S4: 03

649 9 3
                                    

CHLOE

"Chloe, nand'yan na pala kayo." Salubong ni Mommy sa amin ng mga bata. Agad niya kaming nilapitan. Mommy took Gunner and Killian's hands at magkasabay na kaming pumasok sa bahay.

I smiled at Mom. Alam ko ang reason why she kept talking to me using the Tagalog language; she wanted me to remember. Mula nang dumating kami ng mga bata rito sa California ay lagi nang Tagalog ang gamit ni Mommy makipag-usap sa akin. No one knows I am faking my memory loss. I can't entrust my secret to anyone. It's better if I am the only one who knows my game.

"Nag-enjoy ba kayo sa park?" tanong ni Mommy sa mga bata at masaya namang nag-unahan ang dalawa sa pagkwento. Kakaupo lang namin sa sofa at nag-unahan pa sila sa pagpapakalong kay Mommy.

I smiled looking at them. At least, Mommy really changed. Hindi na siya ang mommy na kinakatakutan ko noon, yet I still can't trust her with my secrets. I can't endanger her and Daddy. Mas safe kapag ako lang ang may alam sa mga plano ko.

"Where's Daddy, Mom?" I asked since it's Sunday, and I know Dad wants to stay at home during weekends.

Mommy sighed. She then told the two boys to go to their room first and take a bath. Sumunod naman ang dalawang bata at saka ako hinarap ulit ni Mommy. "Nasa office ang Daddy mo."

"Office?" kunot-noong tanong ko. "Sunday and Dad's working?"

"He just needs to talk to some clients, CJ."

"Oh... okay." I shrugged. Ayaw ko nang mangulit pa. Weird that Daddy is meeting clients on weekends, but maybe that client is important.

When Mommy said she will prepare food for dinner, I said I'll check the boys first. Umakyat na ako sa taas at naabutan ko ang dalawang bata na nag-uusap.

"I told you na huwag kang babanggit kay Mommy ng tungkol kay Daddy," sabi ni Gunner kay Killian habang sinusuotan ng t-shirt ang isa.

"Tabi ni Yoya Tati ay kautap natin Mommy para alala n'ya Daddy Tulot Talot," katwiran ni Killian.

"You should stop referring Daddy to that Tulot Talot words."

Killian laughed. Naalliw sa paggaya ni Gunner sa gamit niyang mga salita.

"And taba mo na Killian." Nakapameywang na sabi ni Gunner sa kapatid. "Look at your tummy, it's getting bigger and bigger."

"Hindi kaya. Tabi Yoya Tati, cute ato."

"You're cute, but you're fat." Gunner picked the socks in the bed and helped Killian wear them. They are both adorable.

"Gun..."

"Hmm?"

"Mit mo rin mama mo? Mit ko kati mama to..." Killian's voice turned sadder and that made me think of Monica. Hindi ko na alam kung ano na ang balita sa kaniya. Minsan gusto kong tawagan sina Willow o ang triplets kaso paano ko gagawain magpatulong hanapin si Monica na hindi ko malalaglag ang sarili ko. Looking for Monica will reveal that I don't have amnesia.

I sighed at napasandal muna ako sa gilid. Thinking of how terrified I was when I first realized that I was in my father's lair when I woke up after the ambush. Takot na takot ako noon. Pero mabuti at nagawa ko silang mapaniwala lahat na wala akong maalala. Salamat sa sugat ko sa ulo dahil sa pagbagsak ko sa kalsada noong nabaril ako. Iyon ang pinaniwalaan nilang dahilan kaya wala akong maalala. At mabuti na lang din na kahit ang doktor na tumitingin sa akin noon ay napaniwala ko, na kahit wala siyang makita na trauma sa ulo ko noon ay kumbinsido pa rin siyang may amnesia nga ako.

Naalala ko pa na narinig kong nag-usap si Papa at ang doktor na maaring traumatized lang ako kaya wala pa akong maalala. And that made me decide to act more. Hindi ko sila basta mapapaniwala kaya nagkunwa akong unti-unting may naalala hanggang sa sabihin kong naalala ko na si Trace at ang pag-save sa akin ng mga tao niya dati mula sa mga tao ni Nite. Again, they believed me. At kaya nga sila pabalik-balik dumalaw dito sa akin ay para alamin kung may bago akong naaalala.

TRACE DIMAGIBA (Wild Men Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon