TRACE
“Kuya!” gulat na bati ni Paige nang makita niya akong papasok sa mansion. Kausap ni Paige ang campaign manager niya na sinabihan niyang lumabas na muna at mamaya na sila ulit mag-usap.
Ang ibang mga tauhan sa mansion ay kanina pa nagsipaglabasan. Pagkakita pa lang nila sa akin na papasok ay lumabas na sila. Umiiwas na madamay sa gulo. Sa ayos ko ba naman ngayon ay sino ang mag-iisip na matino ang pakay ko? Wala.
Paige’s eyes surveyed me nang malapitan ko na siya. Nasa mga mata niya ang pagtatanong. Duguan akong dumating kaya normal lang na mag-alala siya.
“W-What happen to you, kuya?” She wanna touch me pero nag-aalangan dahil sa mga nanuyong dugo ni Logan na dumikit sa damit ko at ang iba ay nasa braso ko at kamao.
Nilingon ko si Jeru na alam kong kasunod ko. Himala at parang nabalewala ito ni Paige ngayon.
Umalis kami ng Agrianthropos twenty-five minutes ago. Sinigurado ko munang maayos na ang lagay nina Calli at Logan. Hindi na ako nagpakita pa sa kanila sa ospital. Kahit anong sabi ni Jake na pumunta ako sa ospital para mabigyan ng first aid ang dislocated kong mga buto sa kamao ay hindi ko na ginawa. Mas importanteng makausap ko ang taong pakay ko rito.
“Nasaan ang tatay mo, Paige?” tanong ko sa kapatid kong naiiyak na sa harap ko.
“Nasa taas pa si papa, kuya. Naghahanda. May press conference mamaya tungkol sa nangyari sa kasal mo kaha—”
“Huwag mo nang ituloy, Paige. Ayaw ko nang marinig ang kahit ano tungkol sa nangyari kahapon. Bahala na kayong magpaliwanag sa mga gustong pagtawanan ang pamilya natin. They won’t get any information from me.”
“Kuya…” May gusto pa sana sabihin si Paige nang ngitian ko siya. Ngiting pilit.
“I’m fine, Paige… nandito lang ako kasi kakausapin ko si Gob.”
Iniwan ko na si Paige at lumakad na ako papunta sa hagdan. Kakausapin ko si papa at wala akong pakialam kung nasa kama pa sila ni Louisianna. I need to talk to him. Just him.
“Trace, hijo…” nag-aalalang tawag sa akin ni Yaya Cora at nilapitan ako. “Diyos ko! Ano bang nangyari, anak? Bakit naman gano’n?” umiiyak na tanong nito. Hinawakan ni Yaya Cora ang kamao ko na namamaga at awang-awa na nakatingin sa akin.
Tangina… ako si Trace Dimagiba ng Foedus pero pagdating sa mga taong kaharap ko ngayon ay bakit kawawa ako sa paningin nila?
Ayaw na ayaw ko ang kinakaawaan. I made a name in underground society as a man na iniiwasan ng marami makalaban at dapat katakutan. I should be feared but now… Napailing na lang ako.
“Kakausapin ko lang si Gob kaya ako nandito, yaya.”
“Si Chloe, hijo? Nasaan na siya?”
“Wala na siya rito sa Pilipinas. Nakaalis na siya ng bansa.”
Lalong umiyak ang matanda at niyakap ako. I raised my right hand and caressed her back. Yaya Cora is old already at alam kong napamahal sa kaniya si Chloe. Ngayon na may ibang umiiyak sa pag-iwan sa akin ni Chloe ay ako naman ang nagpapatigil. Nakakatawang buhay…
“Hijo… hanapin mo siya. Alam kong mahal na mahal ka niya. Siguradong may dahilan ang lahat.”
I smiled sadly. Oo at may dahilan nga ang lahat. Masakit na katotohanan nga lang.
Kaso ayoko na munang magpaliwanag. Saka na. Kapag kaya ko na at kapag hindi na masakit. Doon siguro… doon ay baka masasabi ko na rin ang nangyari, at ang tungkol kay Chloe.
BINABASA MO ANG
TRACE DIMAGIBA (Wild Men Series 1)
Romance-COMPLETED- SPG | R18 | Matured Content Read at your own risk! "You look good." Humakbang ako palapit kay Chloe. Kunot-noo siyang nakatingin sa akin. Nalilito. Naguguluhan. "Look at you... Kahit balot na balot ka. My body..." Kinuha ko ang kamay...