Chapter 41

160 6 3
                                    

Beatrice Lim

" Kamusta ang workaholic naming kaibigan? " bungad ni Marga sa akin.


" I'm good. Walang pagbabago. Kayo kamusta na? " tanong ko din sakanila.


Sila na din nag mamanage ng sari-sarili nilang negosyo. Pero nih minsan hindi nila ako nakalimutang kamustahin. And I'm sor thankful that i have a friend's like them.



" Tara naman minsan Beatrice mag out of town. Masyado mong ginugugol ang sarili mo sa trabaho. Baka tumanda kang dalaga niyan. Why don't you try makipag-date manlang? " dugtong pa ni Jameson.



" Pwede ba wag niyo paki-alaman ung lovelife ko! " inis na hiyaw ko sakanila. Wala padin talagang pinagbago. Lovelife ko padin ung pinakikialamanan ng mga to. Tsssk!



" Si Miss Flores padin ba laman nyan? " turo ni Zayn sa dibdib ko.





Natahimik naman ako dahil alam na alam nilang never kong kinalimutan si Flores. Ang babaeng mahal ko. Ang babaeng naging dahilan kung bakit ako nasaktan ng sobra sobra. Ang babaeng dahilan kung bakit halos mamatay ako sa sakit ng pag iwan niya sa akin ng walang dahilan.


" Maybe we're right. Kalimutan mo na siya Beatrice. Ibukas mo ulit ung puso mo para sa iba. Don't expect something, iniwan ka nga niya diba? " dugtong pa nito.



" Sana nga ay ganon lang kadali na kalimutan. It's been a 4years since she left me. Pero hindi ganon kadali na mawala nalang agad agad ung pagmamahal ko para sakanya. " malungkot kong sagot sakanila.




" Ye, but wag mong ikulong yang sarili mo sa lungkot Beatrice. Hindi natin alam kung may pamilya na ngayon yun or what. Palayain mo na yung sarili mo. " payo pa nila sakin.



" Fine. Magout of town tayo! " sigaw ko sakanila. Daming mga sinasabi, alam ko naman na gusto lang nila ako ayain na maglibot libot. Juskong mga to!


Napagpasyahan naming mag Boracay since ito ung tamang place para mag enjoy. As if naman na mag-eenjoy ako. Pinagbigyan ko lang tong makukulit na mga to.





We both decided na kumuha nalang ng isang buong room para sa aming apat. 2 bedrooms. Para sama sama padin naman kaming apat.

Day passed, andito padin kami. Enjoy na enjoy ung mga kaibigan ko sa bawat activities na ginagawa kami, samantalang ako andito iniisip padin na sana kasama ko si Flores. Pero wala, iniwan niya ako.



Ilang araw na kaming andito pero tila hindi manlang ako nag eenjoy. Hindi ko alam kung bakit sumama ako dito samantalang wala akong nararamdamang saya.




Nakatambay lang ako dito malapit sa pangpang habang tinatanaw ung mga kaibigan ko na nagsswimming. Tamang inom lang ako ng beer habang nakatingin sa kawalan. Mukhang paubos na itong dala kong alak kaya umalis muna ako para bumili, ayokong mabitin sa iniinom ko.





Dumiretsyo ako sa convinience store, palabas na sana ako ng makita ko ang isang babae naglalakad papalayo sa akin habang may hawak hawak na basket na punong puno ng gulay.


Hindi ako nagkakamali. Ung presensiya na yon. Ung hubog ng katawan niya, kilalang kilala ko kung sino yon!



Ang babaeng dahilan kung bakit ako nasasaktan, ang babaeng mahal na mahal ko. Si Flores!



Agad ko itong sinundan, hindi ko na alam ginagawa ko dahil nabitawan ko na pala ung dala dala ko sa kakamadali para sundan ito.



Kailangan ko siya makausap. Kailangan ko malaman kung bakit iniwan niya ako ng ganon ganon nalang. Kung bakit sinabi niyang mahal niya ako pero iniwan niya ako bandang huli.



Kung tutuusin ay pwede ko na itong hablutin para yakapin, pero mas nanaig sakin ung takot na malaman ang totoong nararamdaman nito at ireject lang ako para mapahiya ng tuluyan.


Nakarating ako dito sa loob ng isang restaurant. Hindi ko alam kung bakit dito siya nagpunta. Marahil ay dito siya nagtatrabaho dahil mukang namalengke siya sa dami ng bitbit nito.



Umupo lang ako dito sa table malayo sa counter, dahil baka makilala niya ako. Ayokong makita niya ako, kahit na sobra ko itong miss na miss mas pinili ko munang idistansya ung sarili ko.



Sa tagal ko siyang hinanap dito lang pala siya makikita. Akalain mo un, ito ung reason pala kung bakit ako napapayag ng mga kaibigan ko na mag out of town kami. Dahil magkikita ulit kami ng landas ng pinaka mamahal ko. 



Wala pading pinagbago ung mukha ni Flores. Mas lalo itong gumanda, mas lalo siyang naging sexy. Pero ganon padin sa dati, wala pading emosyon.


Pero bakit mas pinili niya itong ganitong trabaho? Buong akala ko ay lumipat siya ng school kaya lahat ng school sa manila pinahanap ko siya.


Tahimik ko lang tinatakpan ng menu ung mukha ko, kunwari ay nagtitingin ako pero lihim ko siyang tinitignan sa malayo habang abalang nag aasikaso sa ibang mga customer.



Puro foreigner ang andito, mukang okay naman ang business na ito dahil pansin ko marami rami din silang customer.




Agad napakunot ung noo ko ng makita kong lumabas ng counter si Von. Yung hayop na yon! Bakit magkasama sila?! Sila ba ang nagkatuluyan?! Shit! Bahagya akong nakaramdam ng galit. Pero hindi sapat na dahilan yon para umalis ako dito sa kinauupuan ko dahil gusto kong makausap si Flores, pero wala akong lakas ng loob para gawin yon. Ang tanging kaya ko lang gawin ngayon ay titigan siya sa malayo.


" Mam, may i take your order? "

-

To be continued..

SEDUCING MY STRICT PROFESSOR ( GXG )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon