S3: YOURS

635 7 0
                                    


CHLOE

"Good morning, Gun..." I kissed my son's head as soon as I entered the nursery room. He was playing blocks with Heres. "Good morning, Heres..." I kissed my nephew's head, too.

"Good morning, Mommy."

"Good morning, Tita Chloe."

I smiled at them both and sat between them. Hirap na akong kumilos dahil malaki na ang tiyan ko. I am slim and yet my baby is big. My OB-GYN even told me to minimize eating rice and drinking sodas. Baka mahirapan daw ako manganak kapag lumaki pa lalo ang baby ko. Two months to go and makikita ko na rin ang baby namin ni Trace.

I smiled at the thought. A sad smile. I'm excited about giving birth but thinking Trace disregarding me hurts me.

Two weeks na mula noong nakita ko si Trace sa airport and until now ay hindi pa siya nagpapakita sa akin. Zeno told me na nagkakausap sila at malapit na rin kaming sunduin ng mga bata rito sa bahay ni Alguien. Sa sobrang dami ng problema nga raw ni Trace ay need lang maayos para kapag nagpakita na sa akin ay okay na.

That was what Zeno told me. It is just funny to think that Zeno is the one who is now backing up Trace. Weird pero bahala sila.

"Mommy, Kill is eating sweets again last night before we sleep," sumbong sa akin ni Gunner na kinakunot ng noo ko. Ilang beses ko na sinabihan ang yaya na huwag pagbigyan si Killian sa puro matatamis.

"And where is Kill?" tanong ko. Saan pala ang batang iyon at kahit yaya niya ay wala rito sa nursery room?

"Kitchen," Heres answered me.

I pursed my lips as possible reasons why Killian is in the kitchen comes to my mind. Matakaw ang bata sa rice at sweets. Pagkain ang naging diversion niya mula sa kalungkutan sa pag-iwan ni Monica sa kaniya. Hindi ko naman sinasaway kapag mga fruits and veggies or anything healthy foods, but Killian likes foods that could cause him diabetes or obesity, and it made me worry for his health.

Iniwan ko muna ang dalawa sa nursery room. Ibinilin ko lang sa mga yaya nila na later ay ibaba na para makapag-breakfast. Ipa-prepare ko lang ang pool area para doon na mag-breakfast ang mga bata.

Without the kids ay siguradong malungkot ako na binabalewala ako ni Trace. Though I know gusto niya akong isama nakaraan ay mga bata kasi ang magiging problema. I can't leave like that. Maguguluhan sila lalo na at hindi pa kami magkasundo ni Alguien that day.

I sighed. Bigla, I missed Willow. Wala siya ngayon dito sa mansion. Nasa Tagaytay at sumama muna kay Mamita. Wala rin si Papa, baka nasa Tagaytay rin o baka may inaasikasong iba. At mabuti na lang na hindi nila naisip i-question kung saan galing ang mga instant anak ko. Actually, Alguien helped me hide my children's identity from Mamita and Papa... and I am thankful for him.

Nasa baba na ako at malapit na sa kitchen when I heard Killian was laughing. I smiled. Mukhang sa katagalan ay mawawala na rin talaga sa isip ni Killian ang lungkot kay Monica. I hope so. Not because I am selfish that the boy is mine now, but the fact that Monica is dying.

I felt sad thinking of Monica. I promise myself na hindi ko idadamot ang totoo kay Killian tungkol sa mother niya, even kay Gunner ay gano'n din. They would grow knowing they come from another woman but destiny chose me to be their mother the moment they were given to me.

Sumilip na ako sa kitchen at nanlaki ang mga mata ko as I saw why Killian was laughing. Akala ko ang yaya niya ang kalaro kaya tawa ng tawa but it was Alguien.

"Hey..." I greeted them while walking to get near them. "Good morning."

"Good morning, Chloe." Alguien stopped tickling Killian.

TRACE DIMAGIBA (Wild Men Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon