CHLOE
Nilingon ko ang apat na bodyguards ko na sumusunod sa akin. I hate being tailed pero ano pa ba ang aasahan ko. I know naman na hindi nila ako pagbibigyan talaga na si Cent ang maging personal assistant moreover bodyguard ko rito sa Forte Konztrakt. Ayaw nila dahil takot silang makita ni Trace ang isa. Just one look with Cent ay hindi mapagkakailang siya si Hailey.
"Chloe..." Naiiyak na salubong sa akin ni Alona. Niyakap niya ako agad at mabilis naman na lumapit ang dalawa sa bodyguards ko para ilayo siya sa akin. Ang dalawa ay naiwan naman sa likuran ko.
"Im—sorry..." sabi ko sa isa. "I can't remember you," I added with an awkward smile. I should be an actress and not an interior designer. Bakit ba kung hindi ako napahamak ay hindi ko pa maiisip ang bagay na iyon? I am excellent in acting naman pala.
"So—Sorry." Lalapit na naman sana siya sa akin nang harangan ulit ng dalawa. I rolled my eyes sa ka-OA-yan ng dalawa. Kapag nagkamali kay Trace sila naging ganito ay delikado ang buhay nila.
"Leave her!" utos ko sa dalawa para umalis sa harap ko at likod na lang nila ang nakikita ko. "Lando! Rolly! Don't block my way!" I said annoyingly.
Agad naman silang sumunod at bumalik na sa likuran ko.
"Sorry, Miss Chloe, sinusunod lang namin ang utos ni Don Raymundo," paliwanag ni Rolly.
"I know," I faced them, "but don't overdo it. Once I get irritated with you two, Papa will kill you."
Napakamot sila at nagtinginan. Alam naman nila ang ugali ng boss nila plus ugali pa ni Alguien at kahit ugali ni Mamita. I am sure na iniisip nila na kaya ko nga silang ireklamo kay Papa para ipapatay. Well, I am not like that. I may have learned how to live this kind of life I have now but I don't want my soul to be stained with wasted life out of nonsense. Hindi ko naman kayang magpapatay ng tao ng dahil lang sa nainis ako sa pagiging OA nila.
"Sorry, Miss Chloe," hinging paumanhin naman ni Lando at sumunod na rin si Rolly sa pagso-sorry.
Hinarap ko na si Alona. "I am here for the annual meeting. I was invited by Engineer..." I trailed off. Kumunot pa ang noo ko para kunwari naman ay pinag-iisipan ko kung sino nga ba ang nagpadala ng sulat sa akin.
"Franco?" tanong ni Alona.
"Yeah!" I smiled. "Where is he?"
"Come with me, Chl—Miss Chloe."
Muli ay nakonsensya naman ako. Alona was nice to me since the first time I met her. Siya nga lang ang masasabi kong naging kaibigan ko talaga rito sa FK noon. Wala naman akong nakasama sa work na gusto ako. Karamihan ng mga tao rito sa FK lalo na ang mga may crush kay Trace ay ayaw sa akin sa umpisa pa lang.
"Sure." I nodded to Alona.
Lumapit kami sa receptionist at sumenyas si Alona na aakyat na kami sa taas pero hindi iyon pumayag agad dahil pinapakuha raw ang pangalan ng mga bodyguards ko.
"Siya ang may-ari ng FK!" naiinis na sabi ni Alona. "We all know it well na siya na ang may-ari ng kumpanya!"
"Galing ang utos kay boss," the receptionist replied.
"Boss? Sinong boss?"
"Kay Engr. Franco."
"Bakit hindi ako sinabihan?" galit na tanong ni Alona.
"Ma'am Alona, wala kaming alam. Basta kakatawag ni Engr. Franco. Utos daw ng boss."
Utos ni Trace. I know it. Is he here? I hope he's not. Natatakot ako na ma-distract sa plano ko kapag nagpakita siya kaya mas okay kung wala siya sana rito.
BINABASA MO ANG
TRACE DIMAGIBA (Wild Men Series 1)
Romance-COMPLETED- SPG | R18 | Matured Content Read at your own risk! "You look good." Humakbang ako palapit kay Chloe. Kunot-noo siyang nakatingin sa akin. Nalilito. Naguguluhan. "Look at you... Kahit balot na balot ka. My body..." Kinuha ko ang kamay...