S3: ANGLES

631 7 3
                                    


TRACE

"Agawin si Mama kay Papa?" tanong ko kay Alguien. Pagkaklaro kung tama ba ang narinig ko.

Alam ko na ang papa niya ang unang napili ng mga Ferreira para kay Mama. Naging magkaibigan pa rin naman ang dalawa kahit hindi natuloy ang kasal. Ang alam ko pa nga ay ang papa niya ang dahilan kaya nagkakilala ang mga magulang ko. There is no hatred between Mama and Raymundo. Lagi pa nga silang magkakampi at si Raymundo Esposito pa nga ang gumagawa ng mga utos ni Mama noon. Kagaya na lang ang utos na sex video kasama si Mela.

"Surprised? Imposible naman na wala kang ideya... Ni hindi mo ba naisip na baka may tinagong relasyon ang papa ko at mama mo."

"Ikaw na ang may sabi na kaibigan lang ni Mama ang papa mo. I know my mother loved only one man, and that's my father."

Bigla akong napaisip. What happened? Why do I feel that I need to defend my parents' love story? Alam ko naman kung gaano kawalang kwenta rin ang naging pagsasama nila. Nothing to be proud of. Nothing to flex on. Nothing to inspire me.

"Kaibigan 'lang' para kay Tia Ana si Papa, but for my father... he was stupidly living his life until now na ang mama mo pa rin ang dahilan ng bawat paghinga niya."

Hindi na ako nagkomento pa sa sinabi niya. Kung anong kabaliwan man ng tatay niya para kay Mama ay hindi pa rin nasasagot niyon ang mga tanong ko sa nakaraan.

"Bakit, Trace? Hindi mo ba alam na mahal na mahal ng tatay ko ang nanay mo? Wala ka bang nahalata noon sa kanila?"

Gusto kong sabihin na wala na akong pakialam. Namatay si Mama na gawa ni Louisianna, kaya paano masasabi ni Alguien na mahal na mahal ng ama niya si Mama? Ang babae ng papa niya ang pumatay mismo sa taong minamahal nito? Anong klaseng pagmamahal iyon? Kabaliwan lang ang pwedeng itawag sa gano'n. Kagaya rin ng kabaliwan ni Papa na ayaw maniwala na ang babae niya ang may gawa.

"Magkaibigan sila at pinagkasundo. Ang papa mo ang talagang nagmahal siguro pero..." Umiling ako. May mali... may mali talaga. Hindi ko man maamin pero ang gusto kong sabihin ay baka ginamit ni Mama si Raymundo. Na baka pinaasa ang kaibigan dahil alam na labis na nagmamahal dito kaya ang daming mga inuutos.

"Pero ano?"

Umiling ako. "Ayaw ko nang ungkatin ang palpak na love triangle nila o quadrangle pa 'yan dahil kasama si Louisianna, na Elle naman pala ang pangalan sa inyo. Ang alam ko lang ay magkaibigan talaga sila hanggang huling hininga ni Mama."

Alguien didn't reacted, nagpatuloy sa paghithit ng usok mula sa tabako.

"Naalala ko pa nga na ang papa mo ang laging takbuhan ni Mama. Sumbungan. I remember the times na naririnig ko si Mama na kausap ang papa mo para magsabi ng mga sama ng loob niya. Ang papa mo ang gumagawa ng paraan para maging maayos ang mga magulang ko. Kahit si Papa ay laging sinasabi na si Raymond, na bestfriend niya, ang taong pinasasalamatan niya mula noon, dahil laging nasa likod nila ni Mama, tumutulong at sumusuporta."

Isang malakas na tawa ang pinakawalan ni Alguien na dahilan para matigil ako sa pagkukwento. Gusto kong maasar bigla. Nakakainsulto ang gago. Ano ba ang nakakatawa sa mga sinabi ko?

I let him laugh dahil mukhang masaya masyado. Naisip ko ang magiging anak namin ni Chloe habang nakatingin kay Alguien. I will make sure that Prime will grow up in Dimagiba households. Magulo man kami pero hindi hamak na mas matino pa rin ang mga kamag-anak ko kaysa sa gagong nasa harap ko.

"Tulong at suporta," natatawa na sabi nito. "Oo, tama ka. Kasama na ang mga plano nilang 'magkaibigan' para sa 'kabutihan' ng iba," Alguien sarcastically said and laughed loud again next.

TRACE DIMAGIBA (Wild Men Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon