Beatrice Lim
" Mam, may i take your order? "
" Mam, may i take your order? "
" Mam, may i take your order? "
Yung boses na yon, yung malamig na boses na yon na nagsasalita sa harap ko. Si Flores ang nag mamay ari non! Ang bilis naman niyang makalapit sa harap ko! Hindi ko tuloy alam ang gagawin ko ngayon, para akong nauutal. Hanggang ngayon takip takip ko padin sa mukha ung menu nila. Hindi ko mapakita sakanya dahil baka magulat ito na makita ako dito after ng ilang taon na pag iwan niya sa akin.
" Miss Lim, huwag ka ng magtago. Kanina pa kita nakikitang sinusundan ako. " maawtoridad na sagot nito dahilan nadin para maibaba ko itong hawak ko.
Mukang kanina pa pala niya alam na nakasunod sakanya, agad nagtama ang mga mata namin. Ibig kong umiyak, pero pinigilan ko ang sarili kong gawin yon. Walang expression ung mukha niya kaya hindi ko ito mabasa kung ano ang nasa isip niya sa mga oras na ito. Dito siya magaling, ang magtago ng totoong nararamdaman.
" H-hi.. " nauutal ko pang bati sakanya. Ano ba naman! Concentrate Beatrice! Wag kang mautal! Ano kaba naman!
Tanging irap lang ang ginawa niya sa akin, aba! Kahit kailan talaga napaka sungit ng babaeng to! Pero bakit tila parang wala lang sakanya ung nangyaring pang iiwan niya sa akin! Gusto kong magalit ngayon, gusto ko siyang tanungin. Pero bakit di ko magawang maibuka mabuti ung bibig ko para kumprontahin siya sa ginawa niya sa akin.
" Let's talk Mam. Kung okay lang sayo? " ngiti ko sakanya.
Ngayon ko lang ulit nagawang ngumiti, tanging sakanya ko lang nagagawa itong bagay na ito. Sakanya lang ako nagiging malambot.
" Wait lang, magpaalam lang ako. " sabay alis niya sa harap ko.
Kinakabahan ako, para akong natatae na ewan. Pero sobrang saya ng puso ko dahil nakita ko na ulit siya. Apat na taon akong nagdusa kakahanap sakanya hanggang sa sumuko na ako para hanapin ito. Hindi ko akalain na gagawa ang tadhana ng daan para mapagtapo ang landas naming dalawa.
" So, what's new Beatrice? Kamusta na ang paborito kong studyante? " tanong niya sa akin habang umiinom ng alak.
Andito kami ngayon sa isang bar, dito niya ako dinala. Hindi ko alam kung bakit dito niya gusto, ang gulo gulo. Pano ko siya makakausap kapag ganito dito sa loob. Tsk! Pero debale na, kahit saan ay okay sa akin. Ang mahalaga kasama ko siya ngayon.
Agad ko itong niyakap ng mahigpit, hindi ko alam kung bakit bigla nalang di ko napigilan ang luha sa mga mata ko. Ayokong ipakita sakanya sana, pero hindi ko na napigilan pa. Miss na miss ko talaga siya. Miss na miss ko na lahat ng meron siya.
" Shhh. Don't cry, wala akong kilalang Beatrice na iyakin. " sabay hagod nito sa likuran ko.
" Ang tagal kitang hinanap Alayja. Ang tagal kong nagtiis ng hindi ka makita. Sobrang sakit, pero bakit ngayong nagkaharap tayo ay tila wala lang sayo ung mga nangyari. " hagulgol ko dito. Hindi padin ako kumakawala sa pagkakayakap ko sakanya.
" Maybe because I'm too selfish Beatrice. I'm selfish dahil hindi ko manlang hinayaan ung puso ko na mahalin ka din. I'm selfish dahil hinayaan ko na masaktan ka. But, un lang ung natatanging paraan para maging maayos ang lahat. " walang emosyon na pag amin nito.
" Bakit kinailangan mo akong iwan? Diba sabi mo noon mahal mo din ako. Bakit moko iniwan sa ere? " ngayon ay nakatingin na ako sa mga mata niyang wala pading emosyon ngayon. Ang galing galing niya magpretend!
" It's for your own good Beatrice. Hindi mo alam kung gaano din ako nasaktan sa ginawa ko, pero mas kailangan mo yon para sa ikabubuti mo. " paliwanag niya padin.
" Look at yourself now, you're successful business woman. Kung hindi ko ginawa iyon ay baka kinasuklaman kana ng tatay mo. " dugtong pa niya
" So, it means dahil kay Daddy kaya mo ako iniwan? " tanong ko dito at biglang iwas naman niya ng tingin sa akin.
Damn! I know it! Na ung tatay ko ung may pakana kung bakit niya ginawa itong pag iwan sa akin.
" Listen to me, huwag na huwag mo sasabihin sa Daddy mo na nagtagpo na ang landas natin. This is for your own good Beatrice. "
" Pero bakit hindi ka lumaban kay Daddy? Bakit hindi mo ako pinaglaban? "
" Maybe because he's to powerful para gawing miserable ang buhay ko. Alam ng diyos kung gaano kita kamahal Beatrice. Hindi ko man maipakita sayo noon yon, pero ikaw lang ung tanging tao na minahal ko ng sobra. Ikaw lang yung taong nagpabago ng nararamdaman ko. Kung nasaktan ka sa pag iwan ko sayo, mas lalo akong nasaktan para sa sarili ko dahil wala akong magawa para ipaglaban ka. Natakot ako. Hanggang ngayon natatakot. "
" Don't worry, hindi ko sasabihin kay Daddy na nagkita na tayo. Masaya ako na nakita kita ulit Alayja, masaya ako na nasagot na lahat ng tanong ko ng ilang taon sa pag iwan mo sa akin. At mawala ng parang bula. Dahil pala iyon sa matandang iyon! " sigaw ko.
Gustong gusto ko isumpa si Daddy ngayon mismo dahil sa mga ginawa niya sa akin. Nakita niya kung paano ako nagsuffer ng sobra sobra sa nangyari sa amin ni Flores. Pero sorry siya, natagpuan ko ulit itong babaeng pinaka mamahal ko.
" So kamusta ka? Wala akong naging balita sayo. " sabay lagok ko ng alak.
" I'm good. We're good Beatrice. Restaurant ko ung kanina, nagpakalayo layo ako para hindi ako makita ng tatay mo. Nung araw na umalis ako, maraming pagbabago dahil dito ko napag pasyahan na lumipat. Sila nanay nandun padin sa manila, ako lang ang andito kasama si Von na nag aayos ng negosyo. "
" Ah. Kayo naba ulit ni Von? " tanong ko dito. Bahagya akong nakaramdam ng kirot.
" Hindi, wala ng namamagitan sa amin. Kaibigan nalang ang tingin ko sakanya. Nagbago na siya, hindi katulad ng dati. Pero hindi sapat na dahilan yon para ibalik ung pagmamahal ko sakanya. " paliwanag niya sa akin. Daig ko pa nabunutan ng tinik.
" Anyway, ikaw Beatrice? May boyfriend kaba ngayon? " tanong niya sa akin. Nginitian ko lang ito.
" Mam, sa apat na taon na nagdaan. Ninakaw mo din ung puso ko, tingin ko nga ay dala dala mo ito kaya hindi ko na nakuhang magmahal pa ng iba. " ngiti ko sakanya.
" Listen Beatrice, gustuhin ko man ipagpatuloy natin ung namamagitan sa atin pero mahirap. Alam mo na ang sitwasyon diba? "
" Yes i know, and willing ako i take ung risk para sayo. Let's be together again Alayja. Ngayong nakita na kita hindi na ako mag aaksaya ng oras. Ayoko ng mawala kapa ulit sa akin. Mahal na mahal kita. "
--
To be continued...
BINABASA MO ANG
SEDUCING MY STRICT PROFESSOR ( GXG )
RomanceWalang taong mananatiling bato ang puso kapag tinamaan at makaramdam ng spesyal na pagmamahal. Magiging madali kaya kay Beatrice na mapalambot ang puso ng isang taong manhid pa sa manhid? Abangan.