S4: 30

614 8 12
                                    

CHLOE

"Dinner is ready," sabi ni Harriet na hindi ko namalayan na nakalapit na pala sa akin.

"Where are the boys?" tanong ko.

"Nasa dining room na," nakangiting sabi niya at hinawakan ang kamay ko. "Tara na!" aya niya sa akin.

We are in Salvacion. Pinahatid ako ni Trace dito last week and until now ay wala akong balita sa kaniya. After ko magising sa mansion ng mga pusa sa Agrianthropos ay minsan ko lang nakita si Trace. Tamang nakita ko lang at hindi ko man lang nakausap dahil nakatulog ako ulit dala ng mga gamot na nasa sistema ko pagkatapos akong mailigtas.

I stayed there for a month and a half hanggang sa sabihin ni Cash, last week, na inutos ni Trace na ihatid na ako rito sa Salvacion. Much as I wanted to feel motherly love dahil nandito si Mama, plus dumating din si Mommy kasama si Daddy, ay iba pa rin kung si Trace ang kasa-kasama ko.

But he's not here... I sighed sadly.

Hindi ko alam kung ano ang reason at ayaw niya akong makasama pero nasasaktan ako. Iniisip ko tuloy na baka dahil sa akala niya ay na-rape ako kaya gano'n. Yes, that's the only probable reason. Sina Cent at Nicole lang naman ang nakakaalam ng totoo sa nangyari sa akin but I have no idea where are they. Si Alguien lang ang nakasama ko sa isla paminsan-minsan. And I can't ask my brother to look for Trace and tell my husband that I wasn't raped. That was so degrading. I will look so pathetic with that.

We went directly to the dining. Asikasong-asikaso ako ni Yaya Cora. Sina mama at mommy naman ay nag-uunahan pa sa paglagay ng pagkain sa plato ko. I am not a heavy eater pero dahil sa ginagawa nila ay baka tatlong araw lang ay tumaba na ako.

"Chloe..."

Napatingin ako sa tumawag ng atensyon ko. Si Paige. "Yes?"

"You're spacing out again..." Paige softly said. Nasa mga mata niya ang pag-aalala sa akin.

I smiled. "Just thinking when can I see Trace again," I honestly said at lahat sila nagtinginan. Ang mga bata ay tahimik naman na kumakain lang. Dahil sa pagtitinginan nila ay pakiramdam ko may problem na hindi nila pinapaalam sa akin. Ayaw na ba sa akin ni Trace? Iyon ba ang alam nila?

Binalikan ko ang nangyari... After Cent brought me to Louisianna that day ay may isinaksak sa akin na gamot kaya nakatulog na lang ako. Walang idea si Cent na papatulugin ako ni Louisianna pero hindi na niya napigilan ang mga naganap. Habang pawala na ang malay ko noon ay naririnig ko pa si Cent na nakikipagtalo kay Louisianna na ibalik na sa kaniya sina Anghel at Axel.

Hindi ko na alam ang mga nangyari after that. Basta ang sabi ni Alguien ay sa basement ng Cascade Building nila ako pinuntahan para iligtas. Si Cent din daw ang nagsabi kay Trace kung nasaan ako. Nakatakas that day si Louisianna at nakakalungkot na marami ang nagsakripisyo dahil sa mga plano niya, including her son Franco, na kung tutuusin ay kuya ko rin pala gaya ni Alguien. Isa rin siyang Esposito.

Kahapon ay tinanong ko si Cash, ang assigned bodyguard ko na ngayon, kung nasaan si Trace. Naroon daw sa isla ang asawa ko noong isang araw pa dahil nahanap na rin si Louisianna at doon dinala. I called Alguien yesterday kung bakit hindi sinabi nito sa akin na natagpuan na pala si Louisianna at ang sabi ay sinadya niya para hindi na ako ma-stress pa. Sila na raw ang bahala at sa ngayon ay pinapaamin pa si Louisianna kung saan nito itinago si Papa.

TRACE DIMAGIBA (Wild Men Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon