Beatrice Lim
" Pambihira Bea! Ikaw nalang pinagtitignan ng mga chikas dito sa restaurant. Ano bang meron ka? Kami may etits, pero bakit ikaw lang tinitignan nila?! " pagrereklamo ni Jameson na kinanuot ng muka ko.
" Isa lang ibig sabihin non, mas gwapo ako kesa sayo. Hahaha! " tawa ko sakanya at napailing nalang ito.
Sanay nako sa ganong sistema araw araw. Kahit naman lalake or babae, gusto akong ligawan. Pero wala akong pakialam sakanila. Masaya ako sa buhay ko ngayon.
" So pano gagawin mo ngayon sa teacher natin kapag nagreklamo sa dean? Malalagot talaga tayo. " pag aalala padin nitong kaibigan ko.
Eto problema ko sakanila eh! Wala silang tiwala sa kakayahan ko, lagi nilang minamaliit ung kaya kong gawin.
Tinaas ko ung kamay ko sabay sabing wait at tinawagan ko si Daddy.
" Daddy, i have something to tell you. But promise me, don't be mad. " sabi ko sa kabilang linya. Tinawagan ko kasi si Dad
" Yes dear, what is it? Don't tell me my boyfriend kana ha? Wag muna. You're my little daughter pa. " natawa naman ako. Hay ang tatay ko talaga.
" Nahh, is not what you think Dad. Kasi ganito, i have a teacher. Masyado siyang pervert. So pinagtanggol ko ung kaklase ko, binato ko siya ng itlog sa muka dahil sa inis ko. I'm sorry Daddy. " pag iinarte ko sa tatay ko na kinatawa ng mga kaibigan ko dito sa harapan.
" God! Thankyou my little princess, don't worry. Ill handle that situation. Aalisin ko siya sa school sa lalong madaling panahon, anyway dear i have a ongoing meeting right now. Pag usapan natin mamaya sa bahay. But ill promise that fckng teacher will not be able to come in our school again. Bye, take care. Love you! "
" So, ano pa ang problema natin friends? " ngisi ko sa mga kaibigan ko pagkapatay ko ng tawag kay Daddy.
" Ibang klase. Bravo! Bravo! Kunting tiis nalang Bea, mapapabilib mo na kami. " sabay ngisi nila ng nakakaloko.
Inirapan ko nalang sila, dahil wala naman silang magawa kundi inisin ako.
" San next natin punta? " tanong ni Zayn.
" Ayokong pumasok, tambay tayo sa coffee shop niyo Marga? " tanong ni Jameson.
" Gago kaba? Edi binatas tayo ng nanay ko don. Mag road trip nalang kaya tayo? " suggest ni Marga.
" Nope, ayoko. Mainit. Uuwi nalang ako matutulog, wala kayong kwentang mga kausap. Bye! " sabay beso ko sakanila.
Tinatamad talaga ako mag kikilos ngayong maghapon dahil na din meron akong period. Feeling ko tilog hinang hina ung kalamnan ko.
Hindi naman problema sa akin kung di ako pumasok ngayon, dahil mas masipag pa ako magbasa ng lesson kesa sa mga teacher sa school namin.
Kung tatanungin niyo, top 1 ako sa klase. Hindi dahil sa anak ako ng may ari ng school. Kundi dahil sa utak ko mismo galing iyon. Hindi ko kailangan makiusap sakanila na bigyan ako ng maganda at mataas na marka dahil kaya kong maging top 1.
Gusto ko din maging proud sila Dad and Mom sa akin, ayokong madis-appoint sila sa akin sa pag aaral.
Kapag pag aaral ibang usapan na din kasi yon. Kalokohan ko kaya kong lusutan, pero mahalaga sakin mga studies ko. Ayokong mapahiya bilang isang anak ng isa sa mga successful businessman dito sa bansa.
" Hoy, i have a tsimis. " sigaw ni Zayn sa kabilang linya.
Kausap ko kasi sila sa groupchat na ginawa namin.
Wala nanamang magawa tong mga to dahil binubulabog nanaman ako.
Hindi ako kumibo, dahil hindi naman na kailangan yon. Alam kong di din nito matitiis ang kakatihan ng bibig niya para ikwento ang tsismis na nasagap niya.
Kalalaking tao napaka tsismoso!
" Tanggal na daw ung bastos nating teacher. And balita ko bago ung papalit na teacher. Wiww! Seksi at maganda daw sabi nila. Pumasok na kanina! Kasalanan mo to Bea! Hindi ko tuloy nakita ung magandang chikas kanina! " pagmamaktol pa nito.
" Hoy, wala akong pakialam kahit sino pa yon. Sinisira niyo ung gabi ko! " sigaw ko sakanya.
" As if naman na papatulan ka Zayn, balita ko sa ibang section terror daw yon. Kaya umayos ka Bea. " pagpapaalala sakin ni Margarette.
" Huh? Bakit ako aayos? Wala akong gagawin sakanya. Na maganda! Hahahaha! Subukan niya lang may gawing mali, talsik din siya kagaya ni panot. " tawa ko.
" Liligawan ko un promise kapag totoong maganda. Para pumasa ako sa subject na yon, wala akong aasahan diyan kay Bea. Madamot magpakopya. " aba! Ako pa ang madamot ngayon huh?!
" Hoy ikaw Zayn, kung inuuna mo pag aaral kesa tumikim ng ibat ibang babae edi sana may maisasagot ka. Kulang nalang ang isagot mo sa mga test paper ay ibat ibang sex position ng ginagawa niyo ng babae mo eh! Bye na! Mga bwcit! " sabay baba ko ng phone ko.
Wala ako panahon makipag inisan sakanila. Dahil nga may period ako, ayokong stressin sarili ko.
At kung sino man ung babaeng sinasabi nila na bagong teacher namin. Hindi naman ako ganon kasama para may gawin sakanya, depende na lang un sa ipapakita niya sa akin! Hahahaha!
Goodluck nalang sakanya. Hahaha!
--
To be continued..
BINABASA MO ANG
SEDUCING MY STRICT PROFESSOR ( GXG )
RomanceWalang taong mananatiling bato ang puso kapag tinamaan at makaramdam ng spesyal na pagmamahal. Magiging madali kaya kay Beatrice na mapalambot ang puso ng isang taong manhid pa sa manhid? Abangan.