Beatrice Lim
Sa isang halik na yon ng Flores na yon nagkanda gulo gulo kami ng mga kaibigan ko. Pinipilit pilit nila akong aminin ko ang nangyari, pero hindi ko iyon masagot. Dahil privacy yon. Ayokong mag kiss and tell sa nangyari samin, at ako ang nakakahiya dahil imbes na ako ang umiskor ay ako pa ang naiskoran.
Kaya ang ending umamin nalang ako, pero syempre hindi lahat ha. Sinabi ko lang na we're good na at nagkakaintindihan na kami. Pero ayaw padin nila maniwala.
Pinagsabihan nila ako sa mga dapat kong gawin at iwasan, pero taliwas un sa kagustuhan ko. Hindi ko pwedeng sabihan ang sarili ko na hindi ma-attach ng tuluyan kay Flores dahil itong sarili ko kusang unti unting nahuhulog sakanya. Kahit na ganon madalas nila akong asarin, alam ko na may care sila para sa nararamdaman ko. Kaya ang sabi ko, susubukan kong wag ibigay ng buo ang sarili ko kay Flores. Pero ang totoo ay, nakuha at nakita na niya ang lahat sa akin.
Alam kong mali itong nararamdaman ko pero paano ko ito pipigilan kung lalayuan ko siya ay unti unti akong nadudurog. Siguro ay kung lalake lang ako manapa ay pag asa pa kaming dalawa. Kaso wala akong natatanaw na pag asa. Unang una babae ako, babae kaming parehas. At ung huli, nasa batas na bawal maging magkarelasyon ang guro at studyante. Eh ano ang magagawa ko? Masyadong taksil itong puso ko para mahulog sa babaeng yon. Daig ko pa ang baliw na baliw. Tssk!
Nandito na ako sa parking lot, gaya ng sabi ni Flores ay antayin ko siya dito. Honestly, ayoko ng nale-late sa usapan. Pero dahil siya naman ung late ay okay lang sa akin. Marami ng nagbago sa akin simula ng nakilala ko yon. Hindi ko na din alam sa sarili ko kung bakit ang tanga ko sa part na binigay ang sarili ko sa isang tao na wala naman akong kasiguraduhan kung anong meron sa aming dalawa. Ayokong mag expect dahil baka sa huli ay masaktan lang din ako. Siguro ay mag go with the flow nalang ako tutal gusto ko din naman itong nangyayaring ito.
Pansin ko na nagpark pala ung kotse nitong Von na to dito. Napakunot ung noo ko. Pero hindi ko siya pinansin, andito padin ako nakasandal sa kotse ko, tinuon ko nalang ung pansin ko sa pagtetext kay Gladwin. Napaka kulit din nitong kaibigan ko na to. Sorry siya, dahil hindi na ganon ung nararamdaman ko para sakanya. Kung dati ay mahal ko siya. Ngayon ay naka moved on na ako sakanya.
" Oh, andito ka nanaman ulit. " ngising lapit sa akin ni Von.
" Yeh, this is our school. Lumayas ka sa harapan ko tsupi. " pagpapaalis ko sakanya. Ayaw talaga ako tantanan ng hayop na lalakeng ito.
" Come'on bitch. Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa. Layuan mo na ang girlfriend ko. " ma-awtoridad niyang utos sa akin. Aba akala mo kung sino.
" At sino ka para utusan ako? I can do whatever i want. Wala kang karapatan na utusan ako na layuan ko ung girlfriend mo. At bakit? Ano gagawin mo kapag hindi ko siya nilayuan? Tingin mo ba ay matatakot mo ako. " pagsusungit ko sakanya. Ngumisi lang ito ng demonyo sa akin. Muka siyang pervert na ewan. Naaasiwa ako sa mukha niya. Kadiri!
" Alam ko kung ano gusto mo Beatrice. Wala sa gf ko ang hinahanap mo. May kaibigan ako na pwedeng maka-sex mo. Sabihin mo lang. Sigurado ako, makakalimutan mo ang pangalan mo sa sarap niyang rumomansa. "
" How dare you to insult me?! Tingin mo ba ay ganon akong babae. O come on Von. Ung utak mo ilagay mo sa ulo, wag sa bayag mo. Baka nakakalimutan mo kung sino kaharap mo. " pagbabanta ko sakanya. Hindi ako natatakot dito
" Okay. Kung ayaw mo edi wag. Pero kung magbago ang isip mo. Hanapin mo lang ako, alam kong marami ka namang connection. Diyan kana at susunduin ko pa ang gf ko. Namimiss ko na ang pagROMANSA niya sakin. Pagsasawaan ko muna ang gf ko. At kapag nagsawa na ako, sige. Kainin mo ang tira tira ko na parang aso. " diniin pa nito ung pagkakasabi ng romansa sa akin na kinainit ng ulo at kulo ng dugo. Hayop! Pinupuno ako nitong Von na to! Agad ko itong sinipa sa balls niya dahilan para mamalipit ito sa sakit. Napahiga pa siya dahil don. Dapat lang sakanya yan! Masyado siyang bastos!
" Putangina mong babae ka! Arghhhh! Ang sakit! " sigaw nito.
Akmang babangon na ito para hilahin at suntukin ako, biglang bungad ni Zayn at Jameson para maharang iyon at sila ang gumanti para sa akin.
Nakatingin lang ako habang binubugbog nila ung hayop na boyfriend ni Flores. Dapat lang sakanya yan. Tangina niya!
" Kalalake mong tao mananakit ka ng lalake pare. At kaibigan ko pa talaga ha? " sabay suntok sa sikmura ni Jameson sakanya.
" Pare, huwag mong subukan na saktan yung kaibigan namin dahil hindi lang yan ang aabutin mong hayop ka. " galit din na suntok ni Zayn.
Bilib talaga ako sa mga kaibigan kong ito. Well kaya ko naman haranging ung suntok ng lalakeng ito. Naka isa lang siyang suntok sa akin pero pinangako ko sa sarili ko na hindi na mauulit pa ung bagay na yon.
Pinagpasa pasahan siya ni Zayn at Jameson. Halos puno ng dugo ung mukha niya. Dapat lang sakanya yan! Wala siyang respeto sa babae! Hindi ko maaatim na marinig ulit ung pang babastos niya sa taong gusto ko! Kahit naba gf niya yon! Tama bang sabihin yon?!
" Bea, it's your turn. " ngisi ni Zayn. Mukang papagantihin niya ako sa lalakeng ito.
Agad ko naman siyang sinuntok sa mukha, at sinipa ulit ang balls niya sabay tadyak dito na nagpaluhod at nagpangiwi ng muka niya.
You deserved that, bastard!
Akmang sasapakin ko ulit ito...
" Shit! Beatrice! Ano bang ginagawa mo ha?! Zayn?! Jameson?! Oh shit. Von! " sigaw ni Flores habang tinabig kaming tatlo ng mga kaibigan ko pagkatapos ay lumapit ito sa boyfriend niyang bastos ang bibig!
" Dapat lang sakanya yan! Kulang panga yan e.... " di ko na natapos ang sasabihin ko ng sigawan niya ako.
" How dare you Miss Lim para saktan ang boyfriend ko?! And you Zayn and Jameson?! Anong karapatan niyo?! Damn! Halika na Von. Umalis na tayo! " sabay tingin niya sa akin ng nakakatakot.
First time ko makita yung matang yon na nag aalab sa galit. Grabe ang concern niya don sa hayop niyang boyfriend. Eh samantalang pinagtanggol ko lang naman siya sa pangbabastos nito patalikod sakanya?!
Damn!
--
To be continued..
BINABASA MO ANG
SEDUCING MY STRICT PROFESSOR ( GXG )
RomanceWalang taong mananatiling bato ang puso kapag tinamaan at makaramdam ng spesyal na pagmamahal. Magiging madali kaya kay Beatrice na mapalambot ang puso ng isang taong manhid pa sa manhid? Abangan.