Ewan ba at ganito ang nararamdaman ko, ang alam ko lang mali ito.



Natapos na lahat ng klase ko nagpasya na akong umuwi dahil wala na din naman akong gagawin. Inaaya ako ng dinner ni Von pero hindi na muna ako pumayag dahil tamad na tamad ako at sobrang pagod na din.



Nasa parking lot ako ng makita ko ang kotse ni Beatrice. Tumingin lang ito sa akin ng malamig at binilisan ang patakbo. Siguro nga ay galit padin siya sa akin.




" Nanay ano meron bat ang dami namang pagkain? " bungad ko kay Nanay sa kusina. Kasi daig pa ang fiestahan, may lechon pa. Eh dadalawa lang naman kaming andito ngayon sa bahay dahil weekends lang naman umuuwi ung kuya ko.



" Naku anak, ewan ba kay Beatrice. Ang daming pinadala dito na pagkain, sinabi niya kasing dito daw siya magdidinner. Papunta na daw siya. "



Bigla naman kumabog ang dibdib ko sa narinig kong iyon na pupunta siya dito sa bahay. Gayong hindi naman kami okay, at sinabi niya sa aking titigilan na niya ako.




Mabilis akong pumunta ng kwarto at nagkulong nalang. Hindi ko pa kayang makaharap siya dahil na din sa hiya ko. Makakaya ko pa kung sa klase namin dahil pwede kong ituon ang pansin ko sa ibang bagay, pero ngayong nasa bahay namin siya ay hindi ko kaya.




Nahihiya padin ako sa mga sinabi ko sakanya.




Naririnig ko na tinatawag ako ni Nanay pero nagtulug tulugan nalang ako. Para hindi ko makaharap ung babaeng yon. Mukang dumating na din siya.



Naririnig ko na may kumakatok sa pintuan pero pinikit ko padin ang mga mata ko.



Ramdam ko ang pagyapag sa sahig, bahagya akong kinakabahan dahil baka mahuli ako ni Nanay na nagtutulog tulugan. Ngunit pansin ko na hindi naman siya nagsasalita.



" Sorry, hindi ko alam sa sarili ko bakit hindi ko matiis na hindi ka puntahan para makita. Imissyou mam. " ung boses na yon. Galing sa taong gumulo ng mundo ko na namimiss ko din naman ngayon.



Malungkot ang boses nito habang hinahaplos ang mukha ko, damang dama ko ang init ng palad niya sa pisngi ko. Hindi ako kumikilos dahil baka mahuli niya akong gising. Nang maramdaman ko ang malambot niyang labi na umangkin sa labi. Kahit sobrang bilis non ay biglang tumibok ng mabilis ang puso ko, hindi ko alam sa sarili ko kung bakit gustong gusto ko idilat ang mata ko at yakapin siya para sabihin ko na namiss ko ito pero hindi ko nagawa dahil natatakot akong makita niyang gising ako.


Maya maya pa ay sumarado na ang pintuan. Dahan dahan akong bumangon at nagtungo doon para ilock.



Hinawakan ko ung puso ko, kasabay ng paghawak ng kamay ko sa labi ko na hinalikan niya.



Hindi ko alam kung bakit niya ginawa yong bagay na yon.



Lihim akong natutuwa dahil namimiss din niya ako, buong akala ko ay talagang titigilan na niya ako.




Hanggang ngayon ay tulala padin ako na nakahiga sa kama ko habang inaalala ung ginawa ng studyante ko sa akin.



Hindi ko alam sa sarili ko kung tama ba itong nararamdaman ko dahil straight ako. Parehas kaming babae, may boyfriend ako. Pero sa halik niyang yon nakuha kopang ikumpara ang halik ni Von na boyfriend ko. Hindi ako nakaranas ng ganitong libo libong boltahe. Ibang iba ung halik na un.



Inayos ko ang sarili ko, kailangan ko siyang makausap. Hindi ko kayang hindi niya ako pansinin. Namimiss ko na ang kademonyohan niya, marahil ay binago ng halik na yon ang nasa isip ko ngayon. Kailangan ko humingi sakanya ng sorry.

--

To be continued..

SEDUCING MY STRICT PROFESSOR ( GXG )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon