Beatrice Lim
Maaga akong pumasok ng school, hindi ko inisip na makikita nilang ganito ung mukha ko dahil sa bugbog ng tatay ko at nung hayop na Von na yon. Napaka daming nangyari kahapon. Doble doble ang problema, pero ayokong stressin ang sarili ko.
Hindi ko pinansin kanina si Daddy nung pagbaba ko ng bahay, dirediretsyo lang akong lumabas. Si Kuya ay wala din don sa lamesa kanina na dapat ay kasabay nila kumain.
Hindi ako nagagalit sa Daddy ko dahil napagbuhatan niya ako ng kamay, dahil alam ko naman na point siya kung bakit niya iyon nagawa sa kuya ko. Pero mali ang manakit siya.
Nakahoodie jacket lang akong pumasok, kahit sobrang init ay hindi ko alintana dahil nadin ayokong makita ng mga kaklase ko ung hickey na ginawa sa akin ni Flores nung nakaraang araw na hanggang ngayon ay nandito padin.
Wala padin kaming klase ngayon kay Flores, pero kailangan ko pumasok para sa ibang subject na need ako mag exam. Ayokong magbago ung grades na meron ako dati. Gusto kong alagaan yon at i-maintain para wala na din masabi sakin ung magulang ko.
" Beatrice! What happened?! Omg! " sigaw ni Marga nag pagkakita niya sa mukha ko. Andito na din pala ang mga kaibigan ko.
Hindi ko sila sinagot, tinuon ko ung pansin ko sa pag rereview. Pansin kong pinagtitinginan din ako ng mga kaklase ko, pero wala na akong pakialam pa doon.
Teka, hindi ko pa nakikita si Flores ah?! Debale, intayin ko siya mamaya sa parking.
" Beatrice, pwede ka magsabi sa amin ng problema mo. " mahinahon na salita ni Zayn.
" No need to worry. I'm good. " seryoso kong sagot.
" No you're not. Tell us what happened? Ung bf ba ni Flores gumawa sayo niyan? " pamimilit pading tanong nila sa akin.
" Uhmmm. Yes and my dad. " sabay buntong hininga ko.
" What?! " sigaw nilang lahat. Alam kong magugulat sila dahil hindi naman sanay ang mga ito na pagbubuhatan ako ng kamay ng sarili kong tatay. Dahil napaka spoiled brat ko doon.
" Mygod. Bakit ginawa sayo yon ni tito? Ano nangyari? Nalaman ba na may gusto ka kay Flores? " tanong pa nila.
" Nope, family problem. But we can handle naman, just focus reviewing. Baka bumagsak kayo. " pag iiba ko ng usapan.
Ayokong ikwento sakanila ung dahilan, dahil family problem iyon. Hindi sa wala akong tiwala sakanila, kundi ayoko lang malaman nila na ang pagiging gay ni kuya ang dahilan.
Ngayon palang ay natatakot na ako para sa sarili ko, dahil si Kuya palang nagawa na nilang saktan dahil nalaman nilang may bf ito. Pano pa ako na mataas ang expectations nila sa akin? Pano kung malaman nila na ganon din ako sa kuya ko na may gusto din akong babae? Hays!
Mabilis natapos ang exam. Hindi padin ako tinantanan ng mga kaibigan ko, pero hindi sapat yon para mapilit akong sabihin sakanila. Bahala sila!
Andito din pala si Gladwin ngayon na naghihintay sa akin, nakita niya akong ganito ang itsura ko as i expected marami ding tanong pero hindi ko din sakanya sinabi. Sinabi ko dito na umuwi nalang at saka nalang kami mag usap. Hindi na ako excited na makita siya, dahil isa lang ang gusto kong makita ngayon na kanina kopa hinahanap ng mata ko. Itong babaeng papalapit sa akin ngayon.
She's so damn beautiful! Eto nanaman ung butterflies ko sa tiyan. Hindi ko alam mararamdaman ko ngayon kung matutuwa ba ako na single siya, o malulungkot dahil if ever man na maging sa akin siya alam kong malaking problema ang papasukin ko. At isa pa, un ay kung magiging kami diba? Wala nga ako makitang pag-asa.
Napakunot ang noo nito ng makalapit sakin ng makita itong galos sa mukha ko.
" Sa pagkakaalam ko Miss Lim, iisang black eye lang ang nakuha mo kay Von. Bat parang nag anak yang galos mo? What happened? " pag aalala nito.
" Wala ito Mam. Hindi naman masakit. Mas masakit panga ung ginawa mo sa ano ko.... " hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil pinaghahampas nanaman ako nito. Hahaha!
" Hindi ako nakikipagbiruan Lim. Tell me what happened? " pamimilit pa niya sa akin.
" Okay, okay. Hindi ko na aalamin pero please. Mag iingat ka naman palagi. " dugtong pa nito dahil umiwas ako sakanya ng tingin. Marahil ay na-gets niya na agad na ayoko talagang pag usapan pa iyon.
" Mam, namiss kita. Tagal ng examinaton, miss ko na ung oagka terror mo. " sabay kindat ko.
" Hay nako Miss Lim. Kamusta mga exam mo? Nasagutan mo naman ba lahat? " tanong niya sa akin.
" Well mam. Kung pwede nga lang mukha mo ang isagot ko dahil ikaw lang lagi nasa isip ko eh. Hahaha, pero syempre nasagutan ko lahat. Gusto kong maproud ka sa akin. " pansin kong namula ang pisngi nito.
" Anyway, sa nangyari kahapon. I'm very really really sorry. I didn't expect na gagawin iyon ni Von. Anyway, namiss din kita. " nahihiyang pag amin nito sa akin na mas lalong nagpabilis ng puso ko.
" Mam, tara mag date? " pag aaya ko dito.
Tumango lang siya at sumakay sa kotse ko. As always, naiwan nanaman ang kotse niya. Nagpunta lang kami dito sa isang chinese restaurant. Miss ko na din kasi kumain dito.
Tamang kwentuhan lang kaming dalawa. Madalas napapangiti nalang si Flores sa kadaldalan ko, pinakita ko din dito ung ginawa niyang hickey sa akin dahil nagtanong siya kung bakit naka hoodie akong jacket. Napaka wild kasi ni Mam. Siya lang bukod tangi na nakakapagpabaliw sa puso ko at syempre nadin sa kipay ko. Hahaha!
" Beatrice? Who's that girl? " gulat ako ng biglang bumungad sa amin ung tatay ko. Nadatnan pa niya na masaya kaming naglalandian nitong teacher ko. Nalagot na!
Bigla akong nataranta at hindi ko alam ang sasabihin ko.
" Hello Mr. Lim, I'm Alayja Gail Flores. Beatrice is my student. " seryosong sagot ni Flores. Marahil ay nakita niya na hindi ako makasagot sa tatay ko dahil sa tensyon at kaba na nararamdaman ko ngayon.
" Oh, finally na-meet ko din ang isa sa mga pinaka magaling na professor sa school namin. Nice to meet you Miss Flores. " alam kong may ibang tumatakbo sa isip ng tatay ko dahil tumingin ito ng diretsyo sa mga mata ko nagpapahiwatig na madami akong dapat ipaliwanag sakanya.
" Beatrice where's your manner? Why are you still not talking? Ganyan ba kita pinalaki? Hindi mo manlang ba ako pa-uupuin? " saksartikong tanong ng tatay ko.
" Ahmmm. Daddy, aalis na din kasi kami ni Mam. Mam, tara na. "
--
To be continued..
BINABASA MO ANG
SEDUCING MY STRICT PROFESSOR ( GXG )
RomansaWalang taong mananatiling bato ang puso kapag tinamaan at makaramdam ng spesyal na pagmamahal. Magiging madali kaya kay Beatrice na mapalambot ang puso ng isang taong manhid pa sa manhid? Abangan.