S3: THROW

613 6 0
                                    


CHLOE

"Let's go..." I called the three boys playing in the playground with Cadence. Dito kami sa orphanage dumiretso, kasama si Rogelio at mga yaya ng mga bata, after namin pumunta sa pediatrician para patingnan si Killian.

And Killian seems fine. Dumiretso lang kami rito sa orphanage kasi sila ang may gusto na pasyalan namin si Cadence. The boys are getting closer to Cadence.

"Miss Chloe..."

Napalingon ako sa tumawag. Si Mia.

"Hi!" I happily greeted her. Wala siya kanina pero dahil nakita kami ni Cadence ay tuwang-tuwa na lumapit ang bata sa amin.

"Thank you po sa mga pagkain na dala ninyo para sa mga bata..."

"The foods are all for you here. And you know how happy I am to give." Nakangiti kong sabi.

"Malaki na ang tiyan niyo, Miss Chloe, pero nag-aabala pa rin kayo tumulong at pumasyal dito."

"Of course, my baby's fine. And my sons and nephew like it here."

"Close na close nga po sila kay Cadence, napapansin ko."

"Yeah... and Willow asked for foster parenting and we are actually waiting for the result."

"Iyon nga po pala, Miss Chloe. Kaya po ako lumapit ay may gusto po kasi akong sabihin. Payag naman po si Mother Superior Karen."

"Oh... that's good to know! When can I apply to be a foster parent for Cadence?"

"Iyon nga po... payag sana si Mother Superior lalo na at kayo ni Miss Willow ang gusto sana pansamantalang maging parent ni Cadence. Kaso po may pumunta po rito nakaraan na concern din kay Cadence, best friend po kasi niya ang ama ng bata."

"And?"

"Hindi po pumayag. Ang sabi niya po ay huwag papayagan si Cadence na alagaan ng iba kasi babalik din po ang ama ng bata at baka mahirap kunin si Cad kapag nasa inyo na."

"Oh..." I sighed. I am disappointed but I cannot say anything bad dahil... dahil wala naman akong karapatan mag-demand. "I understood." I forced myself to smile. "Thanks for informing me. We are going to visit here often if that's the case. The boys like Cad so much and bringing them here is happiness to them."

"Thank you po, Miss Chloe. Ang bait-bait niyo po. Kayo po ni Miss Willow. Pagpalain pa po sana kayo."

I smiled at Mia at maya-maya ay umalis na siya. Muli kong ibinalika ang atensyon ko sa mga bata na naglalaro pa rin. Hinahayaan ko lang sila magpagulong-gulong sa bermuda grass sa playground. Nandoon naman ang mga yaya nila at nakaalalay.

A phone rings disturbed me. Kinuha ko ang phone at akala ko si Trace but it was Zeno.

"Hey..." I said as I answered the call.

"I am here in your brother's mansion at wala pala kayo ng mga bata."

"Here in the orphanage. We got here directly after we visited the pediatrician of the boys."

"You should get home, Chloe."

"And why?" My brows crossed. Thinking of what Zeno may need to tell me personally. "Is it about Trace?" I asked. "He's coming in the metro tomorrow."

"That you were wrong, Chloe. I visited your husband earlier on the island and he said he will see you tonight."

Nanlaki ang mga mata ko. Magkikita na kami ni Trace. Nice!

After that talk ay niyaya ko na ang tatlong bata na uuwi na kami. Malungkot naman si Cadence na kumakaway sa tatlo. I felt sad but what can I do?

Palabas na ang sasakyan namin ng orphanage, nang makita ko na may papasok na sasakyan. I frowned. Parang kotse iyon ni...

"Rogelio, stop the car," utos ko.

Nilingon ko ang sasakyan na dumating and I was right. Si Kit nga ang nakita kong bumaba. What is he doing here? Nakatingin pa rin ako kay Kit na patungo sa entrada ng orphanage when I saw Mia. Sinalubong ni Mia si Kit.

I smiled at what I saw. "Let's go, Rogelio."

Habang nasa byahe ay nasa isip ko si Cadence, may pag-asa pa pala na maging foster parent ako ng bata. Kung ano man ang reason bakit naroon si Kit ay magagamit ko siya para mapakiusapan ko ang Mother Superior. Kit is a good lawyer like Elliot. He could help me convince the management. Sa nakikita kong ngiti ni Mia ay sure na lagi na roon si Kit.

Then a thought of what if si Kit pala ang sinasabi ni Mia na bestfriend ng ama ng bata? Lalong lumapad ang ngiti ko. If that's the case ay mas lalong madali sa akin ang makumbinsi sila na sa amin na muna si Cad habang hindi pa kayang alagaan ng ama niya.

Hanggang nakarating kami sa mansion ay si Cadence ang nasa isip ko. Masaya ako na may nakikita akong paraan. Pagbaba ng sasakyan ay agad na tumakbo ang mga bata papasok sa bahay at masayang lumapit ang mga ito kay Zeno.

I was smiling widely habang palapit kay Zeno na kasama pa pala si November when... when I pursed my lips not to cry because... because I saw my husband stepping out of the mansion too.

"Trace..."

And seeing Trace made me forget the people around us. Mabilis akong lumapit sa kaniya, niyakap siya, at saka ako umiyak. At last naisip na rin niya akong puntahan. At least importante pa pala ako...

"Thanks, Zeno." I heard Trace say that, then hushed me to make me stop crying.

"Enough of that cries. Nandito na ako at uuwi na tayo sa isla."

Tumango ako na nakasubsob pa rin sa dibdib niya. Sasama na ako sa kaniya.

"Tama na 'yan... masama na ang tingin sa akin ng mga alaga mo," dagdag pa ni Trace.

Saka ko lang naisip ang mga bata. Nang tingnan ko sila ay masama nga ang tingin nila Gunner at Killian kay Trace. Si Heres naman ay tahimik lang na nakahawak sa kamay ng yaya niya. Nakikita ko sa mga mata niya ang lungkot. Matalino ang bata at mukhang may ideya na siya kung sino si Trace.

Nilapitan ko ang tatlong bata. "Gun, Kill... that man is your father. Your daddy..."

Nakatingin lang sila sa akin at isinubo lang ni Killian ang thumb niya at nagsimula mag-thumbsucking habang sinusulyapan si Trace. Gunner just look at me and Trace. Pabalik-balik.

"Is he the one I talked to earlier?" Gunner asked me that made me nod. "I don't like him, Mommy. Find us another daddy..."

"Tanginang bata—"

"Trace!" putol ko sa sinasabi niya at binalikan siya. Horrified. "They are only five years old and they are seeing you for the first time. Stop saying that favorite word of yours!"

"Chloe—"

"I don't need an explanation. They are innocent boys. Why are you—"

"Let's go, Killian..." Gunner's voice made me stop talking. The next thing I see, Gunner and Killian walk to get near the stairs. "I don't like that guy, Kill. He looks bad with his weird hair."

"Heyl?" Killian asked.

"Yes. He looks stupid and earlier I talked to him on the phone and I felt he doesn't like us."

"Tito Alguien lab ato..." Killian said at hinila naman si Heres na sumusunod sa kanila. "Lalo n'ya ato tanina. Tiliti n'ya ato."

I smiled hearing the boys talking pero nakikita ko naman kay Trace na hindi ito natutuwa sa mga bata.

"And my Tito Nite loves me too..." Gunner replied. "If Mommy likes that guy to be our daddy, I will go back to Tito Nite. Sama kita."

"Nite?" Namimilog na mga mata naman ni November ang nakatingin sa akin. "Is that boy referring to Nite Alberona?" tanong pa niya.

Naguguluhan man ako sa tanong ni November ay napatango ako. Kilala niya si Nite?

"Oh, shoot..." November said with a twinkle in her eyes. "If only Zeno told me you know Nite then I shouldn't go to Agrianthropos just to look for him."

Napatingin naman ako kay Zeno at Trace. I grimaced, seeing Trace's gloomy look.

"I need to talk to you, Chloe. I need you to come with me. Hindi ako natutuwa sa mga ampon mo."

"Trace! How could you say that?!" napataas ang boses kong tanong.

"Talk to me." Trace pulled my arm. "Tayong dalawa lang."

Napatingin ako sa mga bata. Sasabihan ko sana ang mga yaya nila na iakyat sila sa taas, nang lumipad ang matchbox car toy ni Gunner, at diretso sa right hip ni Trace.

"Oh, God!" my eyes grew bigger. Lalong magagalit na si Trace. "They are just kids, Trace... And they—"

Hindi ko natapos ang sasabihin ko kasi si Killian naman ang ibinato ang hawak na matchbox car toy niya rin kay Trace. And it hits Trace's... Trace's middle part.

"Tangina!!!" sigaw ni Trace at napapikit na lang ako.

"Mga bata lang 'yan, Trace." Pigil ni Zeno kay Trace nang lalapitan na sana ang dalawang anak niya.

Palakpak naman ang ikinalingon namin lahat at napatingin kami kay Alguien na papasok at natatawa.

"Sana sinabi ninyong may circus dito para umuwi na ako agad," sabi nito at tumingin sa mga bata. "Nice throw, Killian!" sabi nito sa bata at kinarga ang anak na si Heres nang lumapit ang bata rito.

"That man is trying to hurt Tita Chloe, Papa..." Heres said that made me shake my head at what was happening.

Oh, God! Bakit ganito ang nangyayari?

"This is really frustrating..." napapailing kong sabi na lang. "Don't mind the kids, Alguien. The boys are overreacting." NIlingon ko si Trace na nakasimangot na. "Come with me..." aya ko para hindi na siya mainis sa mga bata. "Let's talk."

"Mommy!" sabay na tawag sa akin nina Gunner at Killian nang palabas na kami ni Trace ng pinto.

Nilingon ko ang mga bata na sabay na umiyak. Malakas. Akala yata ay iiwan ko na sila. Tiningnan ko si Trace. Naniningkit na ang mga mata sa inis at salubong na ang mga kilay.

"Sinasabi ko sa 'yo... hindi ko mga anak 'yang mga kutong lupa na 'yan," sabi nito na ikinainis ko naman.

I pulled my hand na hawak ni Trace and walked to the boys.

"Shhh... stop crying..." pagpapatigil ko sa dalawa. "I will just talk to your daddy. And throwing your father that car toy is bad..."

"Iwan mo na tami?" Killian asked, sniffling.

"Are you going to give me away, too?" tanong naman ni Gunner.

"No! Of course not..." I kissed them both. "I will just talk to your dad. He's a good man."

Doon naman natawa si Alguien. "Yeah, and tell your boys that pigs and cows can fly, Chloe."

"Tangina mo, Alguien..." pabulong na sabi naman ni Trace na ikinalingon ko. "What?" tanong niya sa akin.

"Stop swearing in front of the kids!" masamang tingin na sabi ko.

"If you want them to be recognized by me as my sons... dapat alam nila magsabi ng tangina." Trace tsked and walked out. "I will wait for you outside, Chloe. Don't make me wait longer than my patience."

TRACE DIMAGIBA (Wild Men Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon