Beatrice Lim
Agad akong nagpaalam sakanila para umuwi na, nung una ay ayaw ako payagan ni Flores dahil late na at masyadong delikado sa daan pero kailangan ko makauwi ngayon dahil sa gulo sa bahay. Nakailang calls na sa akin ung mga maid, kaya alam ko na importante iyon. Gustuhin ko man mag stay pa kila Flores at makasama ito, pero kailangan ko muna umuwi ngayon.
" Ano bang nangyayari?! " sigaw ko sa maid pagbungad ko sakanila ng pinto dahil naririndi ako kakatawag nila sa akin.
Nakita kong nakatalikod ung tatay ko habang sila Mommy and Kuya naman ay nakaupo sa sala. Pansin ko na may galos ang mukha ng kuya ko. Habang umiiyak naman si Mommy.
" Shit Beatrice, anong nangyari anak sa mukha mo? " agad na lapit sakin ng nanay ko.
Biglang harap naman ng tatay ko, galit na galit ito. At bigla akong dinapuan ng takot. Ngayon ko lang nakita na ganon ang awra niya, palagay ko'y may hindi magandang nangyayari.
" Beatrice?! Sino gumawa saiyo niyan?! Answer me! " alalang sigaw ni Mom.
" Who did this?! " di ko namalayan na nandito na din sa harap ko si Daddy. Ung galit niya kanina ay tila napalitan ng pag aalala sa akin.
Sino ba namang di mag aalala kung ganitong mukha ung ihaharap ng paborito nilang anak diba? Pero hindi ko sila sinasagot sa tanong nila. Mas nag aalala ako ngayon sa kuya ko na nakayukom ang kamay habang nakayuko.
" Dad, Mom! Ano ba ang nangyayari? Kanina pa tumatawag sakin ung maid. Atsaka wag niyo ko alalahanin, tell me what happened? Anong nangyari kay Kuya? " tanong ko sakanila.
" Yang kuya mo! Walang ginawang matino kundi kahihiyan sa pamilya natin! " sigaw ng daddy ko.
" Ano ba Ced! Tama naman na ang kakagalit kay Leo! Hindi kapaba nasatisfied sa pananakit mo sakanya?! " sigaw naman ng Mom ko.
" Fuck! Tingin mo ba ay sapat na yan para sa ginawa niya?! Imagine, makikita ko siyang may kahalikan na lalake?! Ano gusto mo?! Matuwa ako, dahil may anak akong bakla! Mag isip kanga! "
Tila natulala ako sa mga salita ng Daddy ko. Agad akong tumingin sa kuya ko, ngunit nginitian niya lang ako.
Marahil ay nahuli siya ng tatay ko. Wala man lang ako magawa ngayon kundi tumahimik lang habang nakikinig sa usapan nila.
Alam kong prinsesa ang turing nila sa akin. Pero ngayon ay natatakot ako dahil isang salita lang na sasabihin kong hindi tama sa pandinig niya ay baka makatikim din ako ng sapak.
" Stop hurting my son Ced! Pagalitan mo! Hindi yung pagbubuhatan mo ng kamay! Anak, Leo. Tell to your dad na mali ang akala niya. " pangungumbinsi ni Mom kay Kuya.
" No Mom. I'm gay. And tama ung nakita ni Dad kanina. Jacob was my boyfriend, at mahal ko siya. Hindi ko na kayang itago itong tunay kong pagkatao. " buong tapang na pagtatapat nito.
Akmang susuntukin na ng tatay ko si Kuya, agad akong humarang para sapuhin ito. Hindi ko kayang makikitang saktan sa harapan ko ang kuya ko. Hindi man ako nagsasalita sakanya, pero ito lang ang way ko para ipagtanggol siya sa tatay namin.
" Damn Beatrice. " sigaw ng kuya at mom ko.
" It's okay Mommy. Wag kayo mag alala. " ngiti ko sakanya habang hinahaplos ang labi ko.
Aminin ko man o hindi, pero nangiwi ako sa sapak ng tatay ko na yon na kinadugo ng labi ko.
" Beatrice, I'm sorry anak. " lapit sa akin ng daddy ko pero nginitian ko lang ito.
" Ano ba Ced! Kita mo yang ginawa mo! Pati si Beatrice napagbuhatan mo ng kamay! Anong klase kang ama! " galit na galit na sigaw ng nanay ko.
" Hindi ko sinasadya. Bakit kasi humarang ka anak?! And you Leo, hindi pa tayo tapos! "
" Daddy, stop hurting kuya Leo. He's not fault kung nagmahal lang siya. " lakas ng loob ko na sagot sa tatay ko, kitang kita ko na napalitan ung pag aalala niya sa akin ng galit.
" What did you say Beatrice? "
" Nagmahal lang si Kuya Leo Daddy. Kagaya natin nagmamahal lang din tayo. Pero huwag naman aabot sa sasaktan niyo ung kuya ko dahil lang sa nakita niyong mali ang pagmamahal na yon. " pagtatanggol ko pa.
Agad namang dumapo ang kamay niya sa palad ko na kinagulat nanaman ni Mom and kuya. This time sinadya na ito ng tatay ko na pagbuhatan din ako ng kamay. Pero wala na akong pakialam pa don. Nilakasan ko ang loob ko na huwag umiyak at buong tapang na hinila ang kamay ng kuya palabas ng bahay dahil sobrang sama ng loob ko sa tatay ko sa mga pananakit niya sa kuya ko.
" Bakit mo ginawa yon lil'sis? " tila naiiyak na tanong ng kuya ko.
Galing kami sa convinience store para bumili ng alak, at pumunta kami dito sa isang burol kung saan kami galing ni Flores kanina. Dito ko siya dinala dahil ito lang ang best place para makapagpalamig kami ng sitwasyon na nangyari kanina sa bahay.
" Hindi ko kayang makita kang sinasaktan ni Daddy. Mahal ko si Daddy, pero hindi tama na saktan ka niya. " sabay lagok ko ng alak.
" Hindi ko ineexpect na pati ikaw ay sasaktan ka niya. I'm really sorry Beatrice. Hindi ako nag isip sa mga hakbang na ginawa ko. " lumuluhang tugon ng kuya ko.
" Shhh, it's okay. Don't be sorry, nagmahal kalang. "
" Natatakot ako sa pwedeng mangyari lil'sis. Knowing Daddy, lahat gagawin niya para lang patinuin ako. Baka balikan niya si Jacob. And ikaw, baka pati ikaw madamay. Alam kong paborito ka nila, pero kanina kitang kita ko ung galit sa mata ni Daddy sayo. Hindi siguro niya ineexpect na kakampihan mo ako. " tugon pa nito
" Huwag kang mag alala sa asawa ni Mommy. Lilipas din yon, atsaka tuloy mo lang yang pagmamahalan niyo ng boyfriend mo. Nakasuporta ako sa inyo. " ngiti ko sakanya.
" Salamat sis. Sobra kong naappreciate ung pagdamay mo sa akin, buti nalang at dito mo ako dinala. Kung hindi ay baka napagkamalan tayong nabugbog dahil sa itsura natin kanina. Teka, napano yang black eye mo? " tanong niya
" Nasuntok ako ng bf ng mahal ko. Naghiwalay na sila. Niloko siya ng bf niya. " kwento ko.
" Shit! Baka balikan ka non! Tsssk! Tell me what his full name? " galit nito.
" Nahh. No need Kuya. I can handle naman. "
Knowing my Kuya, once na tinanong niya ung full name. Panigurado igaganti niya ako dito at ipapabugbog niya iyon sa mga goons. Pero, hindi na kailangan pa iyon. Ang mahalaga ngayon nailayo ko na si Flores sakanya.
" So ano plan mo? Naghiwalay na pala ung gf mo at ung bf niya. "
" Kuya, she's not my gf. And wala akong plano. Hindi ko naman itatake advantage ung break up nila para mag confess na mahal ko si Flores. Sabi mo nga, wag ko siya i-pressure. " ngiti ko sakanya.
" Okay okay, but eto lang reminder ko sayo. Kilala mo si Daddy, alam kong iniisip niya ngayon na may nagbabago sayo. Narinig ko sila ni Mommy nung araw na pinagtatanggol ako nito. Marami daw nagbago sayo dahil hindi kana humihingi ng kung ano ano. Take it easy sa mga gagawin mo, ingatan mo kung ano meron sa inyo nung teacher. Dahil baka pag nalaman ni Daddy na nababaliw ka sa babaeng yun, ay baka magwala yon at ikapahamak pa ng mahal mo. "
--
To be continued..
BINABASA MO ANG
SEDUCING MY STRICT PROFESSOR ( GXG )
RomanceWalang taong mananatiling bato ang puso kapag tinamaan at makaramdam ng spesyal na pagmamahal. Magiging madali kaya kay Beatrice na mapalambot ang puso ng isang taong manhid pa sa manhid? Abangan.