Fifteen years ago...
TRACE
Nakatitig ako sa football field ng Sport's Complex dito sa lugar namin. Nandoon ako kasi nagkayayaan ang mga kaklase ko. Ayaw ko sana pero mas ayaw ko rin umuwi sa bahay na hindi naman masaya do'n. Pagdating sa bahay ay magkukulong lang ako sa kwarto kaya mabuti na gumala na lang muna ako.
"Buti nakapasok ka na..." Analia said that disturbed my thoughts. Tumabi siya sa akin.
"Kaya nga," I smiled awkwardly. Kahit nga ako ay gusto kong isipin na mabuti na lang nakapasok na ako ulit sa school.
Siguro kung hindi lang governor si Papa ay baka matagal na akong natigil sa pag-aaral sa gawa ni Mama. Fourteen na ako at third year high school na, two months to go at fifteen na ako. Two school years na lang at college na ako, at sa Manila na ako mag-aaral. Ayoko na rito sa Salvacion at nakakasawa na ang away ng mga magulang ko.
Ang pinakamahirap kasi sa kalagayan ko ay ang magpanggap na okay lang ako. Kunwari okay lang kahit sa totoo lang ay mas gusto kong kina Tita Mommy na lang tumira. Mas okay pa sila kaysa sa parents ko. Iniisip ko na mas gusto ko doon na lang kami ni Paige pero hindi naman kami s'yempre papayagan.
Si Paige na dati ay walang pakialam ay ngayon apektado na, malapit na mag-seven years old si Paige, sa 28 ay birthday na niya. She supposed to be a bubbly child pero nagiging katulad ko na rin siya, masaya sa school pero lagi umiiyak kapag naririnig niya sina Mama at Papa na nag-aaway sa bahay.
"Hi, Trace!" Kinindatan ako ni Anne Marie at sumimangot naman si Analia.
I just grinned. I have no interest kahit sino sa kanila. Ibang babae nasa isip ko. Older, but I love her.
Dahil naisip ko si Louisianna ay naisip ko na dumaan ng kapitolyo. Maaga pa naman at baka nando'n pa si Papa kasama si Loui.
"Uwi na ako." Tumayo na ako at agad sumunod si Analia. Sinabi ko lang na uuwi na ako para may dahilan akong iwan na sila kung gusto pa nila doon ng mga kaklase namin magpaiwan ay ayos lang.
"Sabay na ako, Trace. Okay lang ba?" Analia asked shyly. "Hindi ko na hintayin si Diane, sa'yo na lang ako sasabay."
Si Diane ay ang pinsan niya na isa rin sa papansin sa akin kadalasan. Sinulyapan ko si Diane na kasama si Gab na boyfriend nito. Nang tawagin ito ni Analia para magpaalam na sasabay na sa akin ay nakita ko ang panghihinayang ni Diane na kasama ang boyfriend, siguradong gusto niyang sumabay rin sa akin. They are young, mga kaedaran ko lang pero puro kalandian na ang alam.
Ayoko sa lahat ang babae na may boyfriend na ay gusto pa lumandi sa akin. Hindi ako natutuwa. That is why Loui is different, hindi siya gaya ng mga ito na ang babata pa pero puro... malalandi.
"Sabay din ako," malambing ang boses na papansin ni Anne Marie at kumapit pa sa braso ko na agad naman sinamaan ng tingin ni Analia.
"Sige..." Napipilitan lang ako dahil istorbo sila, imbes na sa kapitolyo kami ay dadaan pa sa subdivision nila. "Tara at ihatid na namin kayo ni Mang Damian," I told them both at pareho lang silang nag-irapan.
Lumakad na ako palapit kay Mang Damian na asawa ni Yaya Rosa. Silang mag-asawa lang ang mga tauhan namin na hinahayaan ni Mama na tawagin ko na hindi pangalan lang.
"Saan tayo, iho?"
"Uwi na po tayo after natin ihatid silang dalawa," sabi ko. Mamaya kapag nahatid na sila pareho ay saka ko sasabihin na punta kami sa capitol at gusto ko rin makita si Papa, hindi lang si Loui... one week na rin kasi noong huling kita ko kay Papa.
BINABASA MO ANG
TRACE DIMAGIBA (Wild Men Series 1)
Romance-COMPLETED- SPG | R18 | Matured Content Read at your own risk! "You look good." Humakbang ako palapit kay Chloe. Kunot-noo siyang nakatingin sa akin. Nalilito. Naguguluhan. "Look at you... Kahit balot na balot ka. My body..." Kinuha ko ang kamay...