CHLOE
I'm thirsty.
Uhaw na uhaw ako at iyon ang gumising sa akin. Madilim. I can't see anything. Nasaan ako at bakit ang lamig? I was freezing.
"T—Trace..." tawag ko sa asawa ko. "Are you here?"
Pilit kong binalikan ang nangyari. Nag-uusap kami nina Wolf at Fox. Natakot ako sa kanila dahil kay Fox pala ang singsing na natagpuan sa unan ni Mamita. I was scared and felt betrayed by them. After ko silang pinagtanggol kina Trace at Alguien ay—
No!
The helicopter! May helicopter na bumangga sa glass wall at nakapasok sa office ni Wolf. I ran. I ran but I went down when I reached the wall and leaned on it. Takot na takot ako. Akala ko tatamaan ako ng propeller. At iyon na ang huling naalala ko bago ako nawalan ng malay.
I was not hit by the helicopter's rotor blades. Nawalan ako ng malay when one of the helicopter's passengers shot me with something that made me sleep. At sina Wolf and Fox, I—I don't know what happened to them. Hindi ko na tiningnan kung ano ang nangyari sa kanila as I was consumed with fear. I thought it was my end.
But now, where am I?
Kinapa ko ang buhok ko at hindi na nakataas iyon. Wala rin ang kuwintas na suot ko, even my rings in my fingers are gone. Wala lahat. Pinilit kong i-focus ang mga mata ko sa dilim, hoping to see some light, and then someone enter and turned on the lights.
"Where am I?" tanong ko sa kaniya pero tinitigan niya lang ako. I looked at the room. Ice blocks are all I can see. Kaya pala malamig ay napapalibutan kami ng mga ice.
I returned my gaze to the intruder. She was wearing a face mask and beret at mata niya lang ang nakikita. She. Yes, babae siya sa tingin ko. Hindi ko maklaro ang mukha niya, plus nahihilo pa ako. Siya kaya iyong nasa helicopter at babae din 'yon?
She stepped forward and touched me. Not totally touching me but she was like... like checking my face. I didn't flinch while staring at her but I am breathing heavily because of my mixed emotions. When she was done checking me, our gazes locked. I furrowed my brows, staring at her.
"I—It's you..." mahina ang boses na sabi ko kay Cent. Nakilala ko siya dahil sa mga mata niya na parehong-pareho kay Harriet. "Why, Cent?"
"Shhh..." that's all Cent said and then pulled out some syringe from her jacket's pocket and injected its content in the side of my neck. "Sleep first, Chloe."
********
Hindi ko na alam kung gaano ako katagal nakatulog. I woke up tied up in a chair. I focused my sight at tumingin sa nasa harap ko.
"Finally, you're awake!"
Tiningnan ko ang pinanggalingan ng boses mula sa left side ng kuwarto. Hindi ko kilala ang nagsalita na nakatitig sa akin. Nakaupo siya sa gilid ng kama. She stood up, approached me, held my chin, and lifted my face to be stared at by her.
"Ang ganda mo pala talaga. Even when you are drooling, it doesn't lessen your appeal. Mukhang kikita nga ako ng malaki sa 'yo."
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Kikita ng malaki sa akin? What is she saying? And Cent? Nasaan siya?
Pero bakit ko pa ba hahanapin si Cent? Obvious naman na siya ang nagdala sa akin sa lugar na ito. I gulped my fear and hatred towards Cent. I need to do something para makawala rito at saka ko na iisipin paano makaharap si Cent.
"Alluring..." sabi ng babae sa akin. "Mabuti at hindi ko kasama si Basti at baka siya pa ang gustong mauna sa 'yo."
Doon ako napatingin sa suot ko. I only wore black lacy lingerie. Panty lang ang suot ko sa ilalim ng lingerie na sobrang nipis. I panicked.
BINABASA MO ANG
TRACE DIMAGIBA (Wild Men Series 1)
Любовные романы-COMPLETED- SPG | R18 | Matured Content Read at your own risk! "You look good." Humakbang ako palapit kay Chloe. Kunot-noo siyang nakatingin sa akin. Nalilito. Naguguluhan. "Look at you... Kahit balot na balot ka. My body..." Kinuha ko ang kamay...