Season 2: 04

3.3K 84 69
                                    

TRACE

El Tierra City

Malapit na ang four months mula nang mamatay si Mama. Malapit na ang four months na parang wala na rin kaming ama. Gabi-gabi nakainom si Papa. Nagluluksa. Nagsisisi. Nakatingin sa malayo. Nag-iisa sa study at kinakausap ang larawan ni Mama.

Hindi na matino kausap si Papa at lagi siyang wala sa bahay maghapon, kapag umuwi na sa gabi ay lasing na at doon na matutulog sa study niya. Halos hindi na niya kami mapansin ni Paige. Sina Yaya Cora at Mang Damian na lang ang nag-aasikaso sa aming magkapatid.

We were young, we were mourning too... we needed attention but Papa couldn't give us any of his time because he wanted to mourn Mama by himself alone. Nalimutan niya na yata na kailangan din namin siya. Nalimutan niya na may mga anak siyang naiwanan ng kanilang ina.

"Uuwi na ba tayo?"

Napatingin ako kay Mang Damian na nagtatanong. Nasa loob na kasi ako ng kotse pero hindi ako umiimik. I haven't told him kung saan pa kami pupunta.

"Sige po," sagot ko sa tanong niya.

Yes, I need to go home at tuturuan ko pa si Paige sa mga lessons niya. Wala na si Mama na laging nasa tabi ni Paige, I need to make Paige feels na kahit wala si Mama ay magagawa ko pa rin alagaan siya.

Habang nasa byahe pauwi sa bahay ay napasandal ako at napapikit nang muling maalala ko ang nangyari noong umaga na iyon. Ayoko na maalala pero hindi na yata mawawala iyon sa isipan ko. Paulit-ulit na kahit sa panaginip ay dala-dala ko. Paulit-ulit na nasa isipan ko at paulit-ulit ko ring sinusumbatan ang sarili na sana... na sana pumasok ako sa ICU at baka hindi naituloy ni Louisianna ang balak niya kay Mama.

I wept at okay lang naman yata kay Mang Damian iyon. Nauunawaan naman niya ako sigurado.

That morning, I knew that I saw Louisianna... Hindi ako maaring magkamali. Siya iyon pero paanong... paanong... Tangina...

Pinunasan ko ang mga luha ko at huminga ako ng malalim. Ang hirap pala na alam mo ang totoo pero wala kang magawa.

I really saw Louisianna and I know she was the one who killed Mama but... but no one will believe me kahit muli kong ipagsabi. Paano nila ako papaniwalaan kung nalinis na ang lahat ng ebidensya?

I told Papa about what I saw and I know he did his part, investigation happened but nothing proved that Louisianna was in the hospital during that moment.

Mama was autopsied, no foul play happened.

Hindi naman ipinaalam ni Papa kahit kanino na sa akin nanggaling ang akusasyon kay Louisianna. Itinahimik na lang ni Papa iyon at ako... they have scheduled me to see a psychiatrist until now dahil sa sinabi ko. Papa was worried na baka dahil sa nangyari kay Mama ay kung ano-ano na ang naiisip ko at nabibintangan ko pa si Louisianna.

But I know it wasn't just an accusation, imagination, or hallucination... nandoon ako... nakita ko talaga si Louisianna na nagpanggap na nurse at may kung anong isinaksak na gamot kay Mama. I saw that it was her, I saw how she answered my call, I saw how she lied and act normal palabas ng ospital nang umaga na 'yon. I saw how she made me look stupid by falling into her charm.

I wanna look for any evidence pero ano ang magagawa ng isang fifteen years old lang na gaya ko? Wala. Kahit gusto ko pa simulan ang imbestigasyon ay si Papa pa rin ang masusunod. Anak lang ako at wala pa sa tamang edad.

I am a hopeless case lalo na at kahit si Papa ay ayaw na pag-usapan ang nangyari kay Mama. Ilang beses ko siyang kinausap na paimbestigahan ulit si Louisianna pero tama na raw. Mas tumatagal na imbestigasyon ay mas lalong sumasakit sa kaniya ang nangyari kay Mama. I got his point... he wants to mourn.

TRACE DIMAGIBA (Wild Men Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon