CHLOE
"Monica..." I said her name when I peeked at her from the door. I smiled at her. Hanggang maari ay gusto ko siyang mapasaya sa mga huling sandali niya.
Monica smiled back at me. She is so thin now. I am trying my best not to weep kanina pa habang papunta kami rito, dahil kasama namin ni Killian sina Trace at Gunner. Nasa playground sila at kinausap ko si Gunner na si Killian lang muna ang isasama ko. Matalino naman ang isang iyon at nakaunawa.
"Chloe..." Monica whispered my name. Mahinang-mahina na ang boses niya. "Thank you..." she added and looked at Killian na nakasubo ang mga daliri, his index and middle fingers, sa bibig. Ilang buwan na ang lumipas at mukhang naiilang na si Killian sa mama niya. I felt sad both for Monica and Killian pero wala naman akong magagawa.
"Killian, I will leave you here first with your mama, huh?" I said to my'son na naguguluhan man ang anyo ay mahinang tumango pa rin. Napatingin siya kay Monica at nilapitan ito.
"Mama..." Kill uttered and Monica's eyes watered. Killian held his mother's hand that was already wrinkled despite her young age.
Niyakap naman ni Monica ang anak. I can't take what I am seeing and turned my back to them. Kapag hindi ko nagawang kontrolin ang damdamin ko ay baka mas marami pa akong mailuha mamaya. Mas okay na mapangiti ni Killian ang mama niya habang buhay pa ito.
"I'll go outside," I said while not turning to look at them.
"Stay here, Chloe..." Monica said that made me stop from opening the door. I sobbed and turned to gaze at her. Hindi ko na napigilan ang sarili na huwag siyang lapitan at yakapin. She was so thin that I was worrying that her bone might crack any minute.
"You should call earlier..." I said, kinalimutan ko na ang pagpapanggap ko na may amnesia ako. Monica is an exception. "You should informed me earlier... I should bring Kill here with you... I should..."
"Shhh..." nakangiting sabi ni Monica at mahina man siya ay nagawa pa rin niyang pisilin ang kamay ko. "Hindi nga ako nagkamali na..." she paused and breathe deep first, kahit paghinga ay parang hirap na siya at kung wala siguro ang oxygen tank ay baka nga hindi na niya kaya pa ang huminga pa. "Hindi ako nagkamali na lapitan ka para kay Killian... Napakabuti mo, Chloe. Salamat," patuloy niya.
Wala akong masabi na napatango lang. I am guilty. Kung hindi siguro ako nagpanggap na may amnesia ay baka noon pa ako nakabalik ng Pilipinas. Noon pa siguro niya ako tinawagan. Kung hindi pa dahil kay Zeno ay hindi ko malalaman na narito lang pala siya sa lugar kung saan kami unang nagkakilala.
"Please love Killian as your own..." pakiusap niya.
"But I already love Killian, Monica. I promise I will give him everything I could and will do all the best for his sake. I won't treat him that he is not mine. For me, he is my son, too."
Monica's eyes watered. She closed her eyes and then looked at Killian. Hinawakan niya ang pisngi ng anak at pinisil. "I miss you, Baby Kill..." Monica uttered and cried.
"Wag ta iyak, Mama..." Killian said at pinunasan ang luha sa pisngi ni Monica gamit ang t-shirt niya. Lumapit siya sa akin at pinunasan niya rin ang luha ko. "Wag ta lin iyak, Mommy. Bait naman Killian taya wag na tayo iyak-iyak," inosenteng sabi niya.
I smiled at Killian and kissed his forehead. "Make your mama smile, Kill," I said to him and he just nodded. "She's sick and you should make her strong. You could do that, right?"
Tumango naman sa akin si Killian at saka muling lumapit kay Monica. "Alam mo, mama... Tabi to tay Gunner lab mo ato... tama ato, 'di ba?" Killian said when he was sitting beside Monica already. Ang mga mata niya ay nakatitig sa mukha ng ina at hinaplos niya pa ang noo nito.
"Yes, Baby Kill..." Tumango si Monica. "Love na love ka ni mama."
"Batit tati tagal mo indi patita?" Killian asked and pouted. "Tabi mo bili ta lang robot to tapot... tapot di ta na balik. Intay tita tapot wala na talaga itaw. Tabi ni Gunner iwan mo to tati indi mo na rin ato lab gaya mama n'ya indi na rin t'ya lab." Killian said those words while looking straight at Monica's eyes. Hindi siya umiiyak, nagtatanong at nakikipag-usap lang na may kunot sa noo.
"Sorry, Baby Kill..." tanging sabi ni Monica at nanghihina man ay pilit bumangon. I helped her to sit and she pulled Killian to cuddle. "Gustong-gusto ka makasama ni mama pero..." Monica sobbed, "pero hindi ka na kaya alagaan ni mama kaya—"
"Taya bigay mo ato tay Mommy?" tanong ni Killian. "Iyak-iyak ato lagi tati hanap tita tapot ayaw mo na pala ta 'tin."
"No... hindi 'yon gano'n. Love kita. Gusto kita makasama at alagaan pero si mommy mo ang mas kaya kang alagaan kasi... kasi may sakit si mama..." Monica tried not to sniffled but her voice broke while telling her son her situation.
"Takit ta taya payat ta na?" Dumiretso ito ng upo. Hinawakan pa nito ang mukha ni Monica at tinitigan. "Wawa naman itaw mama..." niyakap nito ang ina na lalo na lang umiyak.
"Okay lang si mama, Baby Kill..." ani Monica na hinaplos-haplos ang likod ni Killian na muling yumakap sa kaniya. "Masaya ako na nakita kita ulit. Basta mabait ka lang lagi, ha? At... at huwag matigas ulo para hindi mainis si mommy mo. Dapat mabait ka rin lagi para happy sila ni daddy mo kasama ka... Kapag... kapag natulog na si mama ay si mommy na—" Monica paused and cried.
Naiyak na rin ako. Ang hirap nga naman isipin na gusto niya man lumaban para sa anak ay wala na siyang magagawa pa. She sniffled and then calmed her emotions. Tumingin sa akin at tumango.
"Basta kapag ayaw na magising ni mama ay isipin mo na lang lagi si mommy at si daddy, at saka si... si Gunner." Napatingin sa akin si Monica na nasa mga mata ang tanong kung tama ba ang pangalan na nabanggit niya. Tumango naman ako bilang sagot. "At kapag may bagong maging baby ang mommy at daddy mo ay love mo rin dapat, ha? Basta lahat ng kapatid mo ay dapat love mo. Sunod kuya ka na kaya dapat love mo lahat sa family ninyo. Sila na makakasama mo hanggang sa..." umiyak na naman si Monica, "hanggang sa paglaki mo kaya love mo sila lahat dapat, Baby Kill, ha?"
Tumango naman si Killian. "Lab din tita, Mama..." Hinigpitan nito ang yakap kay Monica. "Tapag tulog ta ay bantay lang tita para giting tita agad tapag nanaginip ta ng bad."
Pilit na ngumiti si Monica pero hindi napigilan ang maluha na naman. She looked at me sadly. Hindi ko naman mapigilan ang mga luha ko na pumatak na agad kong pinahid.
"Wag ta na alit ulit, mama! Wag ta na bili robot to. Dami na ato robot. Tama ka na amin. Do'n na tayo tira ta bahay ni Mommy at ni Daddy. Dami nila bahay 'di gaya ta atin na ta maliit na twarto lang tayo tira dati, tapot tungit pa may-ari bording hawt. Lagi tabi na bawal likot Killian, bawal hingi pagtain Killian, bawal hilam laluan Killian. Buti pa tina mommy at daddy tahit likot ato ay hindi bawal. Tahit play ato ta mga puta ni mommy ay indi galit ti daddy."
Napangiti naman si Monica sa kinukwento ng anak, ngiti na ilang saglit lang ay iyak naman ang naging kasunod niyon at sunod-sunod na paghalik kay Killian. Kinuha ko ang isang kamay ni Monica at pinisil, kailangan ko na silang iwan mag-ina para makapag-usap. They deserve that bond for the remaining days of Monica.
Tumayo na ako at iniwan sila. Lumabas na ako sa kuwarto, na kung saan nalaman ko kay Zeno na siya pala ang nagbabayad ng mga nurses at nursing aides na nakabantay at nag-aasikaso kay Monica roon kaya parang nasa hospital room na rin si Monica. I should thank that guy, napakabait niya.
Papunta na ako sa garden ng orphanage para balikan sina Trace nang may batang tumatakbo na bumangga sa akin. Si Cadence. Napatitig siya sa akin at parang nagulat pa na ngayon lang ako ulit nakita.
"Wow! Si Miss Ganda!" sabi niya na nakangiti at nakatitig sa akin. "Saan na 'yong mga anak mo?" tanong niya sa akin.
I smiled at him at sasagutin ko pa lang sana ang tanong niya nang tumatakbong lumapit sa amin si Gunner.
"Cade!" masayang tawag ni Gunner sa pangalan ng isa.
"Gunn!" natutuwang sabi naman ni Cadence. Nalimutan na nila ako at nagtawanan na lang sila at nagkayayaan na maglaro sa playground.
"You seem familiar with that boy..." ani Trace na lumapit sa akin at alam ko na naman ang patutunguhan ng sinasabi niya. Gusto niya na naman paaminin ako na wala akong amnesia.
"I was told by Willow that I was always here before... with her." I shrugged. "No wonder some kids here know me." I smiled at him, but he just gave me an eye. Simula dumating sila ng mga bata sa Manila ay ayaw akong kausapin ni Trace gaya ng dati. He seems cold and observing me. Nainis yata sa sinabi ko tungkol sa nakaraan nila ni Louisianna. Well, bahala siya sa kung anong drama niya. "Wanna see Monica now?" I asked to change the topic.
"Kailangan pa ba?" tanong niya sa akin. "Hindi ko nga siya maalala kaya hindi ko na rin siguro kailangan pa na makipag—"
"You need to!" I said in my commanding tone. "You should thank her for carrying Killian for nine months and giving birth to your son! You should know how to be thankful that she gave you Killian. She had an option to abort your son then, but she chose to give birth to Killian."
Matagal lang akong tinitigan ni Trace at hindi umiimik. Nakatingin siya kay Gunner at Cadence na naglalaro sa playground.
"We lost Prime," I paused and sobbed. "But your sons with other women still complete me as a mother, Trace. Better be grateful that they exist as they are both the reasons I wanted to get out from that place where I was detained and—" I stopped talking, dahil sa kakaisip ko sa mga bata ay muntik ko nang masabi na sa Samar ako dinala at ikinulong noon nina Papa at Louisianna.
"Detained where?" tanong niya. "What was that you are saying?"
Umiling ako. "Nothing, Trace." I sighed. "Let's go check Monica and Killian." I stepped forward at nakakailang hakbang na ako nang muli ay lumapit ang batang si Cadence sa amin kasama ni Gunner. Bigla akong napakunot ng noo at huminto muna ako bago ko nilingon si Trace. Why Cadence look like a bit of Gunner and he has a resemblance with Trace, too? Sa biglang tingin ay iisipin na magkapatid sila ni Gunner lalo na at magkalapit ang kulay nila unlike Killian na maputi.
What if—No! It can't be. As I remember ay sinabing may ama si Cadence at kaya lang naririto sa orphanage ay pinababantayan sa kaibigan ng ama nito, kay Mia na isa sa mga volunteers dito.
"Siya ang asawa mo, Miss Ganda?" tanong ni Cadence sa akin sabay tingin kay Trace.
"Yes." I smiled at the boy's candidness.
"Anong pangalan mo?" tanong ni Trace sa bata na ikinakunot ng noo ko lalo na at titig na titig si Trace rito. "Ilang taon ka na?"
"Six na po ako kahapon. Cadence ang name ko po... Cadence Thompson."
BINABASA MO ANG
TRACE DIMAGIBA (Wild Men Series 1)
Romansa-COMPLETED- SPG | R18 | Matured Content Read at your own risk! "You look good." Humakbang ako palapit kay Chloe. Kunot-noo siyang nakatingin sa akin. Nalilito. Naguguluhan. "Look at you... Kahit balot na balot ka. My body..." Kinuha ko ang kamay...